Chapter 12: Girlfriend?!?!

2.5K 78 6
                                    

[Andy's POV]


Naglalakad ako ngayon sa hallway, maaga pa din pero medyo may mga students na... Humiwalay ako kay Ethan, ayaw ko munang dumikit sa kanya lalo na sa nangyari...

Hindi parin maalis sa isip ko yung nangyari kanina, yung pagbagsak ko sa ibabaw ni Ethan, tyaka yung pagbagsak nung pinto... Sigurado akong may nakakita samin, nakasara yun kaya impossible na hangin yun. Student yun for sure, kasi kung teacher yun na PDA na kami...

Oh I just hope na hindi siya isa sa mga ETHANians..

"Hoy Andy!!!" lapit sakin ng group ng mga babae sabay sampal sakin... pag tingin ko fcuk!! yung mga ETHANians.... ewan ko ba kung bakit masyado silang head over heels kay Ethan, ok gwapo siya... pero ganun ba kagwapo para magkaganito sila?

"Pano mo nagawang landiin si Ethan namin?!?!" sigaw nilang lahat sakin... grabe basag lang ang ear drum ko... buti na lang wala pa masyadong tao kundi scandal ito... wait? Dapat nga madaming tao, o kaya teacher para di nila ako aganito...hay...

"Landi kagad? Grabe naman kayo!! Tiyaka namin talaga ah? Bakit? Lahat ba kayo girlfriend niya?!?!" I can't believe I just said that... lumaban ako? Hmm... siguro kasi I'm sick and tired na marinig yung word na landi, lalo na pag sakin yung description... Mukha namang nagulat sila at sobrang nairita...

"At least hindi kami napatong sa kanya!!!" sigaw nung isang babae na mukhang first year college pa lang... grabe lang... ang bata pa marunong ng makipagaway dahil sa lalaki? Well kahit naman matanda na tayo hindi talaga dapat tayo nakikipag away kahit ano pang dahilan (Oy!!! Good Influence ^__^)


"Parang mali naman na pagisipan niyo ako ng masama eh di niyo naman ako kilala, if ever kilala niyo ako di tayo close, tiyaka kahit ano man makita niyo na ginagawa ko o ng ibang tao, wala kayong karapatan na i judge yun!!"  belat!!! In your face mg ETHANians!!!

Nairita nanaman sila at yung pinaka malapit sakin na babae ready ng sampalin ako ng...

"Go ahead and hurt and ako ang makakalaban niyo!!" lahat kami napatingin sa likod..

And yung sumigaw ay si Ethan.

Mukhang takot nanaman itong mga ETHANians, eh bakit naman kasi hindi pa kayo nakinig kay Ethan nung unang beses, ayan tuloy baka magalit pa yan sa inyo..

Lumapit saken si Ethan, and suddenly...

Hinalikan niya ako!!

Dear SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon