Epilogue: Dear Soulmate

2.8K 62 11
  • Dedicated kay those who think they have a SOULMATE =)
                                    

A/N:Ang bilis lang talaga.. sorry tinamad na ako.. You guys are gonna hate me for this.. Eh basta sorry basa na lang kayo iba HAHAHAHA

[Andy's POV]

Magkapatid kami.

Magkapatid kami.

Magkapatid kami.

Yan yung paulit ulit kong iniisip para matiis si Ethan ng... biglang may bumagsak dun sa shelf sa kwarto ko..

Isang box...

Hindi ko pa ito nakikita dati ah...

Binuksan ko yung box....

Puro picture ng baby na lalaki...

Buhat ni mama...

Ng napatigil ako dun sa isang picture..

May nakasulat sa likod...

______________________________________________________________________

May kailangan akong sabihin. Masama akong asawa. Ayan napaka diretso kong sinabi. Yan kasing picture na yan.... Yung baby na yan... Anak ko yan... Oo anak ko sa iba.. si Ethan yan. Sorry, wag kang magagalit sakin.  Kahit alam ko na kagalit galit ang ginawa ko. Hindi naman din natin anak si Andy. Akala kasi natin, wala ng possibility na magkaron tayo ng anak. At ayaw ko nun, kaya nakagawa ako ng ganito. SORRY. Wag mong idamay si Ethan, sasama siya sa nanay niya. May kapatid din si Ethan. Aldrin ang pangalan niya. Kinukwneto ko lahat syao ito kasi ayaw ko na magsinungaling. Mahal na mahal kita. Pati si Andy Mahal ko na kahit hindi natin siya anak.Sorry talaga, sana maayos natin ito. 

____________________________________________________________________

Ang tagal kong nakatingin dun sa mga nabasa ko..

Hindi ko kapatid si Ethan...

Hindi ako galit kay mama, parang pinrotektahan niya lang ako..

Hindi ko siya aanuhin, kahit nasaktan na ako...

Kailangan ko tawagan si Ethan...

Please sumagot ka...

"Hello?"

"Ethan, I'm so sorry.... Mali ako!!! Mali ang lahat!!"

Yan na yung mag una kong nasabi...

Rinig ko na napakabilis ng takbo niya.... Hindi siya dapat ganyan....

"Teka, hindi kita maintindihan.. Ano ibigsabihin mo?"

"Basta Ethan bumalik ka sa bahay..Sorry talaga Mahal kita.."  Kailangan ko sabihin sa kanya ng personal....

Hindi siya sumagot pero naramdaman ko na umandar nanaman siya ng mas mabilis...

Hindi niya pinatay ang phone..

Halo halo yung nararamdaman ko...

Ng napatigil ang lahat....

Dahil sa mga narinig ko...

Mga ilang minuto may narinig na akong boses ng mga tao...

Kailangan nila ng doctor...

Kailangan nila ng tulong...

Tumawag ng pulis...

Yan ang mga narinig ko, ng nagsalita ulit si Ethan...

"Andy mahal din kita..... bye."

Yan yung huli kong narinig at namatay na ang phone ko....

Bumagsak sa sahig at hindi ko man lang sinubukan pulutin..

Hindi kasi pwedeng mangyari ito....

May pagasa pa kami kanikanina lang...

Pero ngayon wala na...

Kasi si Ethan................

Patay na.

SOULMATE.

Sabi nila, bawat tao sa mundo may nakatakdang Soulmate. Hindi pa daw tayo pinapanganak meron ng taong para satin. Yung tao na, magmamahal sayo ng totoo.

Ang hirap nga naman siguro malaman kung sino ang soulmate mo.

Napaka dami ng population ng buong mundo. Hindi mo alam kung san ka maguumpisa. Hindi mo alam yung nakatabi mo pala sa jeep yung magpapasaya sayo. Maari din na yung cashier na nagabot sayo ng sukli sa mall. Sa laki ng mundo, at sa haba ng buhay. Hindi mo talaga alam kung ano ang pwede mangyari.

 Pero totoo nga ba talaga ang Soulmate? Wala naman kasi talagang proof. May mahahanap ba talaga? Siguro ngayon, may mga maswerte at nakahanap na, may mga naghahanap, may mga nasa piling ng iba.

At meron namang mga sumuko na.

Ako, naniniwala ako diyan...

Nakilala ko na kasi siya...

Si Ethan.

Alam ko na siya yun.

Sandali nga lang yung nabigay sakin na oras para makasama siya, pero kontento na ako.

Kung nagkataon na buhay siya ngayon at hindi naaksidente...

Siguro maaring Fermon na din surname ko ngayon..

Soulmate ko siya...

Yan yung paulit ulit kong paniniwalaan...

Sabihin niyo na na walang kwenta ang basis ko, pero wala akong pake...

Kasi nagmahal ako ng totoo.

Panigurado, siya na yung huli ko...

Ayaw ko na...

Mas okay na ganito na lang ako..

Kontento na ako kasi kahit papano...

Nakilala ko yung SOULMATE ko.

Dear SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon