Kathryn's POV
"Kath..."
mahinang sabi ni Daniel.
Nandito kami nakaupo sa duyan habang nakatitig sa palubog
na araw. Huling araw na namin dito sa Batangas.
Ang bilis ng panahon noh? Isang buwan na pala ang nakalipas.
Aalis na kami bukas na bukas din.
Pero ngayon heto kami ni Daniel sinusulit ang mga natitirang
oras namin dito sa mala paraisong lugar na ito.
Nakapatong ang ulo ko sa balikat nya.
"Hmm.." sagot ko tinatamad ako mag salita eh.
"Kath pwede bang tayo na?"
nabigla ako sa sinabi niya at inangat ko ang ulo ko para
makita ko kung seryoso ba siya o hindi.
Nakatitig lang siya saakin na parang ang desisyon ko ang pinaka importanteng
bagay para sa kanya.
Bakit ba mahal na mahal ko tong lalaking toh?
Oo kababata ko siya pero isang buwan lang kami talaga nag sama.
Kaya hindi ko alam kung paano ako na hulog sa kanya ng ganun kabilis.
Parang it was all planned out ever since the start.
Na nakatadhana na talaga kami para sa isa't isa.
Oo naniniwala ako sa tinatawag niyong 'Destiny'
hopless romantic po ako eh.
Ang alam ko lang ngayon ay gusto ko palagi akong nasa tabi ni Daniel.
Gusto ko na makasama siya bawat segundo,minuto,oras,buwan o taon.
Gusto ko na ako ang karamay niya sa lahat ng bagay lalo na ngayon...
Kailangan niya ako at kailangan ko ren siya.
Hindi ko na kakayanin pag nawala siya ulit saakin.
Hindi ko talaga kaya...
Ngumiti ako sa kanya
at sinabing
"Mahal kita, sobra, kahit na ikaw pa si John o si Daniel. Minahal ko
kayo pareho at dahil iisa lang kayo ay naging triple pa ang pagmamahal ko sayo.
Alam ko sa puso ko na simula't sapul palang eh ikaw na ang mahal ko
at hindi ako magdududa kung ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay.
Kaya yes pumapayag ako na maging tayo."
Nakita ko si Daniel na ngumiti ng wagas at unti unting nilapit ang mukha niya saakin.
Pinikit ko ang mga mata ko at naramdaman ko ang pag lapat ng labi niya sa labi ko.
It was...perfect.
Sana ganito nalang kami palagi...
________________________________________________
2 weeks later...
"HOY BABOY GISING!!!"
>_<
AY naku naman!
May unggoy na nakawala sa zoo!!!
I groaned at nagtakip ng unan.