Daniel's POV
"Sige na John payagan mo na ako. I'll only be there for 2
weeks. Isipin mo nalang na parang nag Vacation lang ako
saglit. Babalik naman ako eh. Alam mo naman na babalik at
babalik ako sa iyo. You're my home, John."
Sabi ni Kath. Naisipan namin na mag 'date' muna pinayagan
naman kami ng doktor since nag pumilit kami.
'Malayo ang mararating niya John. Hayaan mo lang
siyang lumaya sa pagmamahal mo.'
'Malayo ang mararating niya John. Hayaan mo lang
siyang lumaya sa pagmamahal mo.'
'Malayo ang mararating niya John. Hayaan mo lang
siyang lumaya sa pagmamahal mo.'
Tatlong arawan naren ang nakalipas simula ng mag usap
kami ni Lance at hanggang ngayon tumatak na sa isip ko
ang mga katagang iyon. Tama ba si Lance? Tama ba na
bitawan ko na si Kath? Hindi ko kaya. Iisipin ko palang
para nang may sumasaksak sa puso ko.
Selfish ba ako?
Gusto ko lang naman makasama ang babaeng mahal ko
sa natitira kong araw sa mundo.
Masama ba yun?
Na humiling ng ganun kahit na alam kong siya ang
masasaktan ko sa huli.
"Kath..."
"Hmm?"
"Napapagod ka na ba?"
natakot ako bigla sa tanong ko. Kasi baka yung ayaw ko ang marinig ko.
"What do you mean?"
naka kunot noo niyang tanong.
"You know what I mean Kath..."
"What makes you think that I will get tired? Never John. I will
never get tired of hoping, of taking care of you and above all
I will never get tired of loving you."
Sabi niya sabay haplos sa pisngi ko.
Napangiti ako sa sagot niya pero bigla ko itong binawi ng pumasok nanaman sa isip ko
ang mga sinabi ni Lance saakin.
'Mamahalin ka niya, mag papaka tanga siya sa iyo, aasa siya. Aasa siya John and we both know
na mabibigo lang siya.'
Ang sakit, ang sakit kasi totoo.
"Kath ano ang gagawin mo kung ako yung mapagod? Magagalit ka ba kung ako ang bibitaw?"
hindi ko na napigilan ang sarili ko at bigla nalang lumabas sa mga bibig ko ang mga salitang iyon.
Nakita ko nanlaki ang mga mata niya. Hindi niya inaasahan na sasabihin ko iyon.
"H-Hindi mo na ba ako mahal?"
nanginginig na tanong niya.
Napapikit ako.
I knew this day had to come pero bakit hindi ako ready?
pitong taon ko ito pinag handaan. Pero bakit hindi ko paren kaya?
Pag dilat ko ng mga mata ko ay nakita ko ang pag patak ng mga luha niya.
Mas dumoble ata yung sakit na nararamdaman ko kasi alam ko na ako mismo ang dahilan nga mga luhang
lumalabas sa mga mata niya. Pero this time hindi pwede na ako ang mag punas ng mga yon.
Mahal kita Kath.
Mahal kita sobra sobra na it's killing me.
Natatakot ako na kung ano ang mangyayare sa iyo pag iniwan na kita.
Kaya siguro mas ok na iwan na kita ngayon hanggang maaga.
Nandiyan naman si Lance. Sasaluhin ka niya pag bumagsak ka.
Gustohin ko man na ako ang sumalo sa iyo eh masyado na akong nanghihina.
"You deserve someone better than me Kath. You deserve someone who will stay by your side
hanggang sa pag tanda. Mahal kita. God knows how much pero I just can't be the one.
I can never be the one. Ayaw ko mang bumitaw pero nanghihina na ako Kath. I want you
to be with someone who's strong enough for you to lean on. Kasi ako hindi ko na kaya..."
Naramdaman ko naren ang pag patak ng mga luha ko.
Each word was torture.
Parang ang bigat bigat sa pakiramdam.
pero kailangan ko itong gawin.
Sa ikabubuti ni Kath.
She got up with pain in her eyes then she ran away.
Gustohin ko mang sundan siya eh hindi pwede. kailangan ko panindigan ang ginawa ko.
Sana masaya ka na Lance Lacson.
_________________________________
Kathryn's POV
"I can't believe it. I can't believe na siya pa ang bibitaw ang sakit sakit! Why won't he just let me
stay by his side kahit alam kong panandalian lang. Wala akong pake bes. Wala akong pakielam kahit na
masaktan ako ng sobra sobra sa huli basta alam ko ako ang kasama niya hanggang sa huli at walang bumibitaw
sa amin pero shet lang! TANGINA! ANG SAKET lalo na dito!"
humahagulgol na sabi ko sabay turo sa puso ko.
Walang nagawa si Julia kundi yakapin ako ng sobrang higpit.
"Mahal ka niya Kath. Base sa mga kwento mo alam kong mahal na mahal mo siya at mahal na mahal ka ren niya.
Siguro naguguluhan lang siya ngayon kung ano ang tama at kung ano ang mali. Pero pag dating sa pag ibig
sadyang walang fine line between sa dalawa. I think you guys need space para makapag isi isip. I'm sure
may dahilan si Daniel kung bakit niya ito ginawa."
"Pero bakit pa ngayon? Bakit ngayon pa?"
nanghihinang sabi ko.
"Hindi ko alam kung ano ang sagot sa mga tanong mo bes pero alam ko dadating ang panahon na masasagot ren
yan."
"Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Para akong pusa na naliligaw sa kalye."
"Why don't you focus muna sa pag aaral mo Kath? Pumunta ka dun sa Hong Kong trip na sinasabi mo. Kailangan mong
huminga at kailangan mo ren yun para sa grades mo."
Pinunasan ko ang mga luha ko at tinawagan si Lance para sabihin sa kanya ang desisyon ko.
_______________
Sorry sa matagal na pag update.
Medyo naging busy lang ng konti.
Please comment and vote!
Hanggang sa muli
-Author-
