Liam's POV
Ano ba naman to. Ang haba haba ng pila. Hindi pa nga ako nangangalahati ehh. Tiyak naiinip na yun si Natalie.
Habang nasa pila, nakita ko si Hannah sa isang table. Nagtataka lang ako kung bat nag-iisa siya. Panigurado namang sabay silang pumunta dito.
Pinabayaan ko nalang baka may pinuntahan lang si Christopher.
Pagkatapos kong mabili lahat ng mga pagkain, tumingin ulit ako sa table ni Hannah pero tulad ng kanina, nag-iisa parin siya. Nacurios naman ako kaya nilapitan ko na.
"Hannah, nasan si Chris? Bat nag-iisa ka?"tanong ko sa kanya.
"Well, I don't know. Sabi niya na maghintay muna ako at may kakausapin siya. And I'm already bored here."pagtataray niya. Ito talagang babaeng to napakaarte.
"Teka, sino naman daw?"tanong ko ulit.
"I don't know, since you entered here, I think he saw someone and then he went out."teka so umalis siya nung pumasok ako at bago ako pumasok nagkahiwalay kami ni Natalie. Wait, I think si Natalie yung gusto niyang kausapin.
"I think he saw Natalie."lumabas nalang bigla sa bibig ko.
"Wait what? Where is Natalie? Where is she?"nabigla ako nang tumayo siya .
"Teka ano bang gagawin mo? Kung nag-uusap man sila ngayon, pabayaan nalang natin sila."sabi ko sa kanya.
"I don't fucking care. Can you just say where they are?"nagulat ako nang magbago yung expression niya.
"I think nasa garden sila. Dun ko pinapunta si Natalie bago ako pumasok dito."sabi ko sa kanya.
"Saang garden, dun sa mabaho at maduming lugar na yon?"nagtaka ako sa sinabi niya. Ahh oo nga pala, dalawa yung garden dito at sa palagay ko yung garden na sinasabi niya ay yung garden na napabayaan na. Hindi pa niya yata alam yung garden na alam ko.
"Hindi dun."sabi ko sakanya.
"Then where the hell it is? Isa lang yung garden dito?"ngayon naman ay sumisigaw na siya. Napansin kong marami ng mata ang nakatingin samin ngayon.
Wala na akong nagawa kundi ang hilain siya. Baka makagawa pa ng iskandalo to dito ehh.
"San mo ba ako dadalhin, nasasaktan na ako."pag-iinarte niya pero patuloy parin ako sa paghila sa kanya.
"Kung gusto mong makita sila, wag kang mag-inarte diyan."at ayun, tumahimik rin sa wakas.
Malapit na kami sa garden pero bakit parang ayokong pumunta dun? Para bang ayokong makita silang magkasama.
Nang makadating na kami, hindi ko napigilang sumigaw.
"Natalie!/CN!"sumigaw rin si Hannah at sabay kami.
Bakas sa mukha ni Natalie na gulat siya. Bumitaw na sila sa yakap at napansin kong may pinapahid si Christopher sa mukha niya. Umiyak ba siya? Siguro bati na sila. Para bang nakapako ang paa ko sa lupa. Ni hindi na nga ako makagalaw. Nanatili lang ako sa puwesto ko pero si Hannah naman ay tumakbo at sinampal si Natalie.
At dun lang nagsink-in sakin lahat ng mga nangyayari ngayon.
Natalie's POV
Nagulat ako nang biglang sumulpot sila Liam at Hannah. Napabitaw ako sa yakap at magpapaliwanag sana kay Liam pero agad lumapit sakin si Hannah at sinampal ako.
"Aray!"napatumba ako sa lakas ng impact ng sampal niya.
"Hannah!"nagulat ako nang biglang sinigawan ni Chris si Hannah.
Tinulungan ako ni Chris na tumayo. Maya maya lang ay nakita kong papalapit si Liam sakin. Wait hindi lumalapit ehh, parang sumusugod.
*Booogsssh*
Nabigla ako ng suntukin ni Liam si Chris, teka ano bang nangyayari?
"Liam, bakit mo yun ginawa?"binuhat ko si Chris dahil napatumba rin siya ni Liam. Dumudugo yung labi niya kaya kinabahan ako.
Naawa ako kay Chris, wala naman siyang ginagawa pero bakit ganito yung nangyari sakanya?
"Liam! Mag-usap nga tayo!"hinila ko si Liam papalayo sakanila.
"Ano bang ginagawa mo? Bakit mo sinuntok si Chris nang ganun? Alam mo bang masakit para sakin na makita ang kaibigan ko na duguan yung labi? Ano Liam? Ano?!"hindi ko na napigilang sigawan siya. Gusto ko siyang sampalin pero alam kong nabigla lang rin siya.
"I'm sorry. Hindi ko sinasadya. Nawala lang ako sa pag-iisip ko."naging mahinahon na ako nang sabihin niya yun.
"Natakot lang ako. Natakot akong maagawan. Natakot akong makuha ka ni Chris. Ayokong maging selfish pero hindi ko mapigilan. Mahal kita Natalie. Mahal na mahal at ayokong maagaw ka ng iba sakin. Selfish na kung selfish pero may mga bagay na talagang kailangang ipagdamot."napaluha na ako sa mga sinabi niya.
"Yan na nga kasi ang sinasabi ko sayo Liam, the longer you court me, the longer you'll suffer. Ayokong masaktan kita pero you insisted .Ayoko namang humindi sayo dahil sa mga oras na kailangan ko ng karamay nandiyan ka. Sa oras na kailangan ko ng kaibigan nandiyan ka. Sa oras na kailangan ko ng brasong maiiyakan nandiyan ka. Liam, tatanungin kita, will you still continue courting me? Will you still continue loving me? Even though I'm hurting your feelings that I don't actually deserve."umiyak na ako sa oras na to. Hindi ko na napigilan.
"No Natalie, I will never give up on courting you. I will never give up on something I really want, especially if it's you Natalie. 'Cause it's difficult to wait, but worse to regret."yinakap niya ako at yinakap ko naman siya pabalik. Alam ko ang nararamdaman niya, dahil parehong pareho lang sa nararamdaman ko. Yung feeling na hindi ka mahal ng mahal mo.
"If that's what you want, then I'll let you continue, but if it doesn't work, then let's stop this. Will you promise me that? Liam?"bumitaw ako sa yakap at tinitigan sa mata.
"I promise. I promise Natalie."at dun kami ngumiti.
***
Free to vote, comment and be a fan.💜
BINABASA MO ANG
Besfriends or Lovers?
Fiksi PenggemarSabi nila, kapag sobrang malapit na kayo ng bestfriend mo, hindi malayong maging kayo sa huli, pero pano naman kung bestfriend lang talaga ang turing niya sayo? IPAGLALABAN mo pa ba, o SUSUKO ka na? Ano ang pipiliin mo, ang maging magkaibigan nalang...