Chapter 22

3K 72 2
                                    

"Okay lang yan. Para makarami!" natatawang sagot niya habang patuloy sa paghalik sa akin. Ang manyak talaga.

"Umalis ka nga jan." sabi ko.

Pero parang wala siyang narinig. "Maglilinis pa ko." dagdag ko.

Patuloy parin siya sa paghalik sakin ngayon ay dumampi na ang labi niya sa labi ko. Hindi na ko nakapagsalita.

"Maglilinis ka pala eh, bakit naligo ka agad? Di ko tuloy mapigilan." sabi niya at hinalikan ako ulit.

At dahil dun, hindi na ko nakapaglinis. Nakatulog kame, paggising ko 3PM na.

At ang mokong, nakita ko sa maliit naming kusina, naka apron lang, walang damit. Kitang kita ko ang umbok na chest niya.

"Gising na pala ang asawa ko." nakangiting sabi niya.

Tinanggal niya pataas ang nakasabit na leeg niya na tali ng apron.

Lumantad na naman ang abs niya. Ang weakness ko. Napatalikod tuloy ako!

Maya maya lang ay naramdaman ko ang pagyakap niya sakin.

"Kakain kaba o kakainin mo ko?" bulong niya.

Para akong nakaramdam ng kuryente na dumaloy sa mga ugat ko.

Napalayo ako. Ang mokong, mangiyak ngiyak sa katatawa.

Sinapok ko nga. Ang pilyo eh!

"Aray huh? Mapanakit." reklamo niya sabay hawak sa noo niyang binatukan ko pero mahina lang.

"Ang arte huh?"

"Ang sakit kaya."

"Sorry na babe. Saan ba?"

Hinipan at ni kiss ko ang tinuro niyang masakit.

"Tsaka dito babe." turo naman niya sa labi niya. Ni kiss ko din ito.

"Tsaka dito." nagulat ako sa sunod na tinuro niya.

"Manyak!" sabi ko at nilayasan ko siya.

Niyakap niya ko ulit. "Joke lang! Mahal na mahal kita rence."

"Mahal na mahal din kita ardee."

Kumalas siya sa pagkakayakap at may kinuha sa bag niya.

Pinakita niya sakin ang dalawang ticket na hawak niya. "I'm going to boracay this weekend. Sama ka?"

Para akong batang tumakbo papunta sa kanya at niyakap siya. "Oo naman! Thanks ardee." Ang saya saya ko. Sa wakas, may sched na ang travel namin.

Papunta kami ngayon ni ardee sa pinakamalapit na grocery store para bumili ng stocks para sa bahay at mga dadalhin namin pag alis namin papuntang boracay nang may familiar na mukha akong nakita.

Nakatingin ito sa cellphone niya habang natawid sa kalsada, napansin ko ang kotseng mabilis na papalapit dito.

Wala na kong ginawa kundi ang tumakbo.

"Rence!" sigaw ni ardee.

Itinulak ko ang lalaking ito. "Putang --" hindi na niya natuloy ang pagmura ng makita ako.

Napangiti ako kase nakita ko ulit si papa.

"Renceeeeeee!" sigaw ni ardee.

Naramdaman ko nalang ang pagsalpok ng kotse sa katawan ko.

Tumilapon ako ng ilang metro. Nakita ko pa ang pagtakbo ni ardee papunta sakin at inilagay niya ang ulo ko sa hita niya.

Pinunasan ko ang pumatak na luha sa pisngi niya at nginitian siya.

"Renceeee! Rencee. Huhu! Huwag kang matutulog. Renceee. Renceee!" humahagulgol na siya at niyuyugyog ang balikat ko.

Pero hindi ko na napigilan ang pagpikit ng mata ko at tuluyan na kong nawalan ng malay.

Itutuloy ...

🍏

#313 In Romance
10/30/17

Diary of a Closet BisexualTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon