Chapter 10

2.1K 79 7
                                    

Nilibot ng aking mga mata ang apat na sulok ng puting kwarto at nakita ang lalaking nakaubob sa gilid ng kamang hinihigaan ko.

Pinilit kong isipin ang nangyare at napagtanto ang lalaking galit na galit na lumabas ng kotse. Bigla akong kinabahan.

"O, gising kana pala." tumingin ito sa akin.

Napayuko ako at nagsimulang pumatak ang tubig sa mata ko. Tumingin ako sa kanya. "A.. Ardee? Ki.. Kilala mo pa ba ko?"

Nakita ko ang pagkagulat na rumihistro sa mukha niya.

"Hindi." Sagot niya at nilihis ang mata niya sa mata ko.

Hinawakan ko siya sa magkabilang braso. "Ardee naman... Ako 'to si rence! Clarence!" nagsimula na kong humagulgol sa pag iyak.

Tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa braso niya at tumalikod. "Hindi kita kilala." Tsaka tumayo at iiwan na ata ako.

"Where am I?"

"My house. Kung okay kana, I'll take you home."

Home? Naalala ko na naman ang pangyayareng yun. Mamamatay na ata ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Ano ba 'tong nangyayare sa buhay ko. Napakamalas! Ganun ba ko kasamang tao para maranasan 'to?!

Pinunasan ko ang luhang bumagsak sa pisngi ko, tinanggal ang kumot sa bewang ko at bumaba ng kama. "Maraming salamat!"

Tinungo ko ang pinto at iniwan kung sino mang lalaking yun. Pagbukas ko, hagdanan pababa ang nakita ko.

Bumaba ako at hinanap ang pinto palabas ng bahay na ito.

"Alam mo ba talaga kung saan ka pupunta?" narinig kong sabi ng lalaking nasa likuran ko pero hindi ko siya sinagot.

Nakakita ako ng pinto at pagbukas ko, kusina ang nakita ko, tumungo ako sa ref. "Painom muna. Uhaw na uhaw na ko." at binuksan ko na ito at kumuha ng bottled water.

Nakarinig ako ng pagtawa.

Nagulat nalang ako ng makaramdam ako ng hangin sa tenga ko. "Maupo ka muna, ipaghahain kita!" napaharap ako sa kanya, ang bottled water na hawak ko lang ang pagitan namen. Para akong nakuryente. Muntikan na kong matumba, buti nalang ay nasalo niya ako. Lalong lumapit ang mukha ko sa kanya. Napapikit ako at napalunok. Nabitawan ko ang bottled water. Pero hindi ako nakarinig ng pagbagsak, sinalo niya pala gamit ang free hand niya.

Pagmulat ko, nakangisi siya. Napahiya ako at ramdam ang pagpula ng pisngi ko. Kumalas ako sa kanya at naupo sa dining chair.

"Wait a minute." tapos kinindatan niya ko. Feeling ko talaga si ardee to pero bakit niya tinanggi?

Nagluluto siya ng kung ano, nang maisipan kong. "Richard Derrick Reyes!"

Itutuloy ...

Diary of a Closet BisexualTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon