Chappy 4:Jealousy strikes

318 17 0
                                    

Christopher's POV

Ang saya ko ngayong araw dahil sa wakas napansin na rin ako ng babaeng matagal ko nang gusto, si Hannah.

Wala kaming ginawa kundi ang magkwentuhan at magtawanan.

Hindi ko na nga nasabayan si Nat ehh, pagtingin ko sa upuan niya, wala na siya dun. Ipapakilala ko kasi siya kay Hannah, tiyak masaya yun para sakin.

Mamaya ko nalang ikwekwento sa kotse, hihihi ano kayang reaksyon nun?

"Uhhm Hannah anong gusto mong kainin? My treat."

"Talaga, sige kahit ano nalang pero wag yung maraming carbs ,you know diet."sabay ngiti sakin.

Napangiti naman ako dun.

"Ok sige, teka, bibili lang ako. Wait for me okay?"

Tumango nalang siya na parang nagsasabing "ok".

Nang mabili ko na yung pagkain namin, umalis na ako sa pila.

Habang naglalakad ako papuntang table namin, tumingin tingin ako sa paligid kung nandito rin ba si Nat sa Canteen, pero wala akong nakitang Nat ehh.

Baka nasa classroom na. Ah oo nandun na yata yun!

Malapit nako sa table namin ng mapansin kong may nakaupo na sa pwesto ko kanina at nakikipagusap kay Hannah, si Hannah naman parang wala lang sa kanya yun. Tsk tsk, nambabastos na yata tong lalaking to ehh, patingin tingin sa dibdib ni Hannah!

Binilisan ko yung paglalakad ko papuntang table namin.

Nang makalapit na ako, agad kong binagsak yung pagkain sa lamesa sabay kinwelyuhan yung gunggong na lalaking to.

"Hey, Christopher, stop! Ano bang ginagawa mo? Wala naman siyang ginagawa ehh!"

"Binabastos ka na nitong lalaking to ehh!"sabay sapak ko sa gunggong na yun.

Ginantihan niya rin ako ng suntok kaya pareho kami ngayong pumutok yung mga labi.

"Ano bang problema mo ha? Ano ka ba niya ha?"

Natigilan naman ako dun.
Oo nga naman, walang kami, wala akong karapatan para manuntok dito.

Napatingin nalang ako sa malayo, "Kaibigan niya ako!"

"Ohh, kaibigan kalang naman pala ehh, umasta ka naman para kang boyfriend!"

Napansin kong pinagtitinginan na kami dito kaya agad kong hinila si Hannah palabas ng canteen.

"Ano ba Christopher, bitiwan mo nga ako, masakit!"

Napabitaw naman ako agad sa kanya, hindi ko manlang namalayang napahigpit na pala yung pagkakahawak ko sakanya.

"Sorry."

"Ano bang problema mo ha? Bakit mo sinuntok si Kent?"

"Kent? So Kent pala yung pangalan ng tarantadong yun?"

"Bakit? Anong problema kay Kent? Ex ko siya at wala kang karapatang saktan siya, ughhh!Stupid!"

Agad naman siyang umalis sa harapan ko.

"Hannah! Wait!"hinawakan ko naman yung braso niya nang mahabol ko siya.

"What now?"

"I'm sorry, sorry sa inasal ko, sorry!"

"You know what, I don't understand you! Do you think ako yung nasaktan, wag ka sakin magsorry. Dun ka kay Kent!"

"Ok, ok, but promise me. After I apologize to that Kent, we will be ok?Please Hannah?"

"Ughh! Fine! If that's what you want!"

"Talaga?"

"Yeah yeah"

Napangiti naman ako dun. Pagkatapos nun, bumalik na kami sa classroom, pero nagtaka naman ako kung bakit bakante parin yung upuan ni Nat pati yung katabing upuan niya rin bakante, sila nalang yung wala dito tsaka 5 minutes nalang ang natitira bago magtime.

Nag-aalala na ko.

Kringgggg!

Nagbell na pero wala parin siya, sila.

Kinakabahan na ako dito, pano kung may masama nang ginawa yung lalaking yun kay Nat, hindi ko talaga mapapatawad yung sarili ko kung may masamang mangyari sa kanya. Mahalaga siya sakin, mahalagang-mahalaga.

Nabigla ako ng bumukas yung pinto, at ayun nga siya, kasama ng lalaking yun.

Kaya ba niya ako iniwan dito dahil mas gusto niyang kasama yang lalaking yan, pero nang makita kong nakatingin rin siya sakin, hindi ko napigilang maging malungkot.

Umupo na siya sa upuan niya at saktong dumating yung teacher. Pasimple akong tumitingin sa kanya pero hindi maalis sakin yung pangambang mapalitan na ako bilang kaibigan niya, oo inaamin ko, nagseselos ako pero natural lang yun para sakin dahil simulat sapul, siya na yung palaging nasa tabi ko, siya na yung sandalan ko tuwing pakiramdam ko, down na down ako at siya narin ang parating nagpapasaya sakin tuwing malungkot ako. Kaya walang dahilan para hindi ako matakot na mawala siya.

Sana, sana hindi magbago, hindi siya magbago!

Sighhh!

Nakinig nalang ulit ako sa lecture. Siguro mamaya ko nalang ulit siya kakausapin sa biyahe.


***

Please Vote, Comment and be a Fan!


Besfriends or Lovers?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon