[Andy's POV]
Nasa canteen ako ngayon kasama si Victor tiyaka si Ethan. Ilang araw na din nagpaparamdam yung admirer ko. Hindi naman magpakilala eh!! Pero iniisip ko kung si Ethan ba yun? Ewan ko!! Ang labo naman kasi nun, wala ngang gusto sakin yun. Sa gwapo nun? Hindi yun papatol sakin..
"Huy! Nakanganga ka diyan?!?!" sabi sakin ni Victor, tapos nakatingin naman sakin si Ethan..
Siguro kanina pa ako naiisip nakanganga na daw ako eh... Shemay nakakahiya ako...
Tinignan ko yung oras... Malapit ng mag time!!!!!!!!!!!!!!!
Bigla akong tumayo at kinuha yung mga gamit ko...hinawakan naman bigla ni Ethan yung kamay ko...
"Samahan na kita.." hinayaan ko na lang siya.. ng bigla niyang hinawakan kamay ko...
"Ethan!! Bakit mo hinahawakan kamay ko?!?!" syempre sigaw na pabulong lang yun... tumawa lang naman siya..anak ng crocodile na yan!!!
"Andy, alam mo naman siguro na ang alam ng mga ETHANians na girlfriend kita." oo nga pala.... yung nangyari... nakalimutan ko na din kasi yun, masyado na ako naging busy sa mga assignments ko ...
"Kailangan pa ba natin panindigan yun?"
"Oo naman, pag nalaman nila na sinabi ko lang yun nung panahon na inaaway ka nila... siguradong aawayin ka nanaman nung mga yun and I wouldn't take that risk." nginitian niya ako, mas lalo niyang hinigpitan yung hawak sa kamay ko at tumakbo na kami...
*Dugdug* *dugdug*
Tumatakbo kami pero sa paningin ko parang ang bagal ng takbo ng planet earth...
Hanggang sa di ko namalayan nasa pintuan na kami ng classroom ko, luckily wala pa ang professor namin...
"'OMG! Si Ethan Fermon ba yun?"
"Hawak niya kamay ni Andy oh!"
"Sila ba?"
"Ang sweet naman ni Ethan! Hinatid pa siya!"
"Sayang naman taken na si Ethan"
Sigaw ng mga classmate ko... Marami din palang ETHANians dito sa classroom ko, pero mukha namang hindi sila galit sakin... Siguro ETHANians sila pero hindi yung obsessed kind...
Buti na lang...
"Sige sunduin na lang kita mamaya ah." sabi saken ni Ethan ng bigla niya akong hinalik sa pisngi....
*Dugdug* *dugdug*
Bigla nanaman ako nakaramdam ng weirdness sa puso ko, nagsigawan naman yung classmates ko na girls....at pagkairita naman ng mga classmate ko na boys. Whatever. Boyfriend ko ang taong mahal ko, well at least boyfriend sa harap ng maraming tao... tumakbo na palayo si Ethan kasi naman baka nga siya naman ang ma late.
Nakita ko si Shannen, hindi ko pa pala siya nacoconfront... lalapit sana ako ng...
"Ui Andy!!! Tara naman!! Magkwento ka tungkol kay Ethan..." sigaw nung isa kong classmate, si Jessica. Mabait naman siya, maganda din... sobra.. mukha nga siyang model eh. Nahiya naman akong tumanggi kaya siguronext time ko na lang kakausapin si Shannen.
[Shannen's POV]
So sila na pala, sinabi ko pa naman sa sarili ko na magiging mabait na kaibigan na ako kay Andy. sigurado naman ako na alam na niya yung feeliings ko para kay Ethan pero bakit niya ginawa yun? That's it, sawang sawa na ako sa pinapakitang attitude ni Andy. Lalo na kay Ethan. Siya na ang girlfriend. Whatever. Hindi pa naman sila kasal eh. Wala pa silang commitment. Alam ko na merong kakaiba sa relationship nila.
Kaibigan ko yang si Andy, highschool pa lang and alam kong hindi siya ganyan na biglaan na lang may sasagutin boyfriend. Hindi ganyan si Andy. Kilala ko siya. Alam kong may mali sa relationship nila. Hindi ko alam kung ano... pero kung ano man yun..
Aalamin ko yun..
[Aldrin's POV]
Naisipan ko na aminin ko na kay Andy yung feelings ko... tama, mas okay na sabihin ko na ngayon kaysa maunahan pa ko ng iba, ang di ko lang alam is kung pano ko sasabihin...
"Mahal kita... ayy hindi ang luma na nun.. Alam mo Andy crush kita dati pa... yuck ang cheesy!!" para na akong ewan na nagsasalita magisa, hindi ko naman kasi talaga alam kung pano ko sasabihin yun...
Papunta ako ngayon sa classroom ni Andy.. naisip ko na aaminin ko na lang sa harap ng mga classmates niya... panigurado di niya yun makakalimutan... kaya lang pag dating ko dun..
Nakita ko si Andy at Ethan magkausap sa pinto, at yung mga kaklase ni Andy nakatingin sa kanila at nagsisigawan ng..
Hinalikan ni Ethan si Andy sa pisngi...
Napaatras ako nun.. Too late na ba ako?
Pano ko na aaminin sa kanya ngayon at mukhang boyfriend niya na si Ethan...
(A/N: Nga pala, kaya nalaman ni Aldrin name ni Ethan kasi syempre ilang weeks na din ang nakalipas, siguro nakwento din sa kanya ng iba or maybe ni Andy. )
-----
Dumating ang recess at mukhang pati mga classmates ko alam na yun..
Ganun ba kasikat yung Ethan na yun? Kaya naman pala siya sinagot ni Andy... hindi! Mali ako, hindi yun sasagutin ni Andy sa dahilan na sikat siya. Sinagot siya ni Andy dahil mahal niya...
Si Andy mahal si Ethan.
Parang ang hirap mag sink in sa utak ko...
Too late na ba talaga ako?
__________________________________________________________________________
A/N: Ayun! Sorry po kung hindi ako masyadong nakapagupdate this weekend, I've been busy kasi. Tiyaka napagod ako sa trekking. Nasabi ko naman po sa inyo na hiatus ako diba? Pero babawi ako bukas.. Back to back update in all stories =)) Read, Comment and Vote!! Silent Readers.. magparamdam kayo ah!! =))
BINABASA MO ANG
Dear Soulmate
RomanceEthan is the most popular guy in school, every girl is head over heels. He doesn't care for he believes in the word Soulmate and he believes that he's soulmate is Andy, the girl from a picture. As he gets to know her better. Ethan will realize thing...