Chapter 16

1.8K 61 1
                                    

Kinakabahan ako ng todo. Ayokong bumaba. Ayoko. Hindi pa ko ready na harapin ulit si papa.

"Umuwi nalang tayo ardee please. Ayoko sa bahay!" napayuko ako at nagsimulang pumatak ang luha ko.

Pinunasan niya ang luhang pumapatak sa pisngi ko. "Bakit ka umiiyak?" naramdaman ko sa boses niya ang pag aalala.

"Ardee, natatakot ako. Natatakot ako sa pwedeng mangyare. Huwag na tayong tumuloy sa bahay please?" napapahagulgol na ko.

Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at idinikit ito sa pisngi niya. "Mahal na mahal kita rence. Gusto kong humingi ng permiso sa parents mo dahil gusto kong patunayan sayo na seryoso ako at handa akong harapin lahat basta magkasama tayo."

Lalo akong naiyak. Iyak lang ako ng iyak. Hindi ko alam ang sasabihin ko, pero isa lang ang alam ko. Masaya ako sa mga oras na to dahil kasama ko na ang taong pinangarap ko.

Bumaba siya at kinatok ang pinto, nakasunod lang ako. Nagsimulang manginig ang tuhod ko sa sobrang kaba. Lalo niyang hinigpitan ang kapit sa kamay ko. "I love you rence. Andito lang ako."

Tumango lang ako.

Nakita kong si mama ang nagbukas. "Magandang gabi po." bati ni ardee.

"Bakit hi -- " hindi na natapos ni mama ang sasabihin niya ng makita niya ko.

Lumabas si mama ng bahay. "Clarence? Anak? Clarence ko." mangiyak ngiyak na sabi ni mama tapos ay niyakap ako.

Niyakap ko din siya ng mahigpit na mahigpit. "I miss you ma."

Hawak hawak ni mama ang kamay ko at sinabing "Pasok kayo, pasok kayo." masaya si mama. Nararamdaman ko.

Pagpasok ko, nakita ko sa dining area si kuya at papa, siguro ay kasalukuyan silang kumakaen.

Dinabog ni kuya ang kutsarang hawak niya sa bowl. Lalo akong nangatog. Gusto ko nang maiyak. Napatigil ako sa paglakad. Parang naninigas ang mga tuhod ko lalo na ng makita ko ang galit na mukha ni papa.

Tumalikod ako. Gusto kong tumakbo palabas pero mahigpit ang hawak ni mama sa kamay ko.

"Oh, bakit nandito yang walang'yang yan? Nagbago na ba yan?" galit na sabi ni papa. Si kuya naman ay nagdadabog na umakyat sa kwarto niya.

"Lawrence, anak mo to! Bakit kaba ganyan?!" sigaw ni mama.

"Ma.. A.. aalis na.. nalang po ako." nangangatal sa takot at sakit sa dibdib na nararamdaman kong sabi kay mama. "A.. Ardee, aalis na tayo please." hindi ko na napigilan ang luha ko.

"Bakit ho kayo ganyan? Hindi ho ba't kayo ang papa niya. Dapat kayo yung unang umiintindi sa kanya. Hindi niyo man lang naiisip yung hirap na pinagdadaanan ng anak niyo. Wala kayong kwenta!" narinig kong sinabi ni ardee kay Papa. Madiin. Puno na panunumbat.

Mabilis na nakarating si Papa sa kinaroroonan namin. "Gago ka huh?!" sabay suntok ni papa kay ardee, napaupo ito sa sahig kasabay ang pagtulo ng dugo sa labi. Tumakbo agad ako papunta kay ardee, si mama naman ay umawat kay papa.

"Anong karapatan mong sabihin sakin yan?!" galit na galit na sabi ni papa.

"Mahal ko po si rence at hindi ako papayag na bastusin siya ng kahit na sino! Kahit kayo pa, na papa niya!!" patuloy ni ardee.

Itutuloy ...

Diary of a Closet BisexualTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon