Chapter 18

764 37 3
                                    

"Kelan daw uwi ng mama mo?" tanong ko habang nakaunan ako sa chest niya.

"Sa makalawa."

"AGAD?!" napaupo ako at napatitig sa kanya.

Tinaasan niya lang ako ng dalawang kilay. Ang cute talaga ng mokong na to. XD

Anyway, napaisip kaagad ako sa mga dapat kong gawin. Nagkagulo ang brain cells ko!

Hindi ako makatulog ng maayos. Nai stress ako. Sobra!

"Bakit hindi mo ginagalaw yung pagkain mo rence?" tanong niya ng sabay kaming maglunch. "Sayang naman yang niluto ko." dagdag pa niya.

"Ahm .. Wala. Ano kase, ahm .."

Malaking question mark ang naimagine ko sa nakakunot niyang noo.

"Dahil ba to kay mama?" napatigil ako sa pagpaikot ikot ng kutsara sa niluto niyang nilaga na nasa bowl. "Don't worry, mabait si mama. Maiintindihan niya tayo!" tapos ay ngumiti siya. Napangiti nadin ako, siguro nga kung may tao mang makakaintindi samen, kung hindi yun family ko, mama niya. Sana.

Hanggang sa dumating na ang araw ng pagdating ng mama niya.

Nilinisan ko lahat. Lahat lahat! Pati sarili ko. Ayoko may masabing hindi maganda yung mama niya na huwag naman sana.

Sinundo na niya ang mama niya sa airport at nagpaiwan naman ako sa bahay para maghanda ng pagkain, magiging kwarto ng mama niya at kung anek anek pa.

Tok tok tok.

Nagsimula na kong kabahan. Buong katawan. Parang nanghihina ang tuhod ko sa panginginig nito.

Bakit pa kase kailangang kumatok? Si ardee talaga oh.

Nag ipon muna ako ng lakas ng loob bago buksan ang pinto ng bahay.

Nakakita ako ng maraming lobong iba't ibang kulay. Biglang nawala ang kaba ko, napalitan ito ng pagkamangha. Bumalik ako sa pagkabata! I mean sa pagiging isip bata.

Iginilid ito ng kamay na nakahawak dito at nakita ko ang mukha ni ardee na nakangiti saken. It's feels like it was the first time that i saw his face again. I fell inlove all over again.

Napayakap ako sa kanya. Mahigpit na mahigpit!

"Happy birthday babe." i heard.

Napakalas ako sa pagkakayakap sa kanya. "Talaga?" nagulat din ako. Sa sobrang dami ng nangyare, hindi ko namalayan na may birthday pala ako. Char! Na birthday ko.

"You heard it right." tapos ay kinindatan ako ng mokong at nag aktong bumaril gamit ang daliri niya.

Kung anime lang to, siguro nagkorteng puso na ang mata ko.

Para siyang TV host! Haha. Napatunganga tuloy ako at konte nalang, tutulo narin ang laway ko. Kaloka. Wala pa yung abs niyan! Pagnakikita ko pa naman yun, feeling ko mahihimatay ako. Haha

"Hanggang dito nalang ba tayo sa labas? Hindi mo na ba ko papapasukin sa loob ng bahay?" sabay kamot sa ulo niya with his free hand.

"Ay! Sorry sorry." natatawang sabi ko.

Naupo kame sa sala at isa isa niyang binitawan ang loob na umangat sa kisame. Ang ganda pagmasdan! Na amaze na naman ako.

"Akala ko pumunta ka sa airport?" pagbaling ko ng tingin sa kanya.

"Yeah."

"Yeah? Nasaan si tita?" tanong ko.

"Andun sa mall, bumili ng cake." sabi niya ng hindi man lang tumitingin saken.

"Ano?! Loko ka huh?" tapos ay sinapok sapok ko siya sa balikat niya.

"Aray ko naman babe!" pagmamaktol ng mokong.

"Bakit si tita yung pinabili mo? Nakakahiya hmp!" tapos ay tinalikuran ko siya at pumunta akong kwarto.

"Just kidding babe!" tapos ay hinawakan niya ko sa braso.

"Ewan ko sayo."

Mula sa likod ay niyakap niya ko at sinandal niya ang baba niya sa balikat ko. "I love you."

Kinilig naman ako. Enebe!

"I love you too."

Nakarinig ulit ako ng tatlong katok. Siya ang nagbukas nakasunod lang ako.

"Mi!" tapos ay nakita kong yumakap siya at nag-kiss sa pisngi.

Parang ako istatwa na hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko.

"Mama niya? Talaga?" Tanong ko sa isip ko. Ang bata, ang kiniss at halatang nasa upper bracket ng society na may hawak na box ng cake na kinuha naman ni ardee. Sa bagay, bakit pa nga ba ako nagtataka, may ari nga pala sila ng isang travel agency.

Bigla akong nahiya sa itsura kong nakasandong white at nakashort lang.

Akma akong babalik sa kwarto, gusto kong magbihis. Ano ba naman tong si ardee. Hindi ako na orient! Mukha nila akong julalay.

Hindi pa man ako nakakahakbang ay narinig ko na ang pangalan ko. Tinawag ako ni ardee.

Lumapit at ngumiti lang ako. "ah, eh. Gu .. Good afternoon po tita!" sabi ko sa mama niya.

Tiningnan ako ni tita. Wala akong nakitang reaction sa mukha niya. Nagsimula na kong mag isip isip ng kung anu ano.

"Mi, si rence. Yung kinikwento ko sa inyo na first love ko remember?"

Parang gusto kong kainin ako ng lupa. Ano ba tong pinagsasabi ni ardee!

Bigla akong niyakap ni tita. "Hello. Happy birthday! Just call me, Mi." Nagulat ako at syempre, sumaya. Napalitan ng imaginary happy memories ang pag iisip ko ng kuna anu ano kanina.

Kinantahan nila ako ng Birthday song tapos ay pumikit ako at humiling at hinipan ang nakasinding kandila na nakatusok sa black forest cake na dala ng mama niya.

"Yehey!" Sabay sabay kame.

I spend my birthday, sa bahay na ito. Kasama ang pinakamamahal ko at ang nanay niya. Bigla ko tuloy namiss si mama, we used to celebrate in our house too with my family pero ngayon, wala na. Nasira ko ang family na meron ako. Nagsimula na naman akong sisihin ang sarili ko.

Bago ako matulog ay hindi ko napigilan ang maiyak. Ang hirap tanggapin ng sitwasyon ko ngayon. Nasasaktan parin ako. Hanggang kailan ba ito? God help me. Napaupo ako sa kama mula sa pagkakahiga, nagsimula na kong humagulgol pero tinatakpan ko ng dalawang palad ko ang bibig ko. Ayaw kong marinig ni ardee na umiiyak ako.

Naalimpungatan si ardee kaya naman ay inayos ko ang sarili ko at pinunasan ang basang basa kong pisngi.

Umupo siya mula sa pagkakahiga at hinimas himas ang likod ko. "Are you okay?" he asked me.

"Yeah." tapos ay bumalik na ko sa pagkakahiga.

Mula sa likod ay niyakap niya ko. "I know, you're not." Lalo akong naiyak. "Everything will be alright rence. Time heals, give it time."

Tama si ardee. Give it time.

"Thanks babe." and i kissed him.

"I love you."

"I love you more." tapos ay pinaunan niya ko sa braso niya ay niyakap. I feel secured everytime he hugged me. I fall asleep.

Itutuloy ...

Diary of a Closet BisexualTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon