Chapter 25

2.5K 62 4
                                    

*Ardee's Pov*

"Asan po si rockie?" Tanong ni rence sa mama niya.

Parang nadudurog ang puso ko. Hindi ko kayang maging matapang sa mga oras na to.

Mula sa ospital ay nagmaneho na ko papuntang condo.

Iyak lang ako ng iyak habang nagda drive. Feeling ko pinapatay ako ng sitwasyon. Paunti unti. Mentally torture.

Pagdating ko sa bahay, bumungad sakin ang napakagulo at kalat na tinitirhan ko.

Habang naglilinis ay napapaiyak ako. Namimiss ko na si rence. Miss na miss ko na siya! Napayakap nalang ako sa picture namin na naka-frame na nakita ko na nakapatong sa gilid ng tv.

Ang ganda ng smile dito ng rence ko habang nakayakap siya saken, napangiti ako kasabay ang pagbagsak ng luha ko dito.

Namimiss ko na talaga si rence ko. Napahagulgol na ko! Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako kaiiyak.

Kinabukasan na ng magising ako, hindi ko parin mapigilan ang hindi maluha dahil sa nangyayare ngayon.

* When i see your smile, tears roll down on my face. I can't replace. And now that im stronger i figure out, how this world this cold and ot breaks through my soul and i know i find, deep inside me, i can be the one. *

Kinuha ko ang cellphone kong tumutunog at sinagot ito.

"Yes carlo. Papasok na ko bukas!" sagot ko. Si carlo, yung secretary ko sa office ang tumawag.

Tama siguro na pumasok na din ako sa trabaho para ma-divert sa iba yung iniisip ko. Pag dito lang ako ng dito sa bahay, maiiyak lang ako.

Isang araw.

Isang linggo pero walang rence na nagpaparamdam saken. Naiiyak na naman ako! Ganito nalang ako palagi bago matulog, umiiyak. Nahihirapan padin akong tanggapin ang nangyare. Hindi naman kase ganun kadaling layuan ang taong naging buhay mo na.

Nagsimula ng tumulo ang luha ko mula sa aking kanang mata. Napaupo ako mula sa pagkakahiga. Inabot ko ang isang unan at niyakap ito at humagulgol sa pag iyak. "I miss you so much rence. Mahal na mahal kita."

Papasok na ko nun sa work ng bigla akong mapahinto sa pagda drive. Nakita ko si rence, kalalabas lang ng mall. Tumatawa siya kausap ang lalaking nakatalikod. Masaya si rence. Masayang masaya siya.

Napapunas ako sa pisngi kong nabagsakan ng luha ko at napasabi sa sarili kong, 'Ardee, kaya mo to. Maghintay ka lang, maaalala ka rin ni rence.'

Pinagpatuloy ko ang pagdrive, napagsino ko kase ang lalaki kausap niya ng bigla itong napaharap. Ang nagpapasaya sa kanya.

Si rockie.

Itutuloy ...
#546

Diary of a Closet BisexualTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon