Chapter 4

1.9K 26 1
                                    

Daniel's POV

First of all magpapakilala muna ako sa inyo.

Ako si Daniel John Gabriel Salazar pero people know me as THE Daniel Salazar.

Iisa lang ang taong hinayaan kong tawagin akong John.

Pero may nangyari 7 years ago kaya ko siya nagawang iwan.

Sa totoo lang yung babaeng yun ang nag bigay ulit saakin ng buhay nung

namatay ang mama ko.

She gave me hope at siya ang dahilan kaya nagkakalakas loob akong gumising araw araw.

Pero hindi natin makakaila na napaka unfair ng tadhana.

Sa oras na makita mo na ang taong nagpapasaya sayo may mangyayaring di kanais nais 

na magbabaliktad ng mundo mo.

Hindi ko siya ginustong iwan pero kinailangan ko.

For my own sake....

I know that was a very selfish move. 

Iniwan ko siya sa mga panahong mas kinailangan niya ako.

Pag nakita ko na ulit siya sana mapatawad niya ako, sana maintindihan niya 

kung bakit naging ganun ang desisyon ko.

Nung umalis ako ng bansa 7 years ago nagsimula na akong mag painting.

Nag paint ako na nag paint 

ng mga kung anu anong mga bagay na may 'stars' at 'promise' ang concept.

Hiniling ko na sana pag nakita niya yung mga paintings ko 

maalala niya ako, ang pinag samahan namin, ang mga pangako namin sa isa't isa.

Pero pitong taon na ang nakakalipas sa tingin niyo ba kilala pa niya ako?

__________

"Daniel iho gising ka na at baka ma late ka pa sa klase mo first day mo pa naman!"

sigaw ni Manang Josie na ngayon ay nag aayos ng gamit ko sa kwarto.

Ang aga aga parang naka full volume na si Manang.

Simula bata pa ako siya na ang nag aalaga saakin. 

Kaya kilala niya si 'Lou Lou'  yung babaeng tinutukoy ko na iniwan ko dati.

Tuwang tuwa nga saamin si Manang noon sabi nga niya bet na bet niya daw kami.

Sumama sa akin si Manang abroad kasi naawa saakin si Dad sabi niya 

mas mabuti daw na may makasama ako abroad.

Nagpaiwan kasi si Dad dito sa Pilipinas dahil hindi niya pwedeng

iwan ang kumpanya at ang school.

Mga mid 50's na ata si Manang ngayon.

Mga 2 years ago nung bumalik kami ni Manang dito sa Pilipinas

sabi ko kay Dad na ok na ang pakiramdam ko at sobrang boring na

sa US kaso ang totoo eh gusto ko lang talaga mahanap si Lou Lou.

"HOY DANIEL BABANGON KA BA DIYAN OH BUBUHUSAN KITA NG KUMUKULONG TUBIG!"

sigaw ulit ni manang.

>___<

O___O

Tae na!

Masama galitin si Manang parang Nuclear bomb lang yan pag sumabog sa galit.

KISMETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon