Nung mga unang araw ng mama ni ardee sa bahay ay naging okay naman kame. Pero pag wala si ardee, napapansin ko nag iiba ang trato saken ng mama niya.
Pinaglilinis niya ko ng buong bahay, ng banyo, bakuran, ng kotse at inuutus utasan.
Ginagawa ko naman yung mga yun matagal na pero parang boss ang mama ni ardee pero kahit ganun, siya parin ang mama ng lalaking mahal ko kaya buong puso kong ginagawa ang pinagagawa niya saken.
"Ipagpimpla mo nga ko ng kape!" utos ng mama ni ardee habang nanunuod ito ng tv.
Pagdala ko ay tinikman niya at biglang ibinuhos niya ito sakin. "Ano ba yan?! Hindi masyadong mainit." pero ramdam na ramdam ko ang paso sa aking braso kaya naman tumakbo ako papuntang banyo at nagbanlaw ng towel doon at ipinatong ito sa namumula kong braso.
Habang ginagawa ko yun ay umiiyak ako sa sobrang hapdi ng nararamdaman ko.
Kinagabihan ay napansin ito ni ardee habang naghahapunan kame.
"Anong nangyari jan?!" tanong niya saken.
Tumingin ako sa mama niya pero wala akong nakitang reaction sa mukha nito at nagpatuloy lang ito sa pagkain.
"Ah, ardee kase ano."
"Don't worry about it. Natabig niya lang yung kape niya kanina." sagot ng mama niya tapos ay tumingin ito sakin. "Hijo naman kase. Be careful!"
Hindi na ko nakapagsalita pagkat tinitigan niya ko ng masama.
Hinayaan ko nalang ang nangyare baka wala lang sa mood ang mama ni ardee kanina.
Sa paglipas ng mga araw, lalong tumindi ang mama niya. Dumating na sa point na binabato ako nito ng walis tambo, ng tsinelas at kung anu ano pang madampot nito.
Tuwing nagkakapasa ako ay napapansin ito ni ardee, pero hindi ko sinasabe ang nangyayare. Ayokong ako ang maging cause ng pagkasira nilang mag ina kaya naman, lahat lahat tiniis ko.
Pumapasok ako ng banyo at binubuksan ang gripo tapos doon ay umiiyak ako. Ayokong marinig ni ardee ang paghikbi ko. Ayokong marinig niyang umiiyak ako.
Kaaalis lang noon ni ardee at katatapos ko lang maglinis ng mahiga ako sa sofa at nakatulog.
Nagising ako sa pagsipa ng sofa. "Bumangon ka jan! Ang daming labahan patulog tulog kapa jan. Wala ka na ngang ginagawa!"
"Ah, mi kase po bukas pa dadating si Aling mercy." pupungas pungas kong sabi.
"Aling mercy? May taga laundry pa kayo? Ang galing mo naman! For sure my son pay her, right? And one more thing, DON'T CALL ME MI! Kadiri."
Hindi ako nakapagsalita.
"Right! Tapos puro expenses. Dagdag palamunin pa!" tapos ay inirapan niya ako.
Bigla akong nagulat sa inasal ng mama niya. Hindi ko alam ang ire react.
"Aalis nalang po ako." tumayo ako para umakyat sa kwarto para mag impake.
Hinila niya ko sa braso at sinampal. "Para ano, ako yung lumabas na masama dito?! Opportunista!"
Gustong gusto ko siyang patulan pero mama siya ni ardee, ayokong mawalan ng respeto sa kanya.
"Ano bang gusto niyong gawin ko?!" napataas na ang boses ko.
Hinablot niya ang buhok ko. "Aw. Aray! Mi. Tita?! Ang sakit!" gusto ko ng maiyak tapos ay hinila niya ko at binuksan ang pinto at tinulak ako na parang basura. Naiyak na ko at naupo sa kalsada.
"You want to leave huh then GO!" she said.
Nagulat ako ng biglang nanlaki ang mata ni tita, tumingin ako sa pinagmumulan ng tingin niya. Nakita ko ang gulat na gulat na si ardee. Naihulog pa nito ang hawak nitong cellphone.
Itutuloy ...
BINABASA MO ANG
Diary of a Closet Bisexual
RomanceFeeling ni rence, mag isa na lang siya sa buhay simula nung umalis ang ate niya para magtrabaho sa ibang bansa; dahil wala na siyang mapagsabihan ng kanyang nararamdaman patungkol sa kanyang tunay na kasarian at pagmamahal sa bestfriend niyang umali...