Mahal na mahal din kita rockie ~
Sinamahan ako ni rockie papunta sa bahay.
Nakita kong palabas na ng bahay si Dad para pumasok sa trabaho niya pero bigla din itong pumasok sa loob nang makita ako.
"Ma, siya po si Rockie. Sa kanila po ako tumutuloy."
"Upo muna kayo anak," nagulat si Mama nang makita niya si Dad. "O? Akala ko umalis kana?"
"Good evening po tito." bati ni Rockie.
Masama ang tingin ni Dad sa kanya.
"Bye po tito. Tita, una na po ako."
"Magdinner ka muna Rockie," sabi ni Mama.
"Salamat nalang po Tita, kumaen na po kami ni Rence sa bahay bago kami umalis. Salamat nalang po!" tapos ay ngumiti siya kay Mama.
"Ganun ba? O, sige Hijo, mag iingat ka."
Ngumiti lang si Rockie kay Mama at lumabas na ng bahay.
"Sino yun Rence? Boyfriend mo?!" tumayo si Dad sa pinagkakaupuan niya at hinawakan ako sa kwelyo. Mahigpit. Galit na galit! "BOYFRIEND MO BA YUN?!"
"Lawrence, ano ba?! Bitawan mo yung anak mo!" pag awat ni Mama kay Dad.
Binitbit ako ni Dad palabas ng bahay at parang hayop na tinapon dun.
"I cannot changed what really am I." Pag-diin ko.
Agad akong sinapak ni Dad at napaupo ako sa sahig.
Nagmakaawa ako na sana tanggapin nalang nila ako pero nagbulag bulagan at bingi bingihan si Dad habang si Mama ay walang nagawa at tiningnan lang ako ni Kuya.
Tinapon ni Dad lahat ng damit ko sakin at sinabing, "simula ngayon hindi na kita anak!"
Tumakbo ako papunta kay Dad pero pinagsarhan niya ko ng pinto.
Lakad lang ako ng lakad kahit umuulan habang umiiyak. Hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta. Ayokong pumunta kay Rockie, nahihiya ako.
Siguro nga mas magiging masaya sila pag wala na ko. Pag wala na ko sa buhay nila.
Nagsimula akong maglakad papunta sa kabilang linya ng kalsada and talking to myself and say, "God, forgive me."
"GAGO TO HUH?! MAGPAPAKAMATAY KABA?!"
"A... Ardee?"
BINABASA MO ANG
Diary of a Closet Bisexual
RomanceFeeling ni rence, mag isa na lang siya sa buhay simula nung umalis ang ate niya para magtrabaho sa ibang bansa; dahil wala na siyang mapagsabihan ng kanyang nararamdaman patungkol sa kanyang tunay na kasarian at pagmamahal sa bestfriend niyang umali...