Kathryn's POV
Nandito kami ni Julia ngayon sa English.
Ewan ko ba favourite subject ko ito pero parang lumilipad ang isip ko kung saan saan.
Hindi ako mapakali.
Parang may mali.
"Ms. De los Santos can you please pass your essay."
biglang sabi ng teacher ko at bumalik na ako sa katinuan.
Tumayo ako at ipinasa sa kanya yung pinagpaguran ko na essay.
Pag upo ko eh kinalabit ako agad ni Julia
"Bes may bagong student daw dito pinapatawag tayo ng principal para daw i-tour yung new student lalaki ata siya."
Pabulong na sabi ni Julia.
"Oh eh ba't tayo ang mag to-tour sa kanya?"
"Kasi daw parehas tayo ng timetable sa kanya."
"Ahh sige sige."
*RIINGGGG*
Nung nag ring na yung bell signalling na break na namin eh dali dali kaming
pumunta ni Julia sa office.
Pinapasok kami nung office lady sa principal's office.
At pagpasok namin eh may nakita kaming isang lalake na nakaupo katapat ng principal.
Naka back view siya kaya hindi ko makita yung mukha niya.
"Ms. Magsaysay and Ms. De los Santos nandito na pala kayo eto nga pala si Mr. Lacson ang bagong student
ng Salazar university."
Tumayo ang lalaki at humarap saamin
at....
O___O
Si Lance Lacson ang isa ko pang kababata....
____________________
[FLASHBACK]
"Lou lou!!!!" sigaw ni Lance.
Hanep ren tong kaibigan ko daig pa ang naka microphone sa lakas ng boses.
Napakamot sa ulo si John sa inis.
Ayaw niya kasi na may ibang tumatawag saakin na Lou lou kundi siya lang.
Possessive lang?
"Lance ilang beses ko bang sasabihin sayo na ako lang ang tatawag sa kanya na lou lou."
mahinahong sabi ni John pero bakas sa mukha niya ang pagka inis.
Binelatan siya ni Lance
"Hmmp ang unfair unfair niyo naman! Sige kayo na may nicknames! Kayo na close! Kayo na talaga!"
sabi ni Lance at inirapan kami.
Napailing nalang ako at nagpipigil ng tawa.
"TALAGANG KAMI ANG CLOSE!"
sigaw naman ni John sa kanya.
-__-
Away nanaman po etoh.
sigh.
Nilapitan ako ni Lance at inakbayan
"Paglaki naten Kath eh papakasalan kita pangako."