Kathryn's POV
Tatlong araw...
Tatlong araw na ako pa balik balik sa ospital para kausapin nang matino
si Daniel, para sabihin sa kanya ang desisyon ko na hindi ako aalis.
Kaso ang lamig ng pag trato niya saakin.
Hindi na siya ang Daniel na kilala ko.
Hindi na ba niya talaga ako mahal?
Ganun nalang ba yun?
Sabi niyang mahal niya ako pero nung dumating yung panahon na mahirap hirap
na eh bibitaw na siya agad.
That's bull!
Hindi yan ang pag kakakilala ko sa kababata ko!
Kung siya naman ang nawawalan ng lakas ngayon eh di ako naman
ang magiging matatag at ipaglalaban ko kung ano man ang meron kami.
Pero shet lang! Ang hirap ipag laban ang isang tao at kung
ano man ang meron kayo kung ang ipinag lalaban
mo mismo ang gustong bumitaw.
Nandito ako ulit sa tapat ng hospital room ni Daniel.
Kung hindi parin niya ako kakausapin ng matino hindi ko na talaga alam
kung ano ang gagawin ko.
Feeling ko mababaliw na ako sa kakaisip.
Bumuntong hininga ako sabay bukas ng pintuan.
Tinignan niya ako pero umiwas naman siya agad ng tingin.
Ganito na siya simula nung pag uusap namin.
Lumapit ako sa kanya ng dahan dahan at tsaka umupo sa upuan na nasa tabi
ng kama niya.
Hahawakan ko sana ang kamay niya ng bigla niya itong iniwas.
"Don't." matigas niyang sabi.
Sa tuwing tinatrato niya ako ng ganito ay unti unting kumikirot ang puso ko.
Nararamdaman kong umiinit nanaman ang mga mata ko.
Leche naman oh! Ilang beses na ba akong umiiyak sa mga nakaraang araw?
Hindi pa ba ako nnauubusan ng luha?
"Daniel please let's talk." pag mamakaawa ko. halos pumiyok na nga ako.
"We already talked about it Kath."
"Pero hindi ako sangayon sa desisyon mo!"
"I wasn't asking for your permission to break up with you!"
sigaw niya pabalik.
Ouch.
ang bigat sa pakiramdam. Bawat salita niya ay nauukit sa ulo ko.
"P-please Daniel wag mo itong gawin. Mahal kita!"
humahagulgol na sabi ko.
Tumingin siya sa mga mata ko at nakita ko ang lungkot at sakit sa mga
mata niya pero bigla siyang umiwas ng tingin at nung ibinalik niya
ang tingin niya saakin ay bumalik naren ang 'cold' look niya.
Pinipigilan niyang ipakita saakin ang tunay na nararamdaman niya.
Bakit John?
Ano ang nangyayare sa iyo?