Natalie's POV
Kriinnggg⏰
Nag bell na, ibig sabihin uwian na. Niligpit ko na yung mga gamit ko at tatayo na sana nang pigilan ako ni Liam.
"Uhmm Natalie, pwede ko bang mahingi yung cellphone number mo? Alam mo na, para may communication parin tayo sa isat isa."
"Sure no problem😊."kinuha ko naman yung cellphone ko tsaka binigay sa kanya, hindi ko naman kasi kabisado yung number ko ehh.
"Thanks Natalie, gusto mo ba hatid nalang kita?
"Ahh ma-"
"No,may maghahatid na sa kanya, lika na Nat!"
Nabigla ako ng biglang sumingit sa usapan namin ni Liam si Chris. Wala na kong nagawa kundi nagpahila nalang.
"Goodbye Liam!" Sumigaw pako nun sabay kaway, ang layo na kasi namin ehh.
Habang hila hila niya ako, naramdaman kong nagvibrate yung phone ko.
From 09*********
Goodbye Natalie, see you tomorrow and ohh you know who I am.
And by the way, thank you for making me laugh today, You're actually fun to be with.
Napangiti naman ako dun. Sinave ko nalang yung number niya sa contact list ko, JL.(John Liam)
Binitawan na ako ni Chris. Nandito na pala kami sa parking lot, wait si Nathan hindi siya pwedeng maiwan, wala siyang masasabayan.
"Teka Chris, si Nathan!"
Aalis na sana ako nang pigilan niya ako. "Wala na siya, nauna nang umalis, nagtext sakin, maaga daw silang dinissmiss."
"Ha? Pero pano naman siya nakauwi? Wala naman siyang dalang kotse ahh!"
"Sumabay nalang daw siya sa classmate niya kaya huwag ka nang mag alala."
Hayyy bakit kasi hindi nalang sakin nagtext si Nathan, yan tuloy.
Pinapasok nako ni Chris sa kotse at pumasok naman ako, umikot naman siya at umupo na sa driver's seat.
Habang nasa biyahe, nagulat ako nang magsalita si Chris,"Uhmm Nat, pwede magtanong?"
"Uhmm, ano ba yun?"tinignan ko naman siya pero nakafocus lang siya sa kalsada.
"Bakit magkasama kayo kanina ng lalaking yun kaninang recess?"
Nagtaka naman ako dun sa sinabi niya pero sinagot ko parin siya.
"Si Liam ba?"tanong ko.
"Oo, bakit kayo magkasama kanina?"Ngayon naman tumingin siya ng diretso sakin nang magred yung traffic light.
"Wala, sinamahan niya lang akong kumain, bakit?"
"Ahh kasi dapat diba kasabay kita tuwing recess, bakit mo ko iniwan sa room?"nakita ko sa mata niya na malungkot siya at isa pang emosyon na hindi ko alam.
"Kasi nga nakita ko kayo ni Hannah na masayang naguusap kaya ayaw ko na ding makisali, tsaka alam ko naman na gusto mo siyang masolo dahil alam mo na, gusto mo siya."Ang hirap para sakin na sabihin yun sakanya pero kakayanin ko,basta para sa bestfriend ko.
"Ahh, oo nga noh, sabagay.."nagdrive na ulit siya ng maggreen na yung traffic light.
"Hahaha, naman matagal na"😐ngumiti ako at sinubukan kong maging totoong ngiti yon.
"Pero dapat bukas sumabay kana samin, ipapakilala kasi kita sa kanya."bakas na bakas sa kanyanh mukha na masaya siya.
"Sure, sige ba call ako diyan!" ngumiti ako sakanya at tulad ng kanina, sinubukan kong hindi maging pilit.😔
***
Wala naman masyadong nangyari sa biyahe, kwentuhan, kamustahan, tsaka narin mga konting tawanan hanggang sa makauwi na ako.
Inimbitahan ko siyang pumasok sa bahay muna para makakain muna pero tinanggihan niya kasi may gagawin pa daw siya kaya hindi na ako nagpumilit.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko nagpapahinga, naisip ko namang buksan yung fb, twitter at instagram ko para lang maging updated, hahaha.😂
Nang makaramdam na ako ng gutom, bumaba na ako papuntang dining area at sakto namang oras palang para kumain kami. Napansin naman agad ako ni mama kaya agad niya akong pinaupo sa upuan.
Nang mapansin ko namang bakante yung upuan ni dad, tinanong ko naman si mama.
"Ma, si dad?"
"Nasa office niya, mamaya nalang daw siya kakain, tatapusin lang daw niya mga paper works niya."
Si dad nga pala ay isang successful businessman. Ang kompanya namin ang rank 1 sa buong pilipinas pati narin sa buong Asya, sumunod naman ang kompanya nila Chris.
Ganyan talaga yan si dad, workaholic yan ehh, ayaw niyang nasasayang yung oras, hangga't merong pwedeng gawin, gagawin niya yan pero kahit ganyan si dad, hindi siya nawalan ng oras para samin, kaya love na love ko yan ehh.
Si mama naman dating Engineer yan pero pinatigil ni dad, ang gusto kasi ni dad na siya ang magtatrabaho at si mama naman ang bahala samin. Kaya wala nalang nagawa si mama kundi pumayag kay dad.
***
Wala naman masyadong nangyari. Kinamusta lang kami ni mama tungkol sa 1st day namin ni Nathan and we said that it was great. Nang matapos nakong kumain, nagexcuse na ako at dumiretso na sa taas, naghalf wash lang ako tsaka nagtoothbrush bago humiga sa kama.
Hay, nakakapagod ngayong araw nato. Ano kayang mangyayari bukas? I hope that there's no reason for my day to be ruined tomorrow.😀
Zzzzzzzzzzz😴
***
Free to vote comment and be a fan!💜
BINABASA MO ANG
Besfriends or Lovers?
Fiksi PenggemarSabi nila, kapag sobrang malapit na kayo ng bestfriend mo, hindi malayong maging kayo sa huli, pero pano naman kung bestfriend lang talaga ang turing niya sayo? IPAGLALABAN mo pa ba, o SUSUKO ka na? Ano ang pipiliin mo, ang maging magkaibigan nalang...