*Rockie's POV*
Katatapos ko lang maligo ng makarinig ako ng katok.
"Sandali lang." Sigaw ko habang nagkukumahog sa pagbibihis.
Tinungo ko ng pinto at binuksan ito. Laking gulat ko ng mapagsino ko ito. "Rence?" Nakangiti siya sakin.
Parang kung anong lumilipad sa kalamnan ko at napaiyak nalang ako kasabay ng pagyakap ko ng mahigpit sa kanya.
"Rock... di ako makahinga."
"Ayy. Sorry rence." Sagot ko sabay punas ng basang pisngi ko. "Anong ginagawa mo dito?"
"Nami-miss kita. Nagpaalam na ko kela mama, punta na tayong camsur. Diba gusto mong pumunta dun? Bakit nga ba hindi ako sumama nun? Hindi ko kasi matandaan eh. Hahaha."
Lalo akong napaiyak at muli siyang niyakap Sobrang namiss ko kasi talaga ang taong to. "Na-miss kita rence. Sobra!"
Bumalik na ang rence na kilala ko. Ang rence na minahal ko. Ang rence na, pinili ko. Pero bigla akong napaisip. Teka, anong nangyayare?
"Rence, magaling kanaba? The last time I saw you..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang tumunog ang cellphone ko. "Pasok ka muna rence." Sabi ko tapos ay tiningnan ko na ang phone ko. Contact number ni tita, Mama ni rence. "Hello po?"
"Kasama mo naba si rence, rockie?"
"Yes po tita. Kadarating lang po niya."
"May hihilingin sana ako sayo, sana ay lumayo ka muna konte kay rence, hijo. Dahil hindi niya ito pwedeng malaman..." Bigla naman akong kinabahan sa sinabi ni tita at duon ko nalaman ang kondisyon ni rence na sa mga panahon ngang ito ay may temporary memory lost at hiniling ni tita na samahan ko muna si rence all through out hanggang sa makaalala siya.
Nang araw na rin yun nga'y ipinasyal ko siya.
Kumaen sa labas.
Nanuod ng sine.
At nagpaka isip bata sa arcade.
Ang saya saya niya habang naglalakad kami hanggang makalabas kami ng mall na ito. Naiiyak na naman ako! Ang tagal ko din siyang hindi nakasama at inasam asam ko din tong araw na to pero hindi ko naman in-expect na kailangan pa pala niyang maaksidente para lang mabigyan ako ng chance na makasama siya ulit bago pa man dumating ang lalaking yun! Si ardee.
Speaking of ardee.
For sure. Kawawa yung gunggong na yun!
After all, kahit bali-baliktarin ko ang mundo, siya ang mahal ni rence at hindi ako. Masasaktan lang ako pagpinilit ko ang sarili ko kaya bago pa man lumala ang nararamdaman ko ay may nabuo na kong plano.
"Okay ka lang rockie?"
"Oo naman. Next week may pupuntahan tayo."
Itutuloy...
#784
Comment naman guys.
Thanks. Enjoy reading! 🍏
BINABASA MO ANG
Diary of a Closet Bisexual
RomanceFeeling ni rence, mag isa na lang siya sa buhay simula nung umalis ang ate niya para magtrabaho sa ibang bansa; dahil wala na siyang mapagsabihan ng kanyang nararamdaman patungkol sa kanyang tunay na kasarian at pagmamahal sa bestfriend niyang umali...