Chapter 30

2.4K 62 5
                                    

*Ardee's Pov*

Binuksan ko ito at nakita si Mi at biglang labas sa banyo ni rence na suot ulit ang damit niya. Nagkatinginan sila ni Mi.

Tumakbo si Mi papunta kay rence at niyakap ito.

"Rence, im so sorry. Patawarin mo ko hijo, nagkamali ako." umiiyak na sabi ni Mi kay rence.

"Huh? Bakit po?" nagtataka na sabi ni rence.

"Nasaktan kita. Pag dumating yung time na maalala mo, sana ay mapatawad mo ko." napaluhod na si Mi habang nakayakap sa bewang ni rence.

Pumunta ako sa kinaroroonan nila. Nakita ko inalalayan ni rence si Mi na makatayo. "Hindi naman po ako marunong magalit. Ang kung may nagawa man po kayong hindi maganda sakin, sigurado po akong matagal ko na kayong pinatawad." ngumiti pa si rence kay Mi.

"Salamat hijo." muling niyakap ni Mi si rence. Napangiti nalang ako, maayus na sila. Sana noon palang natanggap na kami ni Mi, sana naging maganda ang relationship namin sa bawat isa.

Sinundo na ni rockie si rence. Hinatid ko sila sa bus station.

Pero bago yun ay nag usap muna kami ni rockie.

"Ikaw na ang bahala kay rence. Babalik na ko ng america. Doon ay ipagpapatuloy ko ang buhay ko." sabi ko habang nakatingin sa malayo.

"Pero ardee. Nung pinasundo ko siya sayo alam kong sayo siya sasaya. Mahal ko si rence pero mahal ka niya. Huwag mo naman siyang sukuan."

"Iba na ngayon rockie. Ikaw na ang mahal niya! Ikaw ang buhay niya. Siguro parusa ko ito nung iniwan ko siya pero salamat sa diyos, kase ikaw ang nakilala niya." naramdaman ko ang tubig na pumatak sa pisngi ko. Pinunasan ko agad ito.

"Sigurado kanaba? Huwag kang padalos dalos."

"Hindi ko alam kung kailan babalik ang alaala ni rence. Maaaring sa isang linggo. Sa isang buwan o baka sa susunod na taon. Basta rockie, alagaan mo si rence. Mahal na mahal na mahal ko yan!"

"Oo, akong bahala kay rence. Huwag kang mag alala. Mag iingat ka sa america." and he tapped my shoulder.

Pagbalik ko sa condo ay dumiretso ako ng kwarto. Doon ay muli kong hinayaan ang mga luha kong bumagsak. Ang sakit sakit ng nararamdaman ko. Feeling ko mamamatay na ko. Unti unting dinudurog ang puso ko.

Mula sa likod ay naramdaman ko ang hagod. "Shh, tahan na anak." niyakap ko si Mi. Umiiyak din siya.

"Im sorry anak. I took away your happiness. Im really sorry."

Humahagulgol lang ako habang yakap ako ni Mi. Parang bumalik ako sa pagkabata na umiiyak sa dibdib ni mommy.

"Mi, hindi ko kaya. Parang mamamatay ata ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko." iyak lang ako ng iyak.

"Kaya mo yan anak. Im always be here." tapos ay nararamdaman ko ang hagod ni Mi sa likod ko.

Kasalukuyan akong naghahanda para sa aming pag alis ni mommy pabalik ng america.

"Im done mi." sigaw ko para marinig ako ni Mi na nasa sala at nakaready na.

"Okay anak. Ipahahanda ko na kay carlo yung sasakyan na maghahatid satin sa airport."

Bago ako sumakay ng sasakyan ay huminga muna ako ng malalim. "Okay. I can do this! I have to do this."

Itutuloy ...

#433 11/20/2017

Diary of a Closet BisexualTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon