Chapter 5: Friendship

3.6K 82 3
                                    

[Andy's POV]


"Kilala mo ako?" tanong ko dun sa lalaking kasama ko sa cubicle...pano niya ako nakilala? Parang bigla siyang natauhan at biglang may kinuha sa bulsa niya...

"Sorry, sigurado akong nagtataka ka ngayon kung pano kita nakilala. Ito oh..." sabi niya saken sabay abot ng picture... yung picture na binigay niya yung picture ko, na nawala ko nung 4th year high school pa ako... sumama ako sa catering service ng tita ko, cater kasi siya para sa graduation ball nun, tapos ayun nawala ko yung picture ko...may pangalan ko yun sa likod. Siguro napulot niya yung picture ko..

"Napulot ko yan sa Graduation Ball namin. Nga pala ako si Ethan." sabi niya saken...mukha naman siyang mabaet eh...pero teka nga lang...

"Pwedeng magtanong? Bakit ka nandito sa cr ng babae?" 

"Ayy! Sorry,  kinuha ko kasi itong cap ng kaibigan ko hinahabol niya ako, naisipan kong magtago dito. Pasensya na pero don't worry hindi ako manyak." sabi niya habang tinanggal ang lock ng cubicle at lumabas na kami ng cr.

"Ah ganun ba? Ok lang, nagulat lang talaga ako." nginitian lang niya ako...

"Sige ah, balik na ako sa classroom ko. Nice meeting you Ethan." sabi ko sa kanya..

"Teka lang! Pwede ba akin na lang yang picture mo?" tanong niya saken, hawak ko pa nga pala yung picture...

"Ah, sige ba. Nasayo naman na yan 3 years ago pa." binigay ko sa kanya yung picture tapos naglakad na papalayo ng..

"Andy, pwede naman tayong maging friends diba?" tanong niya saken..

"Oo naman." sabi ko sa kanya habang nakangiti, ngumiti din siya...

"Kita tayo mamaya ah!! Ano ba course mo?" tanong niya saken..

"Tourism. Sige bye na!" sabi ko sa kanya sabay takbo... wala naman ako nakikitang dahilan kung bakit di ako makikipagkaibigan sa kanya, mukha naman siyang mabait. Ikukwento ko kay Shannen ito. =))

Dear SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon