Chapter 24: Closure

1.7K 43 14
                                    

[Shannen's POV]


Ako yung tipo ng babae na hindi sure on what exactly she feels, and ngayon na realize ko. Hindi ko talaga mahal si Ethan.. 

Mas gugustuhin kong never magkaron ng boyfriend kaysa ipagsiksikan ang sarili ko sa tao na ayaw sakin.. Sardines lang ang sumisiksik.

Gulong gulo pa din ako sa nangyari kagabi, pero ang main priority ko ngayon ay ang magkaayos kami ng best friend kong si Andy.

 Miss ko na din kasi yang babaeng yan..

Naglalakad kami ngayon, tahimik siya. Hindi ko kasi alam kung apno uumpisahan..

"Ano ba gusto mong sabihin Shannen?" tanong niya bigla sakin, hanggang sa mamalayan ko na umiiyak na pala ako at yakap na ako ni Andy..

"I'm sorry Andy!! Nadala lang ako sa mga emotions ko, mga maling emotions."

*baaaaag!!* (yan ang sound effects ko pag may binabatukan, hinahampas or sinasapak kaya wag na kayong kumontra ako ang author)

"Baliw kang babae ka! Hindi naman ako galit sayo, ikaw lang ang nalayo. Buti nga pinansin mo na ako eh." sabi sakin ni Andy habang tumatawa..  panira ng moment eh... binibigyan na nga ako ng crying moment ni miss author bigla akong babatukan...

Pero I'm happy na ok na kami... I think..

"Ok na tayo?" tanong ko sa kanya..

" Oo naman!!"



So ok na kami... ang saya ko lang talaga..

Nag start ulit kaming maglakad...

And tumahimik nanaman...

"Hindi yun totoo." bigla niya sakin sinabi... hindi totoo? na ano??

Hindi pa kami ok?

Napansin niya sigurong hindi ko gets kaya ngumiti siya..

"Hindi totoong may relasyon kami ni Ethan. " tama ba ang narinig ko?

"Nagpanggap lang kami para hindi magalit sakin ang mga ETHANians.. mali kasi sila ng akala. Dumulas lang ako, wala kaming masamang ginagawa ni Ethan. May nagsabi kasi.."




"Ako yung nagsabi sa ETHANians." bigla na lang lumabas sa bibig ko... shemay na yan.. baka magalit pa sakin ito...

Tumingin siya sakin.. at bigla akong...

Niyakap..

Baliw na ata ito.. o masyado lang talagang mabait..

"Shannen. Wag ka ma guilty ah. Ok na eh." mabait nga lang talaga siguro siya..

"Andy, ok lang naman sakin kahit kayo talaga, kasi na realize ko naman na din na hindi siya para sakin." ngumiti naman siya sa sinabi ko...

Naglakad nanaman kami.. yung iba naming classmates nakatingin samin, siguro yung iba nagtataka bakit kami magkasama eh magkaaway kami.. or maybe yung iba masaya... kasi ok na kami..

Ako naman din masaya na eh...

Ang sarap ng feeling na ok na kami, na walang iniintindi na problem..

Ilang minutes na lang time na ng..

"Andy!!!!!!!!!!!" napatingin kami at nakita namin si...


____________________________________________________________________________

A/N: Bitinin ko muna ah.... magugulat kaya kayo sa mangyayari? Ewan ko lang ah.. I would only update kung magpaparamdam ang mga silent readers. =P

Dear SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon