Salamat sa mga nag vote!
And Hello sa mga bagong readers!
__________________
Kathryn's POV
Nakaupo ako ngayon sa sala kasama ni Manang.
Iniintay namin ngayon si Daniel na hanggang ngayon ay
wala paren. mga limang oras na ren siyang wala. di ba niya
inisip na may nag aalala ren para sa kanya.
Hindi mapakali si Manang sa upuan niya kasi alam niya na
na alam ko.
Muntik na ata siyang atakihin sa puso nung sinabi ko
sa kanya na alam ko na ang totoo.
Nasan na ba si John?!
Baka inatake na yun ng sakit niya!
Wag naman sana!
Gusto ko pa siyang makasama.
Gusto ko pa siyang makausap.
Lintek natataranta na ako.
Biglang bumukas ang pinto at niluwa nito ang lalakeng
kanina pa namin hinahanap.
At take note naka ngiti pa siya naka NGITI!
Badtrip!
"Oh Kath pasalubong ko oh!"
sabi niya at ipinakita saakin ang plastic na may
jollibee na nakalagay.
Oo gutom ako pero right now leche hindi ko iniisip ang
pag kain.
Tumakbo ako at niyakap si Daniel.
Hindi siya nag dalawang isip na yakapin ako pabalik.
"Eto naman na miss mo ako agad?"
natatawang sabi niya.
Hindi ko napigilan ang sarili ko at nag umpisa nang umiyak.
Lahat ng sakit na nararamdaman ko na matagal ko
nang tinatago ay ramdam na ramdam ko na.
Ngayon nandito na si John.
Ang kababata ko.
Buhay siya, humihinga pa siya
at kahit yun lang sapat na para mapasaya ako.
Pag bitaw namin sa yakap dali dali niyang pinunasan ang
mga luha ko.
"Saan ka nang galing? Ba't ngayon ka lang? Saan ka ba kasi
nag punta alam mo bang kanina pa ako nag aalala!"
naiiyak paren na sabi ko sabay hampas sa kanya.
"Ahhh pumunta kasi ako sa mall tas nakita ko yung
dati kong kaibigan nung elementary kaya ayun nakipag
kwentuhan muna."
Napatingin ako kay manang at umiling siya.
Dumiretsyo siya sa kusina siguro para iwanan muna kami ni Daniel
para mag usap.
Nung ibinalik ko yung tingin ko kay Daniel ay nakakunot ang noo niya.
"Bakit Kath anong problema?"