Chappy 9:Starting

252 16 2
                                    

Natalie's POV

Namamaga ang mga mata ko pagkagising ko, alam niyo naman yata kung bakit.

Halos buong gabi umiyak lang ako ng umiyak, ni hindi na nga ako nakakain pangdinner. Kinakatok naman ni Nathan yung pinto pero hindi ko muna siya pinapasok, gusto ko nun mapag-isa.

Naligo, nagtoothbrush, nagbihis at nagmake up ako ng light bago bumaba. Sinuot ko ang salamin ko para hindi mahalata yung mga namamaga kong mga mata.

Pagkababa ko, kumain na ako ng lunch kasama ang pamilya ko, pero walang sinuman ang umiimik. Tumayo na ako pagkatapos kong kumain.

Pagpunta ko sa sala, nandun na si Chris, hindi ko manlang siya napagbuksan ng pinto. Syempre kahit galit ako nun sakanya, kaibigan ko parin siya. Hindi ko kayang magtago ng sama ng loob sa kanya.

"Good morning Chris, lika na!"
Agad naman siyang tumayo ng batiin ko siya. Para sakin, walang nangyari kahapon.

"Nat, good morning din!"tugon niya.

Nauna si Nathan sa kotse, sunod ako at nahuli si Chris, pinagbuksan pa kasi ako.

Nang makapunta na kami ng school, nakasalubong namin si Hannah. Tinignan ko naman si Chris ng pasimple para hindi niya mahalata at ayun tumingin siya sa malayo, siguro mahal nga niya talaga si Hannah.

Nang makaupo na ako ng upuan ko sa room namin, agad akong binati ni Liam kaya binati ko na rin siya.

"Bakit ka nakasalamin?"hindi ko naman puwedeng sabihin na dahil umiyak ako. Hayyy, ayoko pa naman magsinungaling sa kanya.

"Ahh wala lang to, fashion, hahaha alam mo na."pinilit kong tumawa pero ayon sa mukha niya, hindi siya kumbinsado sa rason ko.

"Ok, sige sabi mo ehh!"sabi niya at tumingin na sa harap.

Hayy......

Nagsimula na ang klase pero hindi ko maalis ang pag aalala ko kay Chris, ikaw ba naman katabi mo yung taong mahal mo pero hindi naman ikaw ang mahal niya? Para sa kin mahirap yun, kasi nga mahal mo. Pag mahal mo na ang isang tao, mahirap na magletgo sa nararamdaman mo.

Hayy, sana ok lang si Chris!




Christopher's POV

Kanina pa ako kinakabahan dito sa inuupuan ko, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon, kaba na may halong galit, kaba na may halong saya at kaba na may halong lungkot.

"Uhmm, Christopher pwede bang CN nalang ang itawag ko sayo, napakahaba kasi ehh?"nagulat ako nang biglang siyang nagsalita, ni hindi ko manlang alam kung ano ang irerespond ko sakanya. Kung noon pa niya to sinabi, siguro malapad na yung ngiti ko ngayon at tatango nalang ako ng diretso, pero dahil na rin sa mga nangyari, tiyak hindi ko yun magagawa.

Pero ayoko rin naman siyang i-snob kaya tumango nalang ako habang hindi tumitingin sa kanya. Nandito pa rin kasi yung sakit ehh, hindi pa nawawala. Kaya ang ibig sabihin nun mahal ko pa siya, hindi naman yun agad mawawala, lalo na't araw-araw kaming nagkikita.

"Uhmm ok sige, CN!"ayon sa peripheral vision ko, ngumiti siya. Napayuko nalang ako ng wala sa oras.

Kailan ba ako makakamove on sa kanya, kailan ba darating yung taong mamahalin ako ng lubos at mamahalin ko rin ng wagas.

Sana.
Sana, mahanap ko na siya.




Hannah's POV

Alam kong marami na akong haters dito sa kwentong to dito. Duh! The hell I care, kung gusto niyo akong palayasin sa storyang ito, pwes hindi maaari.

I'm just starting, I'm just starting.

Wait for your hell world Natalie, it's already coming. Lahat pagbabayaran mo, walang matitira sayo. Pati na ang kaibigan mong alam kong mahal mo. Hindi ko hahayaang maging masaya ka sa buhay mo. Let's start with your heart. Tignan natin kung hindi ka maapektuhan.😏

****

Luhh, si Hannah ba yun?

Ano kayang pinaplano niya?

Vote, comment and be a fan.💜

Besfriends or Lovers?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon