Julia's POV
10 years later...
Dumalaw kami ng anak ko sa puntod ni Kathryn at Daniel.
Kung nasaan man sila ngayon ang tanging hiling ko lang ay sana maging masaya sila.
Sana mag tagpo ulit ang mga landas nila at sana sumangayon na ang tadhana sa pag iibigan nilang dalawa.
Sa kanila ko nakita ang tunay na pag ibig. Isang pag ibig na hindi nawala kahit anong pagsubok ang dumating.
Naalala ko pa nung mamatay si Daniel hindi namin makausap ng matino si Kathryn.
She locked herself up in her own cage and threw the key where no one will be able to find it.
Umikot ang mundo niya kay Daniel kaya nagunaw ito ng mawala siya.
She thought that their love was worth another fight. In a place where they will be given more time to prepare for the battle.
"Mama who are they?"
Tanong sa akin ng aking anak na babae na pangalan ay Louise.
Anak namin siya ni Renzo.
Kinasal kami 3 years after mawala si Kath at Daniel.
Louise is only 7 years old and I named her after Kathryn.
Hindi ko alam pero the moment I saw her, the moment I held her in my arms I automatically thought of Kathryn. I think I saw Kathryn in her kaya I named my daughter after her at sa tuwing kasama ko ang anak ko ay parang kasama ko narin si Kathryn.
"She's your Auntie Kathryn, Louise. She's your dad's cousin. Did you know you were named after her, she was my best friend."
Sagot ko sa anak ko at hinawakan ang kanyang kamay
"What about the guy named Daniel?"
Tanong niya ulit habang nakatingin sa mag katabing libingan ni Kath at Daniel.
"She's your tita Kath's fiancee. You know they loved each other very very much."
"What happened to them mama?"
"Si Tito Daniel mo kasi ay may sakit and he died at such a young age at si tita Kath mo naman ay hindi kinaya ang pag kawala ng tito mo kaya she followed him."
"So does that mean they're together in heaven na?"
"I think so or maybe they're back here on earth to find each other again. You never really know anak. "
"Mama what does it feel like to be in love?"
Tinitigan ko ang mga inosenteng mata ng aking anak at ngumiti.
"You will understand how it feels like when the time is right."
-------
Nagising ako ng marinig kong may kumakatok sa pintuan ng kwarto namin ni Renzo.
Tumayo ako ng dahan dahan at binuksan ko ang pinto ng makita ko ang anak ko na nag kukusot ng mata habang karga karga ang unan niya.
"Mama I had a dream."
Sabi niya sa akin at sinamahan ko siya pabalik sa kwarto niya dahil 5 years old palang siya ay kumakatok na talaga siya sa amin pag may panaginip siya at ikukwento niya.
Pag pasok namin sa kwarto niya ay tinabinan ko siya sa kama.
"What's your dream this time anak?"
"It's about a guy called John mama he was calling me Lou Lou and he made me a promise that he will never leave me. Tapos I saw him again but he was older and we were at the beach and we were watching the sunset."
Nanlaki ang mga mata ko sa naririnig kong kwento mula sa anak ko.
Imposible.
Ano ba tong naiisip ko.
"And then what happened baby?"
Tanong ko.
"Yun lang po ang na aalala ko from my dream. Pero mommy bakit ang sakit ng puso ko? When I saw his face in my dream I felt like my heart was breaking in two. It felt like something in me was telling me to find him."
Tanong sa akin ni Louise habang nakahawak siya sa dibdib niya at nakikita ko ang naluluha niya mata. Dali dali ko naman siyang niyakap.
I know this is clearly impossible but why do I get the feeling na nag reincarnate si Kathryn bilang si Louise?
Hindi ako masyadong naniniwala sa reincarnation pero may kaba akong nararamdaman na baka pwede ito mag katotoo.
"Anak do you still remember the face of the guy in your dream?"
Tanong ko sa kanya at tumango naman siya.
"Wait lang anak ha, babalik ako."
Pagkasabi ko nun ay tumayo ako at bumalik sa kwarto namin ni Renzo. Tinignan ko siya na natutulog ng mahimbing at nag flashback sa akin ang mapait na alaala ng mawala sa amin si Kath. Renzo was devastated. Yun yung unang una kong nakita si Renzo na umiyak. Mahal na mahal niya talaga yung pinsan niya. All he ever wished for was Kath to be happy at napakasakit para sa kanya ang mawala ng ganun ganun lang ang pinsan niya ng wala man lang siyang nagawa para pigilan ito.
I pushed those memories aside at hinanap ang litrato ni Kathryn at Daniel na itinago ko sa isang photo album.
Nang mahanap ko ito ay bumalik agad ako sa kwarto ni Louise.
"Anak, si John, the guy from your dream does he look like the guy in this picture?"
Tanong ko sabay abot sa kanya ng litrato.
Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Louise
"Yes mama. Omg magkamukhang magkamukha sila. Who is he mama?"
Kahit na alam kasi ni Louise ang istorya ni Kathryn at Daniel ay never ko pang napakita sa kanya ang litrato nilang dalawa kaya hindi niya alam kung ano ang istura nila.
"He's your Tito Daniel."
Sagot ko.
"He's handsome mama and is this Tita Kathryn? She's so pretty! She looks like me."
Sabi naman ni Louise sabay tawa.
"You're both pretty."
Sabi ko naman.
Titig na titig si Louise sa litrato ni Kathryn at Daniel at habang pinag mamasdan ko siya ay hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na makita si Kathryn sa kanya.
Parehong pareho sila ng ugali.
At mag kamukha talaga silang dalawa. Parang photocopy si Louise ni Kathryn.
Napangiti ako dahil dun pero mabilis itong mawala ng maalala ko ang sinabi ko kanina kay Louise habang nasa puntod kami nila Daniel.
Sinabi ko sa kanya na baka bumalik si Kathryn at Daniel para hanapin ulit ang isa't isa.
Hindi kaya nag ka totoo ang mga sinabi ko?
Bumalik na nga ba si Kathryn bilang si Louise at kung ganun nasaan na kaya si Daniel?