Chapter 2

2.1K 25 1
                                    

"Kath yung laway mo oh tumutulo na..." naka ngising sabi ni Julia. Binatukan ko nga."Langya ang sakit nun ah!"

"Syempre binatukan kita alangan naman masarapan ka pa sa batok ko ano ka abnormal?"

"HEH!" naiiritang sabi niya at umirap saakin. Bumalik ang attensyon ko kay Daniel. May kasama siyang tatlong lalake sa likod niya at ang mga girls ayun pinagkakaguluhan sila.

Meteor Garden lang ang peg? Nakanang. Nagkatinginan kami ni Prince Charm--ay este Daniel. Parang may something...feeling ko kilala ko siya pero hindi ko lang matandaan kung kailan at kung saan kami nagkakilala. Pero imposible. Never pa ako naka meet ng isang lalakeng nagngangalang Daniel Salazar.

Dalawa lang ang lalakeng kilala ko yun ay si Kuya Renzo at si.... John.

Napansin ko lang na nakatingin paren kami sa isa't isa. Nakakunot ang noo niya. Parang may naiisip ren siya. Ay basta may something talaga.

"Good Morning class!" biglang may nagsalita. Parehas kaming napatingin ni Daniel kung saan nanggaling yung boses. Dumating na pala yung teacher at nakaupo na pala silang lahat maliban saamin ni Daniel. Huh? ba't ang weird hindi ko man lang namalayan.

Nakita kong pansin ren ni Daniel at napakamot siya sa ulo at umupo naren. Hinanap ng mga mata ko si Julia at nakita ko siya sa likod.
Napabuntong hininga ako at umupo naren sa tabi niya. "Psst Kath ano yun? Ba't kailangan mag staring contest talaga kayo ni Daniel?"
pabulong niyang sabi. "Oy anong staring contest ikaw Magsaysay ang dami mong alam noh?!"

"Eh ano yun? Wag ka nang mag deny may na feel ka noh!!!"

"Ay ewan basta parang may something ang weird nga eh."

"You mean parang na kuryente ka?"

"Ha? Anong pinagsasasabi mo diyan? kung nakuryente ako eh di dapat deads na ako ngayon!"

"Oo nga, deads ka na. Deads na deads ka na para kay Daniel.." kinikilig na sabi ni Julia. Binatukan ko nga ulit. Ang dami niyang alam sa buhay eh. "Aray bes ha nakakarami ka na." sabi niya at hinimas himas ang ulo niya. "Yan kasi kung ano ano ang pumapasok diyan sa isip mo."

"Eh kasi sabi mo may something eh pero bes look oh nakatingin siya sayo ohh aiyeeee..." Pag lingon ko nakita ko si Daniel na umiwas ng tingin. "I SMELL SOMETHING AREYANA HERE!!" napasigaw si bes 
at lahat sila napatingin sa kanya. Nagmadali akong tumingin sa baba na parang may ginagawa. Pag angat ko ng ulo nakita ko si bes na namumula. Oh ayan karma wahahahhaha daldal niya kasi eh.

"Are you ok?" tanong nung teacher.
"Ahh yes ma'm sorry po" na uutal na sabi ni bes. Gusto ko humagalpak sa kakatawa kasi hindi ko magawa 
"So I was saying there's a new girl who will be joining us today. Ms De los Santos can you come up here at introduce yourself to the whole class?" tanong ng teacher. Ang attensyon naman nilang lahat na punta saakin.

TT^TT

Hala! Lord wala naman ganyanan!
Wala akong choice at pumunta na sa harapan. *Lunok lunok* "Ahh Ehh ako si Kathryn Louise De los Santos." sabi ko at napansin kong kumunoot ulit yung noo ni Daniel.

Ano kayang problema nung lalakeng yun. "Thanks Kathryn you may now go back to your seat." sabi ni Miss.
Pag upo ko napansin ko si bes na nagpipigil ng tawa binigyan ko nalang siya ng death glare.

"Ok so I will be pairing you with someone for your art project that will be marked as half of your grade this semester kaya dapat galingan niyo." sabi ni Ms. at nag simula na siya mag pair up ng tao.

"Miss Magsaysay you will be going with Mr. Rodrigo and that leaves you Miss De los santos to be paired up with Mr. Salazar." sabi ni Ms.

Ang swerte ko talaga eh noh...rinig niyo ba yung sarcasm sa boses ko?
"Good luck bes!" pabulong na sabi ni Julia. Alam kong inside sasabog na siya sa kilig. Lechugas. "I will give you 2 weeks in total para matapos niyo ang project niyo. This project means getting to know your partners and being comfortable with them. Ang art na ipapagawa ko sa inyo is about something sentimental to you. Parang collaboration lang. so to start off you have to sit beside your partners now." Lahat kami nag silipatan ng chairs.

Pag upo ko sa tabi ni Daniel bigla nalang bumilis ag tibok ng puso ko

dugdugdugdugdugdug

For the first time sa buong buhay ko hinihiling ko na sana walang makarinig sa sobrang lakas na pag tibok ng puso ko. Ano kaya nangyayari saakin? Baka inaatake ako sa puso? Hala! Lord wag muna gusto ko pa mabuhay.

"Lou Lou?" may narinig ako nagsabi.
Nagulat ako bigla kasi si John lang naman ang tumatawag saakin nun.
Pag lingon ko nakita ko si Daniel ayun nasa cellphone niya nag lalaro ng flappy bird.

"Psst..." sabi ko. Hindi parin niya ako pinapansin. "Psst Daniel.." inulit ko.
"Wag kang makulit kita mong naglalaro ako eh." naiiritang sabi niya.

"Eh kasi may narinig ka ba nag sabi ng 'Lou Lou' ?" tanong ko. Napatingin siya saakin.

"wala... AY SHET NAMATAY TULOY AKO!" pagalit na sabi niya. Lagot nagiging the hulk na siya. "Sorry..." 
sabi ko. "Anong sorry! sorry lang? namatay ako sa Flappy bird oh!"

"Jusko Flappy bird lang yan eh di mag laro ka ulit ang drama mo!"

"Hindi ako ma-drama sadyang epal ka lang!" sigaw niya. Bigla ulit akong may naalala

[FLASHBACK]

"Hoy John kausapin mo na ako sorry na..." eto ako sinusundan si John kahit saan siya mag punta.

Eh kasi naman nag lalaro siya ng space impact sa phone niya tapos na inis ako sa kanya kasi kinakausap ko siya hindi naman siya nakikinig kaya
ayun initcha ko yung phone at ayun nagalit tuloy.

"John sorry na!"

"Anong Sorry! Sorry lang? namatay ako sa space impact oh nandun na ako sa giant alien eh!"

"Jusko Space impact lang yun eh di mag laro ka ulit ang drama mo!"

"Hindi ako ma-drama sadyang epal ka lang!"

[END OF FLASHBACK]

Ba't parehas sila ni John sumagot.
weird... as in lumevel up na talaga ang pagiging weird. Oh baka naman nag hahaluccinate lang ako.

Kagaya kanina akala ko nagkaka heart attack ako. PERO WAIT DON'T TELL ME LONG LOST BROTHER ITO NI JOHN???

wehhh..... pero di nga parehas sila ng ugali.

_______________

"So Kamusta ang iyong alone time with Mr. pogi?" tanong ni Julia. Naglalakad na kami papunta sa canteen ngayon. "Anong mr pogi? kailan pa si the hulk naging pogi?"
this time ako naman ang binatukan ni Julia "Gaga! Ehhhh kamusta nga?!! dali kwento ka naman!" sigh...

"ehh ayun nagalit namatay kasi siya sa flappy bird dahil saakin." Tumawa ng tumawa si bes. Hala mag pa book na kaya ako sa mental para sa kanya? Pahiram ng cellphone tatawag na ako dali!

Biglang tumigil sa kakatawa si Bes at na pa nganga. LUH SABI KO SA INYO BALIW SIYA EH!!!!

KATAKOT!

Nung sinundan ko yung tingin niya nakita ko si Daniel Salazar na naglalakad papalapit saamin.
Ba't kahit ang drama niya gwapo parin siya in fairness...AY ano ba yan kath yuck!!

erase erase.

"Kath mag usap tayo." sabi ni Daniel.

KISMETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon