Chapter 3

2.6K 90 1
                                    

"Ano to?" binubuklat pa ni kuya ang notebook ng makita niya ito sa sidetable ng kwarto ko. "Diary?"

Halos lumipad ako makuha ko lang ito.

Tiningnan ako ng masama ni kuya. Hindi siya natutuwa.

"Itapon mo yan! 'Wag kang magganyan sinasabe ko sayo." at lumabas na siya ng kwarto.

Pero hindi ko ginawa ang sinabi niya, patuloy parin ako sa pagsulat doon. Kung masaya ba ko, malungkot o nasasaktan. Kapag namimiss ko si Ardee, si Ate o ang sarili kong tinuruang maging tahimik ng mundo. Isinusulat ko yung gusto kong sabihin. Yung mga hindi ko masabi sa iba. Pero karamihan dun ay sana, bumalik na siya.

Oo. Pilit parin akong umaasa kahit tinanggap ko ng wala na talaga siya. Na siguro, nakalimutan niya na ko. Na siguro, nagbago na siya. Na siguro, may iba na siya. At hindi na ako ang kailangan niya. Na hindi na ako... Mahalaga.

NAKAPAG trabaho ako sa isang mall bilang clerk. Doon ko nakilala si Rockie. Nagkakasabay kame sa entrance, tuwing break at pag uwi. Nagsasawa na nga 'ko sa mukha ng mokong na 'to. Napakulit at isip bata. Minsan natatawa nalang ako. Tuwing restday ko at restday niya lang ako natatahimik pero aaminin ko, namimiss ko ang kakulitan niya pag wala siya. Namimiss ko siya.

Doon ko narealize na hindi ko na pala naiisip si Ardee. Dahil sa kanya.

Dahil sa kanya muli kong nakikita ang sarili kong nakatawa. Muli kong nakikita ang sarili kong... Masaya.

Sa bawat araw na nakakasama ko siya, lalo akong napapalapit sa kanya. Napapangiti ng walang dahilan, sumasaya sa simpleng ginagawa niya. Umaasa.

"Muntanga!" Usal ko sa aking sarili.

Ibang iba ang meron kami, na dati samen ni Ardee. This time, ako lang ang nakakaramdam. Siguro. Dahil, ramdam kong iba si Rockie. Siguro, mabait lang talaga siya. At thoughtful. Sa lahat!

Nagpapakatanga na naman ako.

"HA HA HA!" sabi ng sarili ko.

Pero hinayaan ko lang. In-enjoy ko lang. Go to the flow, ika nga. But still, I know my limitations.

Pero minsan nahihirapan na din ako sa pinagdadaanan ko. Abnormal ba ko? Bat ganito yung nararamdaman ko? Bakit hindi nalang ako katulad ng ibang tao. Iniisip ko, siguro kung hindi ako naging ganito. Hindi kumplikado ang buhay ko. Kung hindi sana ako... Ganito.

Prinsesa sa katauhan ng isang prinsipe.

Itutuloy ...

Diary of a Closet BisexualTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon