Chapter 12

1.9K 69 10
                                    

"Since high school rence, kahit umalis ako alam ko ang nangyayare sayo." Nag-umpisang bumagsak ang mga luha niya habang nakatitig saken.

Nagsimula narin akong maiyak. "P-pitong taon Ardee... Pitong taon! Hindi ka man lang nagparamdam tapos ngayon, a-ano? ANO 'TO?!"

"Binalikan kita rence. Binalikan kita! pero nakita kita sa mall kasama ang lalaking yun! Masaya ka. Masayang masaya. Nakikita ko sa mga mata mo."

"Sino?! Si rockie?"

"Kilala kita rence. Alam ko, masaya ka sa kanya kaya hindi na kita ginulo. I'm sorry." niyakap ko siya, umiiyak siya sa balikat ko. Parang AKO nung araw na yun. Yung araw na nagpaalam siya, 7 years ago.

Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Walang pumapasok sa isip ko. Nagsimula na naman siyang paandarin ang sasakyan.

Pareho kaming hindi makahanap ng tamang sasabihin sa pagkakataong ito. Magulo. Malabo. Hindi maganda ang sitwasyon.

Dumiretso kame sa bahay ni rockie, sa mismong tapat nito - siya huminto.

Bumaba ako ng kotse.

Saktong bumukas ang pinto ng bahay at nagtama ang mata namin ni Rockie. Masaya siyang lumapit sakin pero ako hindi ko parin alam kung anong dapat kong maramdaman.

Hindi bumaba ng kotse si Ardee at nagdrive na ito palayo.

"Sino yung naghatid sayo?" tanong ni Rockie.

"Si Ardee." tapos ay lumakad ako papasok ng bahay.

"SINO YUN?!" mataas na ang tono ni Rockie.

"Not now! I-I'm tired, I'm sorry." At iniwan ko siya, dahil sa mga oras na ito gusto ko munang makapag-isa para makapag-isip.

Dumiretso ako sa kwarto at nahiga sa kama. Matutulog muna siguro ako para makapag isip ako ng maayos.

Hinawakan ako sa braso ni Rockie at tiningnan ako ng masama.

"Aray ko! Bakit ba?!" reklamo ko.

"Niloloko mo ba ko?!"

Hindi ko alam ang isasagot ko.

"NILOLOKO MO KO?!" tapos ay lumanding sa pisngi ko ang palad niya.

First time niya akong pinagbuhatan ng kamay. Naiyak ako bigla. Para siyang si Dad!

Niyakap niya ko bigla hatalang nagulat sa nagawa niya, "I'm so sorry. Nabigla lang ako rence. Patawarin mo ko. H-hindi ko sinasadya."

Kumalas ako sa pagkakayakap niya.

Tumakbo ako palabas.

Hindi ko inaasahan na magagawa niya kong saktan katulad ng ginawa sakin ni Dad.

Pareho lang sila. Mapanakit. Ipaparamdam sayo na mahal ka pero in the end, sasaktan ka.

Hindi ito ang pinangarap ko para sa sarili ko. Hindi ganito!

Itutuloy ...

Diary of a Closet BisexualTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon