Natalie’s POV
“Ok kalang?” Tanong ko kay Liam nung kami nalang dalawa ang natira sa kusina. Hindi nakawala sakin yung ekspresyon ng mukha niya kanina nang dumaan sa likod niya si Dad. Alam kong kinakabahan siya ngayon kasi hindi naman mapagkakailang nakakatakot makatitig si Dad.
“O-ok lang, bakit?” Ani niya.
Lumipat ako sa upuan na katabi niya tsaka tinitigan siya.
“Why are you staring like that?” Halata sa mukha niya yung pagtataka kaya napangiti ako.
“Hindi mo naman kailangang magtapang-tapangan sa harap ng isang tao. Kung gusto mong umiyak, umiyak ka. Kung gusto mong maging mahina, may karamay ka. Kung natatakot ka o kinakakabahan, may masasabihan ka.”
“What do you mean?” Bakas parin sa mukha niya ang pagtataka na mas nagpalawak sa ngiti ko.
“Kung kinakabahan kang makausap si Dad, natural lang yan. Huwag kang mag-alala kasi hindi naman nangangain ng tao si Dad, tsaka mabait yon, hindi lang halata.” Napatawa ako sa huli kong sinabi.
“Fine, natatakot ako sa Dad mo. Courting someone is not my expertise to the fact that this is my first time. But despite of those, it’ll never be a hindrance for me to prove myself to your parents. I may acting like this, but I’m sure it won’t take long. Alam mo naman, gwapo eh.” Nagpogi sign pa siya na siyang ikinatawa naming dalawa.
Liam is a nice person. I’m sure of that. Kaya ayokong magpaligaw sa kanya kasi alam kong darating din yung panahon na masasaktan ko siya. Na hindi ko masusuklian yung pagmamahal na meron siya para sakin. Alam ko sa sarili ko na nandito parin yung feelings ko para kay Chris. Mawala man ito, alam kong matagal yon. Sa ilang taon ba naman naming pagsasama, sinong makakalimot agad?
Pero may parte sakin na i-try. Baka, baka sakaling maibaling ko ang atensyon ko kay Liam. For the first time in my life, I want to be selfish.
“Hey Natalie.” Napaitlag ako nang tapikin ako ni Liam. “Anong nangyari sayo? Tulala ka.” Tumayo ako at nginitian ko siya.
“Hindi, wala to. Halika na, baka naghihintay na sila Dad sa living room.” Tumayo si Liam at sabay kaming pumunta sa living room. Pagdating don ay naabutan naming nagkukulitan sila Mom and Dad pero nung mapansin nila kami ay sumeryoso yung mukha nung dalawa.
Umupo kami ni Liam sa kabilang upuan na kaharap nila Mom and Dad. It was a deafening silence not until Dad started to speak.
“Since when you started to court my daughter?” Napakaseryoso ng mukha ni Dad. Siguro kung hindi ko to kilala, baka napagkamalan ko na tong terror.
“Just in po.” Ani ni Liam. Napansin kong napakalikot ng kamay ni Liam. Halatang kabado pero hindi yun ikinabawas ng pagkalalaki niya para sakin, mas cute ko ngang tignan eh.
“So, ang sinasabi mo ay ngayong araw mo palang sinimulang ligawan ang anak ko?”
“Opo.” Yumuko si Liam na para bang may nagawa siyang mali. Imbes na maawa ako sakanya ay napangiti ako dahil nung yumuko si Liam ay siya namang pagngiti ni Dad. Alam ko na ‘tong galawan ni Dad, idadaan niya sa pagiging strict niya para malaman kung karapat-dapat ba yung tao na yon sa isang bagay.
Tumingala si Liam na siya namang ikinabago rin ng ekspresyon sa mukha ni Dad. Back to the normal. “Then, tell me. What do you like about my daughter? What makes her special to you? Let me rephrase the question, Is she special to you?” Nagtitigan yung dalawa at kami naman ni Mom ay parehong nagpipigil ng tawa.
“Yes, of course sir, she’s special to me. Very special. I don’t know when I fell for her but I guess it’s good that it went that way. I like her because I find her unique. Unique in the sense that she’s the only girl I’ve been longing for. She’s selfless and she knows what to do even though it’ll be the cause of her breakdown.” Mula sa titig kay Dad ay ibinaling niya ang tingin niya sakin. “You are the one who gives me shivers every time you smile at me. It’s not because you’re scary but because, my heart is thumping very hard every time you put that smile on your face. What makes you special to me? All about you are all special, and I want to treasure all of that. “ Ngumiti siya sakin at ginantihan ko rin naman siya. I never thought that Liam would be this so romantic.Ibinalik niya ang tingin niya kay Dad. “Can I court your daughter sir?” Tinitigan siya si Dad at bakas sa mukha niya ang pagiging determinado niya.
“Since you have told what I wanted to hear, I guess you can.” Sa wakas ay ipinakita na ni Dad yung ngiting kanina pa niya tinatago. Si Liam naman ay tumingin sakin sabay kindat.
“Thank you sir for letting me court your daughter. Rest assured, she’ll be safe within my sight.” Tumayo si Liam at lumapit kay Dad tsaka sila nagkamayan.
“You can call me Tito from now on but remember this. Don’t let my daughter suffer for any kind of sadness. Me, as her father, cherish her to the fullest. Always make her smile, don’t you ever forget that.” Tumayo si Mom at pumunta sa likod ni Dad.
“And you can call me Tita.” Tumingin si Liam kay Mom at tumango. Tumayo na rin ako kasi parang wala na rin naman na silang pag-uusapan.
“Dad, Mom, tigilan niyo na po si Liam. Anong oras na, baka hinahanap na siya sa kanila.” Singit ko.
“Very well. Ihatid mo Natalie si Liam diyan sa labas at aakyat na kami ng Mom mo.” Umalis na sila Dad at umakyat na sa taas. Tinignan ko naman si Liam at nakangiti siyang nakatingin sakin.
“Oo na, ikaw na ‘tong gwapo. Halika na, anong oras na. Baka hinahanap ka na sa inyo.” Sinamahan ko siya palabas hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya.
“Drive safely and take care Liam.” Ngumiti siya sakin. Hinawakan niya ang kamay ko at huminga ng malalim.
“Thanks for today. You made this day memorable. I’ve never been this happy before I met you and I’m very thankful that you came Natalie.” Binitawan niya ang kamay ko at ngumiti sakin ulit. Umikot siya sa sasakyan niya at pumasok sa loob.
Tatalikod na sana ako nang biglang inilabas niya ang katawan niya sa bintana. “I’ll fetch you tomorrow. I’ll drive you to school tomorrow and of course I will also be the one to bring you home. I’ll be the most handsome driver you will ever see. Have a sweet night, dream about me Natalie, bye!” Kumaway siya at pumasok na ulit sa loob. Hindi manlang hinitay yung ba-bye ko.
Binuksan niya ang makina at umalis. Hinatid ko naman siya ng tingin at bumalik na ako sa loob nung nawala na siya sa paningin ko. Nasa bukana na ako ng pintuan ng kwarto ko nang lumapit si Nathan.
“Alam na ba to ni kuya Chris?” Ani niya. “Hindi pa pero sasabihin ko sakanya bukas na bukas.” Nginitian ko siya at pumasok na sa loob.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay ibinagsak ko ang katawan ko sa kama. Too many happenings today, and I want to end those with a rest.
Liam's on the media❤
10 votes for the next update😉
BINABASA MO ANG
Besfriends or Lovers?
FanfictionSabi nila, kapag sobrang malapit na kayo ng bestfriend mo, hindi malayong maging kayo sa huli, pero pano naman kung bestfriend lang talaga ang turing niya sayo? IPAGLALABAN mo pa ba, o SUSUKO ka na? Ano ang pipiliin mo, ang maging magkaibigan nalang...