Ramdam nilang tatlo ang mabilis na pag iba ng ihip ng hangin.
Pitong taon naren ang nakalipas simula ng mag sama silang tatlo sa iisang kwarto.
Marami na ang nag bago lalo na sa pagitan ni Daniel at ni Lance.
May nangyari 3 years ago nung nagkita sila Lance at Daniel
kaya nag bago ang pagiging magkaibigan nila.
Hindi man ito alam ni Kath ay ramdam paren niya ang lamig na bumabalot sa kanilang tatlo.
"Ahhh ehh hey John isinama ko na si Lance kasi gusto ka daw niya makita eh."
awkward na bati ni Kath habang nilapitan si Daniel at hinalikan ang pisngi ng binata.
Stiff ang dating ni Daniel habang nakatingin ito kay Lance at si Lance ay cool lang
na parang walang nangyari dati.
"Ah Lou lou..." sabi ni Lance at napatigil ito bigla ng tignan ito ni Daniel ng masama.
Napakapit si Kath sa braso ni Daniel.
Alam niya kasi na ang pinaka ayaw ni Daniel ay tawagin siyang 'Lou lou' ng ibang tao lalo na si Lance.
"Este Kathryn pala. Pwede mo ba muna kami iwan ni John para naman maka catch up naman kami
ng BEST friend ko."
inemphasize talaga ni Lance ang salitang 'best'
Napatingin si Kath sa dalawang binata na para bang gusto nilang patayin ang isa't isa.
Nag aalala na si Kath sa maaring mangyare.
Hindi sila pwedeng mag away lalo na at may sakit si Daniel hindi yun makakabuti para sa kanya.
"Ok lang naman Lou lou tatawagan nalang kita pag tapos na kami...mag usap."
parang kinabahan si Kath sa pag pause ni Daniel kaso wala talaga siyang magagawa at umalis nalang.
Nag dadalawang isip kung tama ba ang desisyon niya na iwan silang dalawa.
_________________
"Bakit ka nandito Lance?"
Galit na tanong ni Daniel.
"Bakit masama bang dalawin kita? Na miss lang naman kita BEST friend."
sarkastikong sabi ni Lance.
"Pfft hanggang ngayon hindi ka parin nagbabago Lacson?"
"At ganun din ikaw Salazar."
naka smirk na sagot ni Lance.
"Bakit ka nga kasi nandito? Hindi na namin kailangan ni Kath ng panibagong antagonist sa istorya naming dalawa. Hindi
pa ba sapat ang sakit ko? Ano ba kasi ang kailangan mo?"
"Alam mo kung ano..wait let me re-phrase that...alam mo kung sino ang kailangan ko John."
"At alam mo ren na hinding hindi mo siya makukuha saakin."
confident na sagot ni Daniel.
Alam naman ni Lance na ang babaeng mahal niya ay matagal ng in love sa best friend niya. Pero hindi parin susuko ang
binata.
"You'll only hurt her John.." matigas na sabi nito.
Nakita ni Lance na lumungkot ang mga mata ni Daniel ngunit ito ay naglaho sa isang iglap at napalitan ng galit.
Alam ni Lance kung ano ang nangyayari kay Daniel.
Sinusubukan nitong maging malakas sa harap ng ibang tao lalo na kay Kathryn pero unti unti na siyang nanghihina.
Ang ayaw lang naman ni Lance ay mahirapan na si Daniel kaya sa tingin nito ay pag nalayo niya si Kath kay Daniel
ay magpapahinga na si Daniel ng payapa at si Kathryn kung mamahalin lang siya nito ay hindi siya gaano
masasaktan pag nawala si Daniel.
"Alam ko kung ano ang iniisip mo Lance at sinasabi ko na sayo ngayon palang na mali yan. Kahit na pag layuin mo pa
kami ay hinding hindi mo mababago ang katotohanan na ako ang mahal niya at ang mamahalin niya habang buhay."
sabi ni Daniel.
"Sa tingin mo hindi ko yan alam? Of course I do John, I'm not stupid but I will not give her up, not when I know that
she will only end up hurting in the end. Kung mahal mo siya set her free, let her be happy without you dragging
her down. Malayo pa ang mararating niya John. Hayaan mo lang siya lumaya sa pag mamahal mo."
Nakaramdam si John ng kirot sa puso niya.
"Hindi ko naman siya sinasakal Lance."
"Pero hanggang kailan ha?! Mamahalin ka niya, magpapa ka tanga siya sayo, aasa siya! AASA SIYA JOHN AND WE BOTH KNOW
NA MABIBIGO LANG SIYA!"
hindi na naiwasan ni Lance na sumigaw.
"Why are you doing this Lance?"
nanghihina na tanong ni Daniel.
"Because I don't want her to get hurt."
"And you think taking her away from me won't hurt her?"
"It won't be as painful as the pain she will suffer when you leave her. Kaya nga hindi ba pwedeng siya nalang
ang mang iwan sa iyo? saakin naman siya mapupunta John! Aalagaan ko siya. I can give her the kind of love that you can
never give."
Umiling si John at napa ngiti ng mapait.
"Ang pagmamahalan namin ni Kath ay walang katumbas na kahit ano man. God knows na walang makakapantay dun. Kath and I are meant for each other. It's KISMET. Kahit ano pa ang gawin mo kami parin ang naka tadhana para sa isa't isa. You still haven't changed Lance, you're still selfish. No wonder why she can't love you."
at dun natamaan si Lance. Tagos talaga sa pag ka tao niya.
Hindi niya kinaya at nag walk out nalang siya.
___________________
"Eh kasi Lance alam mo naman na hindi ko kayang iwan si Daniel hindi ba?"
niinis na sagot ni Kath for the nth time.
Kanina pa kasi siya kinukulit ni Lance na sumama papuntang Hong Kong para sa isang mahalagang project
na kakailanganin ni Kath para makakuha ng mataas na mark para sa kanyang report.
2 weeks trip daw may mga conference at kung ano anu pa.
Kahit gusto man niya eh hindi niya magawang pumayag sa alok ni Lance dahil ayaw niya nga iwan si Daniel.
"Kath alam kong kailangan mo ito. Hindi naman siguro ipagkakait sa iyo ni Daniel ang pag aaral mo. Mahalaga ito."
pag pupumilit parin ni Lance.
Napa buntong hininga nalang si Kath at sinabing
"Sige pag iisipan ko."
napa ngiti naman ang binata.
Sumasangayon na ang Universe sa mga plano niya...
