"Bakit ba lahat sila iniiwan ako? Una si mama sumunod naman si Papa. Paano naman ako? Sino na ang makakasama ko, John?"
"Shhh wag ka nang umiyak Lou Lou nandito naman ako diba? Hinding hindi kita iiwan."
"Promise?"
"Promise."
_____________________
*BEEP* *BEEP*
"Kath gising na late ka na sa school 8:30 na!" Sigaw ni Auntie
Hala! Patay! Frist day ko sa bago kong school hindi ako pwede ma-late. Mas mabilis pa kaysa sa kabayo akong tumayo at tumakbo papunta sa shower para maligo.
After 1932039080 years natapos ren ako. Bumaba na ako ng hagdan.
"GOOD MORNING AUNTIE!!!" nakangiti at pasigaw kong bati.
"Buti naman at gising ka na. Sige upo ka na dito para makakain ka na ng almusal." mainahon niyang sinabi.
Pag upo ko, sumandok na agad ako ng kanin at kumuha ng hotdog. "Hoy takaw, mag tira ka naman para sa akin." naiiritang sabi ni Kuya Renzo. Binelatan ko siya.
"Tama lang yan kuya para naman mag diet ka!"
"Diet diet ka dyan. Ikaw dapat mag diet sa ating dalawa eh!"
"Shattap, unggoy ka talaga kuya!"
"At least ako unggoy eh ikaw BABOY!"
Leshe. GRRRRRR kabadtrip.
"Hala sige tama na ang bangayan at parehas na kayong late!" sabi ni Auntie. Sinubo ko nalang lahat in one go at uminom ng baso ng tubig. "Sabi na nga ba baboy ka eh! Paano mo napagkasya lahat ng yun sa isang subo?" nangaasar na tanong ni Kuya.
"Che! Inggit ka lang kasi ako may talent ikaw wala!" sabi ko.
Oh loko wala tuloy masabi. Speechless lang?
Paglabas namin ng bahay nakasalubong namin si Julia ang aking one and only best friend. Kakalipat lang namin ni Auntie at Kuya Renzo dito sa maynila at si Julia ang una kong nakilala at simula nun best friends na ang turingan namin.
Ako si Kathryn Louise De los Santos 17 years old, mahilig mag basa at mag sulat. Tahimik pero sa bahay sobrang daldal.
Si Auntie naman ang kumupkop sa akin nung namatay sila Mama at Papa sa isang car accident.
Si Kuya Renzo naman ang anak ni Auntie. Ipinanganak ata yun para inisin ako araw araw. Pero love ko yan!
Si Julia naman ay Maganda, Matalino, Friendly and she always stands out sa crowd."Morning Bes!" Bati ko
"Good morning! uy good morning ren Kuya Renzo." abot langit ang ngiti ni Julia ngayon. Alam niyo kasi patay na patay yan kay unggoy. Grabeh ahhh si bes na in love sa isang unggoy imagine that Kadirdir.
Kung nagtataka kayo kung may boyfriend ako isa lang ang palagi kong sagot.Wala.Alam ko kasi na sakit lang sa ulo yang love love na yan.
Kita mo sa mga teleserye at sa mga libro palaging nasasaktan nalang ang mga bida dahil sa pag ibig. Kaya no thanks nalang.Pagdating namin sa bago kong school ang reaction ko ay: W-O-W grabe as in.
Ang laki ng mga buildings. Tapos ang dami pang mga mukang mayayaman na istudyante. Kami lang ni Kuya Renzo ang bago dito kasi si Julia matagal ng nag aaral dito sa SU.
"Pssst bes in fairness maganda ang school mo pero parang nakakatakot naman ata kasi kita mo lahat sila magaganda tapos tignan mo ako mukhang basahan."
![](https://img.wattpad.com/cover/13669907-288-k941832.jpg)