"Lou Lou"
yun lang ang pangalan na pa ulit ulit na sinasabi ng utak ko.
Nak ng teteng naman oo hindi yan pwede maging si Lou Lou.
IMPOSIBLE.
Pero tae na ba't ayaw gumalaw ng paa ko?
Kumunot ang noo ko.
Parang nanigas ako sa kinatatayuan ko.
Hindi ko magawang igalaw ang katawan ko.
Nung nag tama ang mga mata namen
parang may tumusok nalang bigla sa puso ko.
Ang mga matang yan...
Hinding hindi ko makakalimutan ang mga matang yan.
Siya nga...
Siya
ang babaeng matagal ko ng hinihanap,
ang babaeng minsan ko na nagawang iwan at saktan.
ang babaeng hanggan ngayon ay hindi maalis alis sa puso at isip ko.
Napansin kong parang hindi na niya ako nakilala.
SAKLAP!
Biglang dumating yung teacher namin at doon na lang ulit
ako bumalik sa katinuan.
Pansin ko na kami nalang pala ang nakatayo lahat sila nakaupo na
-_-
So ayun umupo nalang ako na para bang walang nangyari.
Pero shet naman oh hindi ko inaasahan na mangyayari toh ngayong araw na toh.
Salamat kay Manang Josie at ginising niya ako!
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na tumingin sa kanya.
Ang laki ng pinag bago niya...well syempre it's been 7 years.
pero iisa lang ang hindi nagbago sa kanya
maganda paren siya hanggang ngayon.
Nag simula na mag sermon si Miss usually hindi na ako nakikinig sa kanya kasi
binibigyan niya naman kami ng freedom para gawin ang gusto naming gawin.
Bigla nalang niya tinawag si Lou Lou para ipakilala ang sarili niya
sa harapan naming lahat.
Ano toh elementary school?
Pucha.
Kita kong nahihiya siya na pumunta sa harapan
"Ako si Kathryn Louise De los Santos"
ahhh so all this time Kathryn pala ang
pangalan niya.
Mas bagay sa kanya yung pangalan na yun.
Binigyan kami ni miss ng partners na makakasama namin for at least 2 weeks.
Kung sinuswerte ka nga naman si Kath pa ang naging partner ko.
^_______^
pero teka hindi niya pwedeng malaman na ako si John...
alam kong matampuhin si Lou-- ay este Kath..
At alam ko na sa oras na malaman niya na ako si John marami siyang itatanong saakin.
Ayaw kong malaman niya ang totoo....
