Christopher's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto ko, sinusubukang matulog pero hindi talaga ako dinadalaw ng antok ehh, hanggang ngayon kasi, puro pagsisisi lang yung laman ng utak ko.
Hindi ko naman kasi talaga sinasadya yung mga nasabi ko kay Nat, tsaka alam kong hindi talaga ganon si Nat, ewan ko kung bakit yun yung lumabas sa bibig ko.
Gusto ko siyang lapitan tsaka magsorry pero alam kong umiiwas siya sakin. Kilala ko yan si Nat, pag umiiwas yan sakin, ibig sabihin kailangan niya muna ng space kaya ngayon ibibigay ko muna yun sakanya.
Kahit text nga o tawag hindi ko rin magawa kasi baka mas lalong lumala pa.
Pero hindi naman yata masamang magtry kung susubukan kong tawagan siya, ok lang naman sakin kung ibaba niya. Naiintindihan ko siya.
Kinuha ko yung cellphone ko sa tabi ko tsaka tinawagan si Nat.
3 rings na nang sagutin niya yung tawag ko, hindi talaga ako matiis ng bestfriend ko.
"Hello?"
Teka, boses lalaki to ahh, sino kaya to? Alam ko naman kasi yung boses ni Nathan sa tawag ehh pero ito, ibang tao na to.
"Sino ka? Bakit mo hawak yung cellphone ni Natalie?"tanong ko sakanya.
"Tanong mo sa nanay mo baka alam niya yung sagot."
"Aba,ginagago mo bako,sumagot ka hay-----"
Toot.toot.toot.
P*ta binabaan ba naman ako, makilala ko lang talaga yung lalaking yun, makakatikim siya sakin.
Pero yung malaking tanong, bakit wala kay Nat yung cellphone niya at bakit iba yung may hawak nito at lalaki pa?
Natalie's POV
Nandito na ako ngayon sa school. Ang aga pa nga ehh, 6:30 palang ng umaga nandito na ako.
Dahil yun sa cellphone ko, babantayan ko kasi yung lalaking nandun sa library kaya dito nalang ako sa Entrance maghihintay.
Kokonti palang yung nandito sa campus, siguro kumakain palang ako ngayon kung nandon pa ako sa bahay, kasi naman ehhh.
Mga isang oras na yata akong nag-aantay dito pero wala parin siya, yung library man "slash" magnanakaw.
Marami rami narin yung mga estudyanteng nandito kaya medyo nakakairita na.
Habang nag aantay, naramdaman kong parang may tumitingin sakin, pero paglingon ko wala naman, imahinasyon ko nanaman gumagana, hayy.
Kringgggg⏰
Hala! Nagbell na pero hindi ko parin nakikita yung lalaking yun, humanda talaga siya sakin pag nakita ko siya, halos dalawang oras akong naghintay tapos wala parin naman akong mapapala.
Dumiretso nalang ako ng room, habang dumadaan sa hallway, may naaninag akong pamilyar na tao, at tama nga ako pamilyar nga talaga kasi yan yung taong kinabwibwisitan ko ngayon, humanda ka pasalamat ka nasa loob ka ng room niyo.
Aalis na sana ako ng tumingin siya sakin at sabay kindat.
Ahhh, kanina ka pa! Bwisit makaalis na nga, sumasakit lang yung ulo ko dto.
San kaya yun dumaan, yung entrance lang naman kasi yung alam kong daanan papasok ng school ehh.
Pero bayaan na, ngayong alam ko na kung saan ko siya makikita, hindi na siya makakatakas pa.
Booggsshhh!
"Ahww!"aray naman, ang laki naman ng taong to para mapaupo ako sa sahig, ang sakit lang ha!
Pero pamilyar yung amoy niya, parang, parang kay Chris?
Pero nanatili parin akong nakatungo, baka tama yung hinala ko.
"Nat? Ikaw ba yan?"nagulat ako nang bigla siyang magsalita, sabi na nga ba ehh.
Dahan dahan kong inangat yung ulo ko hanggang sa makita ko na siya, namiss ko siya, namiss ko yung bestfriend ko pero alam kong hindi pa ito yung tamang oras para magkabati kami, sariwa pa kasi yung sakit ehh, ayaw matanggap.
"Sorry kung nabunggo kita, sorry."
Tumayo na ako at nagsorry sakanya sabay nilagpasan ko narin siya.
"Nat! Sandali!"hinawakan niya yung braso ko, gusto kong tanggalin pero parang may pumipigil sakin.
Kaya hinayaan ko nalang siyang magsalita at nanatili nalang akong tahimik.
"Pwede ba tayong magusap?"
Hindi ko parin siya pinapansin.
"Nat naman ohh, sige dun tayo sa garden, alam kong alam mo yun. Maghihintay ako sayo dun pagkatapos ng klase, sana pumunta ka, sige!"
At kasabay nun ang pagbitaw niya sakin.
Gusto kong kausapin siya sabi ng puso ko pero sabi naman ng isip ko, huwag muna.
At sa garden pa talaga ha, sa lugar na dun niya ako pinahiya, ininsulto at sinigawan. Natural alam ko yun, dun ako nasaktan ehh.
Dumiretso na ako ng room, mabuti wala pa yung prof, kaya umupo na ako sa upuan ko tsaka tumungo, alam ko kasing kakausapin na naman ako ni Liam.
"Natalie, sa ayaw at sa gusto mo, maguusap tayo, gusto kong linawin ang lahat tungkol satin. Rooftop, pagkatapos ng klase. Maghihintay ako."
Nabigla ako nang magsalita siya. Sasabihin ko sanang ayoko pero dumating yung prof namin at lumipat muna ng upuan si Liam, pano nato?
Sino sa kanila yung pupuntahan ko?
O
Sino sa kanila yung pipiliin ko?
Pareho silang importante at espesyal sakin, ayokong maging unfair.
Hayyy, pano nato?
****
Please vote, comment and be a fan.💜
BINABASA MO ANG
Besfriends or Lovers?
Fiksi PenggemarSabi nila, kapag sobrang malapit na kayo ng bestfriend mo, hindi malayong maging kayo sa huli, pero pano naman kung bestfriend lang talaga ang turing niya sayo? IPAGLALABAN mo pa ba, o SUSUKO ka na? Ano ang pipiliin mo, ang maging magkaibigan nalang...