Liam's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto ko. 10 pm na pero gising parin ako. Sino ba kasi ang makakatulog kung panay ngiti lang ang ginagawa mo.
Basta ba kapag naaalala ko yung mga nangyari kanina sa Garden, napapangiti ako.😀😊
After 3 years, naging ganito na naman ako. Hindi naman kasi ako ganito simula nung iniwan niya ako, ng babaeng nakakuha halos lahat ng 1st's ko. First kiss, First relationship, First love, pero lahat ng yan meron ding naging kapalit, First heartbreak.💔
Napakunot ako ng nuo ng maalala ko yung mga magagandang memories namin noon, pero lahat lang yun naging bula ng iwan niya ako.
Tss! Huwag muna tayo sa topic na yan, nakakaBV.
So yun nga, habang inaalala ko yung nangyari kanina hindi ko mapigilang mapangiti. Ewan ko ba diyan kay Natalie, kinulam na yata ako ehh, hahaha.😂
Para bang ang saya saya ko basta nakikita kong masaya siya dahil sakin.
I know that I'm starting to like her, or should I say, love her. Hindi naman kasi malabong mangyari yun. Napakabait niya, tapos parang meron siyang mga katangian na nakakapagattract saming mga lalaki.
Ewan ko ba, bahala na si kupido.
Chineck ko kung anong oras na at ang nakita ko sa cellphone ko ay mag12 na kaya naisipan ko naring matulog, pero bago matulog, tinext ko muna si Natalie."Good night Natalie, Sweet Dreams. See you tomorrow😊"
Zzzzzzz😴
****
Natalie's POV
Naalimpungatan ako sa sinag ng araw. Bumangon na ako at chineck kung anong oras na.
5:30 palang pala, sobrang aga ko naman yata, tiyak tulog pa yun si Nathan.
Humiga ako ulit para matulog pero hindi na talaga ako dinalaw ng antok kaya bumangon nalang ako at ginawa na ang mga morning rituals ko.
Pagkatapos na pagkatapos ko, nagring na yung alarm clock ko kaya pinatay ko ito agad, napansin ko naman yung cellphone ko kaya chineck ko narin kung may nagtext sakin o wala.
"2 unread messages"
Tinignan ko kung sino yung unang nagtext, si Liam lang pala.
"Good night Natalie, Sweet Dreams. See you tomorrow"
Napangiti naman ako dun,sayang hindi nako makakapagreply ng goodnight, kaya good morning nalang yung nireply ko sa kanya.
Yung isang text naman yung binasa ko, well hindi naman ako nagulat dun.
"Goodmorning Nat, wakey wakey, dadating narin ako diyan maya maya😁"
Tuwing umaga yan talaga ang agad na bumubungad sakin pagbinubuksan ko yung cellphone ko, parang hindi nawawalan ng load.
Tok!tok!tok!💢
Nabigla ako nang may kumatok sa pintuan ko, agad ko naman yun tinignan at nakita ko ang kapatid kong nakasando pa at nakapajama, nagkukusot pa siya ng mata bago magsalita.
"Ate gising na, malalate na naman tayo niya-----."😱
"Oh napatigil ka yata?"tanong ko habang pinipigilan ang tawa ko.
"Huh? Bat nakabihis kana? Ikaw ba yan ate? May sakit kaba?"at tuluyan na siyang pumasok sa kwarto ko at kinapa yung noo ko.
"Hahahahahaha😂😅!"ayun humagalpak nako ng tawa,ehh kasi naman, ang oa oa ng kapatid ko ehh."Bat ka tumatawa? Baliw ka na nga yata."nakasimangot niyang sabi."Ehh ang oa mo kasing tignan ehh,pfftt-hahahaha!😆"di ko na napigilan yung tawa ko kaya humawak narin ako sa tiyan ko, aray ang sakit na ha."Ewan ko sayo! Diyan ka na nga! Baliw!😤"sabay walk-out.
Hay nako, ang cute talaga ng kapatid ko, mana sakin.😆
Kinuha ko na yung gamit ko at nilagay na ang cellphone ko sa bulsa ko saka tuluyan na akong bumaba.
Pagdating ko sa dining area namin, nandun na si Nathan kumakain. Aba ang bilis naman nitong batang to oo.
Nang makalapit na ako sa lamesa, tinignan niya ako tapos napakunot naman siya ng noo niya. Hahaha oa talaga neto ehh noh.😅
"Good morning mom, dad!"bati ko sa kanila sabay kiss na rin sa mga cheeks nila.
Dingdong!🔔
Dantes? Choss, baliw na yata talaga ako. Si Chris na yata yun. Nakita kong papunta si manang para pagbuksan ng pinto si Chris pero agad na din akong tumayo, "Ahh manang, ako nalang po!"magalang na pagkakasabi ko kay manang. Tumango nalang siya at bumalik na sa kusina.
Tiyak pinapasok na siya ng guard sa gate kaya sa pinto ko nalang siya pagbubuksan. Nang binuksan ko na yung pinto, bumungad sakin ang napakagwapong bestfriend ko with matching abot tengang smile. Mukhang maganda gising namin ngayon ahh.😀
Tinawag ko na si Nathan para sumunod nalang sa kotse, pinagbuksan naman niya ako agad kaya pumasok na ko sa passenger's seat. Sumunod naman si Nathan na pumasok, dun naman siya sa likod at nang makapasok narin si Chris sa driver's seat, lumarga na kami. papuntang school.
Pagkadating na pagkadating naman namin, agad namang umalis si Nathan, hindi manlang naggoodbye! Tiyak nagtatampururot pa yun.
Bumaba na ng sasakyan si Chris at umikot para pagbuksan ako,"Thanks😊", nginitian ko naman siya.
Sabay naman kami ni Chris maglakad papuntang classroom namin, konti palang ang mga estudyante na nandito, 7 palang naman kasi.
Pagkapasok na pagkapasok naman namin sa classroom, konti palang yung nandito, pero pagtingin ko sa bandang upuan ko, nandun na si Liam.
Nginitian ko nalang siya at sabay naman akong lumapit sa kanya."Good morning!"masigla kong bati sa kanya."Morning rin."sabi niya sabay ngiti sakin.
Maya maya lang, dumating na yung prof namin kaya nagstart na yung klase.
Tinignan ko si Chris na masayang nakikipagusap kay Hannah.
Ay oo nga pala, mamayang recess, kailangan kong sumama sa kanila. Sasama ba ako o hindi? Baka kasi makagulo lang ako sa kanila. Pero sige na nga, baka pagalitan pa ako ni Chris nito ehh . Hayy! Ano kayang mangyayari mamaya, sana naman maganda.
*****
Free to vote,comment and be a fan 😊
BINABASA MO ANG
Besfriends or Lovers?
FanfictionSabi nila, kapag sobrang malapit na kayo ng bestfriend mo, hindi malayong maging kayo sa huli, pero pano naman kung bestfriend lang talaga ang turing niya sayo? IPAGLALABAN mo pa ba, o SUSUKO ka na? Ano ang pipiliin mo, ang maging magkaibigan nalang...