"Nga pala, sino si ardee?" Bigla akong natigilan sa tanong niyang iyon. "May nabasa kase akong notebook mo. Sino siya?" Dagdag pa niya.
"He is my first love, pero hindi ko na alam kung nasaan siya ngayon. Siguro nag-stay na siya america for good gaya ng sabi niya at hindi niya na ako binalikan gaya ng ipinangako niya. Hindi niya na ako naisip." Bigla akong nalungkot pero hindi ko nalang pinansin dahil masaya nadin naman ako ngayong andito si rockie sa buhay ko.
PAGKAUWI ko sa bahay, nakita ko agad si Dad.
"San ka galing?" Galit niyang tanong.
"Sa katrabaho ko Dad. Bakit? Anong meron?" Nagtataka kong tanong.
"Ah, sa katrabaho mo? Anong pangalan?"
"Bakit Dad?"
"Anong pangalan?! ANO?"
"Kay rockie. Rockie Kesley."
"Ah, rockie kesley?" Tapos ay umakyat na siya sa kwarto nila ni Mama.
"Huwag ka ng masyadong maglalapit dun!" Sabi ni Kuya Renzo na nakaupo sa sofa at nakatitig lang sa tv.
Isang malaking question mark ang nasa utak ko pero isinawalang bahala ko nalang ito at pumasok na ko sa kwarto ko.
Bat ganun si Dad? Anong sinasabi ni Kuya Renzo? Ahh. Ewan!
Natulog ako ng inspired na inspired. Buong araw ba naman kami magkasama ni Rockie, restday ko tapos absent siya. Malamang, patay siya bukas. Haha.
NORMAL lang kami sa workplace. Ganun parin. Pero mas close na kami. Para bang mas matagal ko na siyang kilala ngayon. Basta iba yung closeness namin.
Mas napansin nilang mas palangiti na kami ngayon pareho.
Mas pumogi daw.
Mas naging maaliwalas ang mukha.
Pauwi na kami nun nang bigla niyang hawakan ang kamay ko, tinapik ko kaagad yung kamay niya. Masarap sa feeling pero naiilang ako. Hindi ako sanay.
"Ayaw mo bang mag-holding hands tayo in public?" Nababakas ko sa mata niya ang lungkot.
"Hindi naman sa ganon. Siguro kung sa ibang lugar at pagkakataon." Tapos ay nginitian ko siya. Ngumiti din siya sakin bilang pagtugon.
Feeling ko namumula yung pisngi ko. Napakapogi naman kasi netong mokong na to. Tinutulak niya ko sa likod habang nasa magkabilang balikat ko ang palad niya. Ihahatid niya daw ako. Hindi ko mapagilang mapangiti dahil sa kilig na naraamdaman ko.
Napatigil ako sa paglakad nang bigla kong makita si Dad.
"Bakit?" Tanong ni Rockie.
"Umayos ka." Sabi ko.
Lumapit sakin si Dad at tiningnan si Rockie. "Sumabay kana sakin Clarence."
"Bakit Dad?" Tanong ko.
"Papa mo?" Tanong ni Rockie tapos ay tiningnan ako at tumingin kay Dad. "Good eve po tito." Bati niya, pero hindi siya pinansin ni Dad.
Lumakad na si Dad pero lumingon siya nung naramdaman niya sigurong hindi ako sumusunod sa kanya.
"Clarence! Ano ba?!"
"Magco-commute nalang ako Dad." Sabi ko.
Lumapit si Dad at hinila ako. "Anong magco-commute? Sumabay kana!" Nagpupumiglas ako sa pagkakahawak sakin ni Dad.
"Ah, sir. May pupuntahan pa po kasi kame e," sabat ni Rockie.
"Layuan mo ang anak ko! Hindi ka magandang impluwensya sa kanya!" Sigaw ni Dad kay Rockie na sobrang ikinagulat ko.
Pinagtitinginan na kami ng tao kaya sinenyas ko nalang si Rockie na okay lang at sinabi kay Dad na, "okay dad. Sasabay na ko!"
Papunta kaming parking lot pero bago pumasok ng kotse si Dad, sinabi niya "Magresign kana bukas!"
"Huh? Bakit?"
"Basta! Maghanap ka ng ibang trabaho o 'wag kana muna magtrabaho!"
"Ayoko." tapos ay padabog na sumakay na ko.
Tahimik lang kami si Dad sa buong biyahe. Walang kumikibo habang sa makarating kami sa bahay.
Itutuloy ...
A/N: Hi guys, salamat sa patuloy na pagbabasa. Pasensya na at late na 'tong update ko, marami lang akong ginagawa.
Nga pala, free to comment ha. Thanks guys. ;)
BINABASA MO ANG
Diary of a Closet Bisexual
RomanceFeeling ni rence, mag isa na lang siya sa buhay simula nung umalis ang ate niya para magtrabaho sa ibang bansa; dahil wala na siyang mapagsabihan ng kanyang nararamdaman patungkol sa kanyang tunay na kasarian at pagmamahal sa bestfriend niyang umali...