Chapter 2: Finding You

5K 99 3
                                    

[Ethan's POV]

Ilang weeks na din..

Sa mga oras na ito dapat hinahanda ko na yung mga college applications ko pero ito ako nasa facebook.  Hindi naman sa tamad ako, mahalaga sakin yung future ko pero gusto ko kasi talagang makita yung babae na nakita ko sa picture.

Ang hirap nga lang talaga,  hindi ko naman kasi inakala na madami ang may pangalan ng Andy Cedeno.

Isang beses may inadd ako na Andy Cedeno pero pag ka add ko nalaman ko naman na bakla pala, niyayaya pa ako ng date..nag message kasi ako sa kanya.. kung pwede kami maging friends, tapos ayun nag reply sabi niya sure naman gusto mo boyfriend pa eh..nagtaka ako kasi hindi naman ganun makipagusapn ang babae, kaya boom pagtingin ko sa pictures niya kalahi ko pala.

1 month

2 months

3 months

1 year

2 years

Dumating na ang 2 years, hindi ko kasi talaga mahanap yung Andy Cedeno na nasa picture. Ang dami kong tinignan, yung mga kaibigan ko na baka mutual friends niya, pero talagang wala. Nagiisip tuloy ako kung ipagpapatuloy ko pa paghahanap sa kanya.

"Mr. Fermon!!" sigaw ni Barney also known as ang professor ko..

"Sorry ma'am may natandaan lang po ako." sabi ko sa kanya, tinaasan lang niya ako ng kilay sabay tinuloy na ang pag didiscuss...

"Iniisip mo nanaman yung dreamgirl mo noh." bulong sakin ni Victor, ang tagal na naming magkaibigan nu...first year high school pa lang tropa ko na yan...partners in crime talaga...

"Oo nga eh, iniisip ko kung tutuloy ko pa yung paghahanap sa kanya."

"Alam mo, tingin ko dapat itigil mo na yan...kasi siguro naman may boyfriend na yun, eh ang ganda nun eh."

"Fermon!! Sanchez!! May gusto ba kayong ikwento samen?" sigaw nanaman ni Barney...walanjo! Nagbubulungan na kami ni Victor narinig niya paren...dinosaur at paniki dyhybrid eh!!

Tumayo naman si Victor..oo nga pala, hari ng palusot yan, mabilis makaisip..

"Ma'am nasabi ko lang kasi kay Ethan na may kahawig po kayo, kasi ngayon ko lang po napansin kamukha niyo yung isang model sa Paris." tinignan ko naman ang reaction ni Barney, ngumit tandang dalaga na kasi kaya pag nabola kilig masyado eh...

"Sit down." nauto nanaman, madami talagang nakakauto diyan kay Barney pero kadalasan eh si Victor, kaya hindi ako magtataka kung sa susunod may crush na yang si Barney kay Victor eh =))

Bumalik nanaman yung isip ko dun kay Andy...tiyaka dun sa sinabi ni Victor...

May boyfriend na yun..

May boyfriend na yun..

May boyfriend na yun..

May boyfriend na yun..

Kamusta ka na kaya Andy. Siguro masaya ka ngayon.

Sana makita na kita.

Dear SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon