"Mahal ko po si rence at hindi ako papayag na bastusin siya ng kahit na sino! Kahit kayo pa, na papa niya!!" Saad ni ardee.
"Ardee. Ano ba?! Tama na!" pagsaway ko kay ardee.
"Hindi rence! Hindi ako papayag na bastos bastusin ka lang?!" nakikita ko ang pagtulo ng luha ni ardee kasabay ang dugo sa kanyang labi na dumadaloy sa kanyang leeg. Naawa ako sa kalagayan niya.
"Lumayas ka, isama mo yang walangyang yan! Huwag na huwag kayong babalik sa pamamahay ko! Hindi ko kayo kailangan!"
"Lawrence! Tumigil kana!!" sinasampal na ni mama si papa. "Rence, sige na. Umalis na muna kayo! Pasensya kana anak." Gusto kong yakapin si mama dahil alam kong nahihirapan na din siya pero kailangan ko nang ilayo dito si ardee dahil kilala ko si papa at ayokong mas lalong masaktan pa si ardee.
"Hindi ho walangya si rence! Siya ho yung taong mahal na mahal ko. Ipagtatanggol ko siya kahit kanino! Kahit sa inyo pa. Tandaan niyo yan!"
Sinampal ko si ardee dahil ayaw niya parin tumigil at hindi ko rin nagustuhan ang sinabi niya. "Kahit anong mangyare, siya parin ang papa ko ard. Respetuhin mo parin siya. Papa ko siya! Please naman ardee, tumigil kana! Tama na. Please, tama na." iyak lang ako ng iyak.
Niyakap niya ko. "Im sorry rence."
Nakita kong bumaba si kuya kaya hinila ko na si ardee palabas ng bahay dahil alam kong lalong gugulo.
Binuksan ko ang pinto ng front seat at pinapasok ko siya dun at sinara ito tapos ay sa driver's seat ako pupwesto. Oo, ako ang magda drive.
Pagkapasok ko, naupo agad ako at nagsimulang paandarin ang kotse. "Marunong ka?" sabi niya.
"Oo, sa arcade nagda drive ako eh. Na-try mo na yung biyaheng langit?" tapos ay pinaharurot ko na ang kotse nakita ko kasi sa rear mirror na niluwa ng pinto ng bahay si kuya renzo na galit na galit. Jusko. Nabangga ang kotse sa bakuran ng kaharap na bahay. "Patay!" Ika ko sabay kabig ng manibela paalis.
"Baka naman hindi nga tayo napatay ng papa mo, mabunggo naman tayo?" Natawa nalang ako sa sinabi niya pero marunong naman ako kahit papaano.
"Rence, patawarin mo ko kung nabastos ko ang papa mo huh? Nabigla lang ako sa trato niya sayo. Kahit kailan hindi kita binastos, pero bakit ganun yung papa mo. Kung ipagtabuyan ka niya para kang hayop na nakuha lang sa kalsada, parang hindi ka niya anak."
Iginilid at pinahinto ko ang kotse. Napahagulgol ako sa iyak. "Ardee naman eh! Kung nasaktan ka, mas malala yung sakit na nararamdaman ko. Huwag mo ng ipamukha sakin! Ang sakit sakit na kase pero kahit ganun, mahal na mahal na mahal ko parin ang papa ko." humihikbi na ko sa pag iyak.
Niyakap niya ko. Mahigpit na mahigpit. "Ako rence, hinding hindi kita sasaktan. Hinding hindi kita iiwanan. Mahal na mahal kita."
"Thank you ardee. Mahal na mahal din kita!" tapos ay hinagkan niya ko sa labi.
Pagkarating namin sa bahay, pagsarado niya ng pinto ay hinila niya ko at hinalikan. Sinuklian ko ang bawat halik niya sa akin, pareho kaming hinayaan makalimot sa nangyare ngayon.
Mula sa pintuan ay napunta kame sa sala hanggang sa kusina at mula sa kusina ay binuhat niya ko paakyat sa kwarto at nilapag sa kama. Nagtanggal siya ng suot niyang polo at pantalon at hinalikan ako ulit. Siya ang nagtanggal ng damit ko paitaas, ganun din ang nagtanggal sa pagkakasinturon ng suot kong pantalon.
"We need this. Stress release!" He said.
Natawa ako. "Dami mong alam!" at nagpatuloy na kame sa isa't isa.
Nakaunan ako sa braso niya habang pareho kaming nakatingin sa kisame. Nang maramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko. "I love you rence."
Tumingin ako sa kanya, nakangiti siya. "I love you too ardee."
🎵🎶 I will never let you fall, i'll stand up with you forever. I'll be there for you through it all. Even if saying you sends me into heaven. 🎵🎶
* Cellphone ringing *
Sinagot ni ardee ang phone niya na kinuha niya sa side table. Tinanggal niya ang kumot na tumatakip sa kalahati ng katawan niya at tumayo siya. Nakita ko na naman ang kayamanan niyang kahit hindi katigasan ay may kalakihan. Nag init na naman ako. Ano ba naman to?! Kaya pumikit nalang ako. Ang sakit pa eh.
"Huh? Uuwi kayo? Kelan? Bakit?" sunod sunod na tanong niya. Naguluhan naman ako at nagtaka at nag isip kung sino ang kausap niya.
"Okay, see you then." tapos ay may pinindot siya sa phone niya. I end niya na ata at nahiga at pinaunan ulit ako sa balikat niya.
"Sino yun?" tanong ko.
"Si mayor."
"Mayor?" Pinitik ko nga sa noo. Loko eh.
"Joke lang, si mama." sagot niya.
Napaupo ako sa pagkagulat. " Ano? Mama mo? Uuwi? Hala, kailangan ko na palang maghanap ng malilipatan." Na-stress na naman ako. Jusko naman!
"Hindi. Hindi ka maghahanap! Dito ka lang."
"Pero ardee?"
"Walang pero pero. Hindi kita pababayaan! Sakin ka lang. At tsaka diba sinabi ko sayo na hindi kita iiwan at mas lalong hindi kita sasaktan. Ipagsisigawan ko sa mundo na mahal na mahal ko si Clarence Samañiego." Ngumiti siya sakin at lumapat ng labi niya sakin.
Naiyak na naman ako. Grabe tong lalaking to. Walang ibang ginawa kundi paiyakin ako. Sinapok ko nga!
"Aray naman! Bakit na naman?!" pagmamaktol niya.
"Wala." natatawang sabi ko.
"Mahal na mahal kita Clarence."
"Mahal na mahal din kita Richard Derrick." tapos ay hinalikan ko siya at humiga sa chest niya. "So, kelan daw uwi ng mama mo?"
"Sa makalawa."
"AGAD?!"
Itutuloy ...
BINABASA MO ANG
Diary of a Closet Bisexual
RomansaFeeling ni rence, mag isa na lang siya sa buhay simula nung umalis ang ate niya para magtrabaho sa ibang bansa; dahil wala na siyang mapagsabihan ng kanyang nararamdaman patungkol sa kanyang tunay na kasarian at pagmamahal sa bestfriend niyang umali...