[Andy's POV]
3rd year college na ako ngayon sa course na Tourism, nalipat ako ng school kasi naman alipat si papa ko ng trabaho. Kaya ayun! Lipat ako ng school pati ng 5 years old kong kapatid. Friendly naman ako kaya siguro madali naman akong makakahanap ng kaibigan.
"Andy!!" sigaw sakin ng isang babae na pamilyar ang mukha, tumakbo siya papunta saken...
"Di mo ba ako natatandaan? Shannen!!"
"Shannen!!!" sigaw ko sa kanya sabay yakap namin sa isa't isa...ito kasing si Shannen kaibigan ko nung highschool. Dati nga kaming magkaaway na ito, hindi ko na matandaan kung pano kami naging total prendster pero isa siya sa mga di ko makakalimutan na kaibigan during highschool.
"Akala ko hindi mo na ako matatandaan." sabi niya saken..nagsimula na kaming maglakad...
"Naku! Impossible! Baliw ka kaya..unforgettable yun..nga pala anong course mo?"
"Tourism."
"Ako din!!" sabi ko na nga ba eh...may kaibigan agad ako.
"Ay! Naku!! Papakilala kita sa mga kaibigan ko, magkakasundo kayo nun.... ay may ikukwento nga pala ako sayo.. may love life na ako!! Sabi ko naman sa inyo eh!" haha! Yun talaga una niyang kwinento... nung highschool kasi kami sabi namin huli siyang magkakaron ng boyfriend... Lalo na nung nanapak siya ng lalaki.
"Pano mo naman nakilala yang prince charming mo?" umupo muna kami sandali sa mga bench sa hallway ng school...
"Alam mo yung soulmate?" soulmate?
"Oo, naniniwala ka dun?" Naniniwala naman ako dun, dati. Sumuko na ako kasi, lahat ng naging boyfriend ko sa past pinaiyak lang ako...
"Oo naman, alam mo ba kung ano ginawa ko? Sa isang paper, nagsulat ako... sabi ko dun sa paper.. Dear Soulmate, please lang hanapin mo na ako From Shannen tapos tinapon ko... ilang weeks ang nakalipas nung nag outing kami, nakilala ko siya and nagulat ako kasi nasa kanya yung paper ko. Akalain mo yun? Subukan mo kaya" sabi niya saken, ng biglang nag ring yung bell....tapos nag pasukan na kami sa classroom.
Wala pa yung professor namin, yung seat ko nandun sa may tabi ng bintana..ng maisipan ko yung sinabi ni Shannen, soulmate? Subukan ko kaya?
Kumuha ako ng paper, tapos sumulat ako... Dear Soulmate, Please find me Love, Andy...sabay binato ko sa bintana at saktong dumating na si Professor.
[Ethan's POV]
Break namin ngayon, course ko lang yung may break ng ganitong oras, astig diba? Hehehehe!! Nauna na si Victor...isip bata talaga, naglalakad ako ng may tumama sa ulo ko...
Pagtingin ko sa sahig, may nakita akong papel na naka tupi...at pag bukas ko may nakasulat..
-------------------------------------------------------------------
Dear Soulmate,
Please find me.
Love, Andy
------------------------------------------------------------------
Si Andy.
Posible kayang school mate ko siya?
____________________________________________________________________
A/N: Weee!! Hi Readers bibitinin ko muna kayo ah!! 3 updates na kasi ang update ko sa mga stories ko. Please Read My first story po... Once Upon A Bet.
Ayun Til' Next Update
Take Care and God Bless
BINABASA MO ANG
Dear Soulmate
RomanceEthan is the most popular guy in school, every girl is head over heels. He doesn't care for he believes in the word Soulmate and he believes that he's soulmate is Andy, the girl from a picture. As he gets to know her better. Ethan will realize thing...