Kathryn's pov
"Sa tingin mo ba tama ang naging decision ko bes?"
tanong ko kay Julia.
Nandito ako ngayon sa Hong Kong mga isang linggo na.
Tinupad ko ang pangarap ko, tinupad ko para kay John.
Sumama ako kay Lance pero bakit...hindi ako masaya?
"Kath kung sa tingin mong ito ang makakabuti para sa lahat
eh di hindi naman siguro masama na lumayo ka muna kahit saglit lang."
sagot ni Julia.
Magkausap kami ngayon sa telepono.
Hindi kasi siya sumama saakin papuntang Hong Kong kasi may project pa siya
na kailangan tapusin.
"Eh si ano...si..."
hindi ko matanong si Julia ng maayos kasi hindi ko alam kung kaya ko
na bang sabihin ang pangalan niya.
"Sino si Daniel?"
tanong niya.
Grabeh kahit pangalan lang niya sumisikip na ang didib ko.
Wala naman akong pakielam kung siya man si John o hindi kasi
ang mas importante ay mahal ko siya. Yun lang.
Oo nagalit ako kasi pinaglihiman ako pero matagal ko ng napatawad si Daniel
tungkol dun. Mas matimbang paren ang pagmamahal ko sa kanya.
Kaso hindi ko pa kayang bumalik.
Kasi may kulang paren.
"Sorry Kath pero hindi ko pa kasi nabibisita si Daniel sa ospital masyadong
hectic ang schedule ko eh pero siguro sa susunod na araw makakapunta ako and
I promise babalitaan kaagad kita."
sabi ni Julia.
"Ahh ganun ba sige balitaan mo nalang ako thank you."
"Sige na bes una na ako bye ingat ka love you!"
"Sige bye love you too."
____________
"So tapos na ang school project natin pwede na ulit tayong bumalik ng Manila."
biglang sulpot ni Lance.
Nandito kami sa isang beach house na pag mamay ari nila Lance.
Para daw tipid sa gastusin.
"Ayoko pa."
tipid na sagot ko.
Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.
Nakatingin kami ngayon sa palubog na araw.
Naalala ko tuloy si Daniel at ang mga masasayang araw namin sa Batangas.
Bigla ko tuloy siyang na-miss.
"Bakit mo ba pinapahirapan ang sarili mo Kath?"
tanong ni Lance.
Nakakunot noong napatingin ako sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"You know what I mean Kath. Kilala kita pag mahal mo, mahal mo."