Daniel's POV
Inexpliable pain.
Yan ang nararamdaman ko tuwing sumasagi sa isipan ko
na iiwan ko na si Kathryn.
Paano nalang kung mawala ako at mapabayaan niya ang sarili
niya?
Paano ako matatahimik kung ganun?
Kaya hangga't kaya ko, lalaban ako.
Lalaban ako para sa kanya, para saamin.
Alam kong nahihirapan na siya sa tuwing nakikita niya akong
nakahiga sa hospital bed at onti onting nawawalan ng buhay.
Kaya naman hiningi ko sa kanya na bumalik kami dito sa
Batangas.
Malayo sa realidad.
Malayo sa katotohanan na para sa aming dalawa
ay walang 'Forever'
na hanggang salita lang yun.
Nakahiga kami ngayon sa kama.
Mahimbing siyang natutulog at ako naman ay pinagmamasdan lang
siya.
Iisipin ko palang na baka hindi na ako magising kinabukasan
ay natatakot na ako.
Natatakot ako para sa kanya.
Kasi kung ako ang tatanongin niyo ay ok lang naman saakin
na mamatay eh.
Kaso si Kathryn, siya ang nagbibigay saakin ng lakas ng loob
para harapin ang panibagong araw.
"John baka naman matunaw ako..."
inaantok na sabi niya.
"Oh akala ko tulog ka na. Ba't gising ka pa?"
"Hindi ako makatulog eh."
sabi niya at siniksik ang sarili niya saakin.
Niyakap ko nalang siya.
"John pwede mo ba ako kantahan?"
tanong niya.
"Oh anong kanta gusto mo?"
"Kahit ano."
at yun nagsimula na akong kumanta.
When we're born into this world
We don't really get to say
Little boys and little girls handed the brand new families
There comes a time in life
When we finally get to choose
And I choose you, I choose you
Sana Kath maramdaman mo sa kanta kong ito na ikaw lang ang pipiliin ko.
We can't give our two cents
Of how tall we want to be
We don't get an opinion
On our ethnicity
But the one we spend our life with
That we get to choose
