Chappy 20

208 17 4
                                    


Natalie's POV


Aray! Ang sakit ng ulo ko. Para bang nahihilo pako.

Minulat ko yung mga mata ko, pero hindi pa siya ganon kaklaro. Pinagmasdan ko kung nasaan ako. Nandito ako sa isang bahay na parang abandonado na.

Tatayo na sana ako nang makita kong nakatali ang paa't kamay ko sa isang upuan.

Merong dumating na 3 lalaki. Hindi ko sila kilala at mukhang sila yung kumidnap sakin kanina.

"Sino kayo? Anong kailangan niyo sakin? Pakawalan niyo ko!"pagpupumiglas ko.

"Relax ka lang, mamaya pa yung show, wag kang excited."sabi nung isang lalaki.

"Anong show pinagsasabi mo? Pakawalan mo ko!"hindi ko na napigilang sumigaw, sobrang takot na takot na ako.

"Alam mo na, yung show kung saan mawawalan ka na ng virginity, hahaha!"sabay sabay silang tumawa.

"Wag please, maawa kayo, ano bang nagawa kong atraso sa inyo?"halos maiyak-iyak kong pagkakasabi.

"Ahh, wawa naman, wala kang atraso samin, pero sa nagutos nito, meron."sabi naman nung isa.

"Sino? Sino yung nag utos nito sa inyo?"tanong ko.

"Secret! Hahahaha!"sabay sabay silang umalis habang tumatawa.

"Lord,tulungan niyo po ako!"Naiiyak na ako sa puwesto ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Masyado akong mahina para sa ganitong mga bagay. Bagay na hindi ko inakalang mangyayari sakin.

Wala na akong magagawa dito kundi ang magdasal at umiyak.

"Tulong!"pagkatapos nun ay nawalan ulit ako ng malay.




3rd Person's POV

Matapos kong iligpit lahat ng gamit ko, umalis na ako sa classroom at dumiretso sa locker ko.

Pero habang nasa hallway, nakita ko yung babaeng nasa library nung nakaraang araw. Hindi ako nagpakita sa kanya.

Naalala ko naman yung cellphone niyang naiwan niya sa library. Hinawakan ko yung bulsa ng pantalon ko at kinuha yung cellphone para sana ibalik sakanya, pero naunahan ako ng tatlong lalaki.

Kinuha nila yung babae nang wala manlang kamalay malay. Sinundan ko sila hanggang sa parking station at nakita kong pinasok nila ito sa isang itim na van.

Sumakay ako sa kotse ko, at sinundan yung van. Syempre may malasakit ako kahit hindi ko pa kilala yung babaeng yon.

Nang tumigil na ang kotse, ipinark ko na ang kotse ko sa gilid.

Napansin kong nasa may isang bakanteng lote at sa isang abandonadong bahay dinala yung babae.

Dahan dahan akong sumunod sa kanila. Sumilip ako sa isang bintana, nilibot ko yung mga mata ko at nakita kong may pintuan sa likod na alam kong hindi nila napapansin.

Kailangan kong pagplanuhan ng mabuti to kundi may mangyayari sa kanya.

Umikot na ako sa bahay na to at dahan dahang pumasok.

Nakita ko yung babae, nakatali yung paa't kamay niya sa upuan. Nakita kong nakatungo siya at wala paring malay. Limang lalaki ang nakabantay sa kanya. Tatlo ang nasa harapan at 2 naman ang nagbabantay sa kada sulok ng bahay.

Kumuha ako ng isang kahoy na nasa tabi ko. Pinalo ko to sa taong malapit sakin. Dahan dahan ko siyang hinila papunta sa labas.

Lahat sila nakatingin sa babae at binabantayan ito kaya dahan dahan akong pumunta sa likod nila. Ang bobo naman ng mga to para hindi ako mapansin.

Yung tatlong lalaki sa harapan ko, pinalo ko rin sa likod at ayun nahimatay agad.

Napansin naman yun nung parang lider nila. Nakita niya ako pero hindi ko pinansin ang pangit niyang mukha. Tingin lang yung sinukli ko sa kanya.

"Sino ka?"tanong nung unggoy.

"Di mo na kailangang malaman."at sinugod siya ng isang suntok.

Hayop, knockout agad. Ang hina naman. Tss! Sinugod ko yung mga natitirang lalaki at napagtagumpayan ko namang patumbahin silang lahat.

Nang makasiguro na akong wala nang ibang tao, tinanggal ko na ang tali nung babae sa paa at kamay.

Wala parin siyang malay kaya napag-isipan kong dalhin muna siya sa kotse ko. Hindi ko muna pinaandar yung makina. Ewan ko pero napatitig ako sakanya. Ang ganda niya pala, ngayon ko lang napansin. Mahahaba ang pilik mata niya at ang mapupula niyang labi ay sobrang kaakit-akit. Natural na namumula ang kanyang mga pisngi at napakakinis ng kanyang mukha. Ang amo niyang tingnan. Kinulit ko lang naman kasi siya sa library dahil napansin kong napakaseryoso niya at parang ang lungkot ng mukha niya.

Napansin kong gumagalaw na siya kaya iniwas ko na yung tingin ko sa kanya.

"Pakawalan niyo k--..."nagulat ako ng bigla siyang sumigaw.

"Huy ano ka ba, para kang tanga diyan."sabi ko sakanya.

"Huh? Bakit nandito ako tsaka bakit ikaw ang kasama ko?"pagtatanong naman niya.

"Obviously niligtas ka lang naman, tsaka wala ng maraming tanong. Ayusin mo na yang sarili mo at iuuwi na kita."ani ko sakanya.

At ayun, tumahimik na. Honestly, natatawa ako sa reaksyon nang mukha niya.

Habang nagdradrive, pasimple akong napangiti.

"Cute."mahina kong pagkakasabi.

***

Ito po yung nangyari bago dumating sila Liam tsaka Christopher. Hindi pa po to tapos, may continuation pa.

Please vote, comment and be a fan.💜

Besfriends or Lovers?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon