Chapter 20

900 17 2
                                    

Hello guys!

Happy 3rd Monthsary hehe! 

______________________

Kathryn's POV

Makulimlim ngayong araw pero tuloy paren ang pag bisita ko sa puntod ni John.

I think it's the last and most important thing to do.

Siguro para naren sa closure naming dalawa.

Sabi ni Lance na sakto daw ang pag bisita ko kasi ngayon daw ang 7th death

anniversary ni John.

"And we're here." sabi ni Lance sabay hinto sa pag lalakad.

"Dito pinili ni John mag pa libing. Lokong yon ang bata bata tapos 

inisip na agad kung saan siya mag papalibing. Peaceful daw kasi at ang sabi

niya pag binisita mo raw siya balang araw, magugustohan mo ren ang tanawin kasi eto

and paborito niyang lugar sa Hong Kong."

pag papaiwanag ni Lance.

Napatingin ako sa langit kasi ramdam ko na malapit na akong umiyak.

"Geh mauna na muna ako. tawagan mo nalang ako pag gusto mo nang umuwi."

sabi ni Lance at nag simula na mag lakad palayo.

Nung naka alis na si Lance ay pinag masdan ko muna ang paligid. 

Nasa Sai Kung, Hong Kong kami. Sobra niyang peaceful.

Nasa tuktok ito ng isang hill overlooking sa dagat na mukhang paradise kung

tutuosin.

Napa lingon ako sa puntod ni John.

John F. Salazar

1997 - 2007

I beloved brother, son 

and a faithful friend.

Siguro magiging paradise ito kung hindi ko lang kaharap ngayon ang lalakeng

matagal ko ng hinahanap, na nakalibing.

"Hello John."

sabi ko.

Siguro pag may nakakita sa akin ngayon iisipin nila na nababaliw na ako.

"Alam mo ang tagal tagal ko nang gustong makita ka pero ang unfair ng universe noh!

kasi ngayon na nahanap na kita, naiwan mo na pala talaga ako forever. Alam mo miss na

miss na kita, walang araw na lumipas na nawala ka sa puso at isip ko John.

Siguro nga permanente ka ng nakatatak sa puso ko at hinding hindi ka na mapapalitan.

Ikaw ang nag iisang malapit na kaibigan ko simula noon pa. Ang sakit isipin na

binawian ka ng buhay sa napaka batang edad."

Umupo ako sa damuhan sa tapat ng puntod ni John at nag sindi ng kandila 

at niyakap ang mga tuhod ko.

"John, kwinento sa akin ni Lance ang lahat lahat. Masaya ka na ba John? Dumating

na ako oh. Diba eto ang matagal mo nang hinihiling. Promise ko sayo na dadalaw ako

kahit once a year para naman makabawi ako. Gusto ko mang tumira dito para naman

makasama kita eh hindi ko pwedeng iwan ang kapatid mo. Kailangan niya ako at kailangan

ko siya. Sorry nga pala John ha kasi alam kong alam mo na nag kakasakitan kaming

dalawa. Pero hindi mag tatagal at sisiguraduhin kong mag kaka ayos kami. John

wag mo muna siyang kukunin sa akin ha. Hindi ko pa ata kaya. Sa tingin ko nga

hinding hindi ko kakayanin pag dumating yung araw na iwan niya naren ako."

Hinaplos ko ang lapida ni John at tumayo na.

Pinunasan ko ang mga luha ko.

"I won't be saying goodbye John because I know someday, somewhere, ay magkikita

tayo muli. Katulad ng sabi ni Daniel na dapat hindi 'Paalam' kundi 'Hanggang sa muli'

kaya John hanggang sa muli. At sana pag nagkita tayo muli kahit na hindi

na tayo magkakilala at strangers na tayo sa isa't isa. Sana kahit papano ay 

makita kitang masaya. Yun lang naman ang hinihiling ko. I promise na mamahalin ko

ng buong buo ang kapatid mo at hinding hindi ko siya pababayaan."

Nag simula na ako humakbang palayo

pero tumigil ako at lumingon ulit sa puntod ni John.

"Thank you John, Thank you for everything."

_____________________

Nandito kami ngayon ni Lance sa isang restaurant at habang nag uusap kami

ay biglang tumunog ang cellphone ko.

Pag tingin ko, si Julia pala ang tumatawag.

"Hello bes ba't ka na patawag?"

tanong ko.

tapos parang kinabahan ako ng narinig ko siyang humahagulgol.

"Bes si...si Daniel kasi hindi niya sinabing..."

hindi natuloy ni Julia ang sinasabi niya kasi patuloy siya sa pag iyak.

Hindi ako mapakali.

Tinignan ko si Lance na ngayon ay naka kunot noong nakatingin sa akin.

"Bes anong nangyare kay Daniel?"

natatarantang tanong ko.

"Kasi... si Daniel bes, sabi ng doktor niya na..."

"Na ano bes! Tang*na ano ba sabihin mo na!"

hindi ko sinasadyang sigawan at murahin si Julia kaso  nag papanic na talaga ako.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at parang gusto ng tumakbo ng mga paa ko 

pabalik ng Pilipinas.

Narinig ko si Julia na nag inhale ng malakas at sinabing

"Bilang na raw ang mga araw niya." 

____________

Sigh.... malapit na malapit na po ang ending ng KISMET

gusto ko lang mag thank you sa lahat ng nag basa at patuloy na nag babasa ng napaka

emo ko na istorya. Kahit na alam kong medyo silent readers kayong lahat hahaha.

Salamat paren kasi it means a lot. 

Please vote and comment!

Please po talaga!

Thank you

Hanggang sa muli!

-Author-

KISMETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon