Chapter 24

2.8K 72 5
                                    

*Ardee's POV*

Parang gusto kong maglupasay sa kaiiyak sa sinabi sakin ni rence paggising niya.

Sino daw ako.

"Sino ako? Rence, ako si Ardee. Richard Derrick Reyes. Classmate mo nung highschool, boyfriend, asawa, live in partner. Rence, ako yung babe mo." mangiyak ngiyak kong sagot tapos ay hinawakan ko ang kamay niya.

Pilit siyang nagpupumiglas sa pagkakahawak ko sa kamay niya. Naiilang siya. Nagtataka. Natakot at lumayo sakin.

Nagha hyperventilate na ko. "Renceeeee."

"Hindi kita.. kilala."

Gusto ko siyang yakapin pero pinigilan ako ng doktor at hinawakan ako ng mga nurse.

Lalong natakot sakin si rence.

"Sir, sa labas po muna tayo." sabi ng doktor.

"Hindi. Ayoko! Doc, sabihin mo kung ano niya ko. Doc!" nagsimula ng bumagsak ang tubig sa mata ko.

Pinilit akong ilabas sa kwarto ng mga nurse pero nagsisigaw parin ako. Hindi ko matanggap! Ang sakit eh. Ang sakit sakit!

Nang mailabas ako sa kwarto ay agad nilang sinarado ang pinto. Pinagpupukpok ko ito! "Doc! Rence! Renceeeee!" iyak ako ng iyak. Napasandal nalang ako sa pinto at napaupo sa sahig. Ano ba tong nangyayare? Bakit ganito? Basang basa na ang pisngi ko dahil sa pumapatak kong luha.

Tatlong buwan! Tatlong buwan ko siyang hinintay na magising tapos ngayong gising na siya, ang itatanong niya saken. 'Sino ako?' tang ina.

Akala ko matatapos na ang kalbaryo ko sa paggising ni rence pero putcha. Umpisa palang pala!

Naramdaman ko ang babaeng ngayon ay nakatayo sa harap ko, si tita clara. Ang mama ni rence!

Napatayo ako at napayakap sa kanya. Sobrang sakit ng nararamdaman ko.

"Tita, si rence po. Si rence, hindi niya ko kilala." humagulgol na ko sa pag iyak.

"Shh, tahan na. Yung mata mo, magang maga na kaiiyak." tapos ay hinahagod pa niya ang likod ko. "Magiging okay din ang lahat."

Nakita ko ang excitement sa mukha ng papa, mama at kuya renzo niya pagpasok nila sa kwarto ni rence. Naiwan ako sa labas. Natatakot daw sakin si rence.

Ano? Ganun nalang? Maiiwan ako sa ere? Nagsimula na naman akong maiyak.

Matiyaga akong naghintay sa labas ng kwarto hanggang sa wakas ay bumukas ito at niluwa ang isang buong masayang pamilya.

Napangiti ako sa nakikita ko sa mukha ni rence. Masaya siya. Hindi alintana ang bendang nasa ulo niya.

Okay na siya, hindi na siya naka hospital gown. Uuwi na ata sila.

Nakatitig lang ako sa kanya na masayang masayang kinakausap ang papa at kuya niya. Parang walang nangyare.

Lumapit sakin si tita at lumayo kame.

"Pasensya kana hijo, nasa stage ng mild memory lost si rence. Hindi niya matandaan ang mga huling nangyare sa buhay niya. Siguro sa sobrang pag iisip niya ng mga ito, nawala yun nung maaksidente siya at kasama ka sa hindi niya maalala. Ang buong ikaw ardee. Im sorry."

Parang biglang nanghina ang tuhod ko. Nagsimulang mahulog ang tubig ulit mula sa mata ko. Hindi ako makapagsalita. Parang naguho ang mundo ko kasabay ang mga pangarap ko na kasama si rence.

"Hijo, we take good care of him habang wala pa siyang maalala. Hindi namin siya pababayaan."

Mula sa likuran namin ni tita ay muli kong narinig ang boses ang pinakamamahal kong si rence. Tinawag niya ang mama niya subalit nung makita niya ko ay rumihistro ang gulat kasabay ang takot sa mukha niya. Kilala ko si rence! Nakasama ko siya ng matagal sa iisang bubong. Bawat kilos niya, alam ko. Ang reaction sa mukha niya, kabisado ko at this time alam kong natatakot siya sakin at ayaw niya kong lumapit sa kanya pero kahit ganun, tinawag ko parin siya. "Renceee." gusto ko siyang lapitan pero pinigilan ako ni tita na humawak sa balikat ko.

"Hijo, im sorry pero makakasama sa kanya kung pipilitin natin siyang alalahanin ang lahat. Sana ay maintindihan mo." mahinahong sabi ni tita.

Tama siya. Makakasama kay rence ko. Makakasama ako.

Nakita kong sabay sabay na silang naglakad palayo pero bago yun ay narinig kong sabi ni rence kay tita. "Asan po si rockie?"

Itutuloy ...
#498 In Romance Today
11/05/17

Diary of a Closet BisexualTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon