Kathryn's POV
"Kath na aalala mo pa ba yung pangalawang beses tayong nanood ng palubog
na araw, I asked you to be my girlfriend and now you're my
fiancee."
bulong sa akin ni Daniel na ngayon ay naka yakap sa likod ko.
Napangiti ako sa binanggit niya.
Bumalik sa akin ang mga nangyare nung araw na yun.
Sinabi ko sa kanya na mahal ko siya kahit siya pa si Daniel
o si John.
Sinabi ko na hindi na ako mag dududa kung
siya ang mamahalin ko pang habang buhay.
At hindi ako nag kamali doon.
Dahil kahit na ano pa ang pinag daanan namin
sa huli sa isa't isa parin kami bumabalik balik.
Yun siguro ang ipekto ng pag mamahal.
Masasaktan ka ng paulit ulit pero ni minsan
hindi ka mag sasawa na mag patawad ng pa ulit ulit.
"Daniel please, please don't fade away from me."
sabi ko. Naramdaman ko ang pag higpit ng yakap niya sa akin.
"I will never fade away from you Kath kasi kahit na mawala man ako sa mundong ito
hinding hindi ako mawawala sa tabi mo. Hihintayin kita kahit tumagal pa ng kahit ilang
forever, maghihintay ako. Ganun kita kamahal. I will never fade from you, never."
ibinaon ni daniel ang mukha niya sa leeg ko a naramdaman ko ang pag patak ng luha niya at hudyat yun para
mag simulang tumulo ang mga luha ko.
Humarap ako sa kanya at pinunasan ang mga luha niya.
"Huwag mong sabihin yan please. Diba ayaw mo na masaktan ako? Ayaw mo na umiiyak ako? Ayaw mo na malulungkot ako?
Pag mawawala ka lahat yun gagawin ko. Ma gi-guilty ka diba? Gusto mo ba hanggang sa kabilang buhay dala dala mo
yung guilt? diba ayaw mo nun kaya dito ka lang ha. Dito ka lang sa tabi ko. Kung saan ka dapat."
"I'm sorry Kath. I'm sorry, gustohin ko man na dito lang sa tabi mo ay hindi ko magawa gawa.
Ayoko man na saktan ka pero ganun talaga. Pero kapag nakatakda tayo para sa isa't isa
pag tatagpuin tayo ng tadhana. Pag hiwalayin man niya tayo ngayon alam kong darating ang panahon, yung
tamang panahon kung saan pwede nating ituloy kung ano man ang nasimulan naten."
"Pagod ka na ba Daniel?"
natatakot na tanong ko.
Kahit na ayokong marinig ang sagot ay kailangan ko paren.
For the sake of my sanity.
"Gusto mo ba marinig ang totoo?"
tanong niya habang pinupunasan ang mga luha ko.
Tumango ako.
"Pagod na ako Kath. Pagod na pagod na ako. Feeling ko unti unti na akong nilalamon ng sakit ko.
Minsan pinipilit ko na lang ang sarili kong gumising kasi gusto pa kitang makita, makasama.
Gusto ko pang ikasal sa iyo. Gusto ko pa mag ka anak tayo, magkaroon ng apo, ng mga apo sa tuhod.
Gusto ko maranasan yun sa iyo. Pero sa tuwing iniisip ko ang mga pangarap na yun parang unti unti silang
lumalayo sa akin."
Wala akong sinabi. Niyakap ko nalang siya ng sobrang higpit kasi nararamdaman ko na malapit na
siyang mag paalam.
Ayoko maging selfish, Hindi ako ganun.
Ayoko siyang pilitin kung pagod na siya.
Huminga ako ng malalim at sinabing...
"Kung pagod ka na, kung hindi mo talaga kaya. Ok lang sa akin na bumitaw ka. Tatanggapin ko kahit gaano pa
kasakit. Basta itatak mo sa isip mo na mahal na mahal na mahal na mahal kita. At kahit kailan
hinding hindi ko makakalimutan ang pag mamahal mo. Dahil ikaw si Daniel John Gabriel Salazar ang iisang lalakeng
minamahal ng isang Kathryn Louise De Los Santos."
And again the sunset witnessed another ending with the promise of our love.
Our love that will surpass what you call 'forever'
because when it comes to love 'forever' can never be enough.