Chapter 31

2.6K 56 2
                                    

* Rence' POV *


Kagigising ko lang ng maisip kong iayus ang ibang gamit kong nasa kahon na nilagay nila mama dahil inaalikabok lang daw nung mga panahong nasa ospital ako.

Ilang beses akong napa "Achuuuu. ~" dahil sa mga alikabok na dumikit dito.

Ilang picture's at mga notebook ang nasa loob nito.

Napangiti ako sa mga pictures, kase halatang masaya ako nung mga araw na iyon. Pero hindi ko matandaan.

Kalkal lang ako ng kalkal. Buklat ng buklat sa mga libro at notebook na nandoon. Mga random thoughts ko lang ang nakasulat.

Akala ko'y tapos na ko pero napansin ko ang isang notebook na naiwan. Binuklat ko ito at binasa.

"Diary."


Diary?


Natawa ako. May ganito ba talaga ako?


Papunta na ko sa kabilang pahina ng, "rence! Kakaen na tayo." sigaw ni kuya.

Iniwan ko ang notebook at lumabas na ng kwarto.

Ako nalang pala ang kulang. "Kaen na tayo!" sabi ko at ngumiti kay mama, papa at kuya.

"Sana umuwi na ang ate carla mo, para makumpleto na tayo." nagdrama na naman si mama.

"Kaen kana ma." si kuya.

Natawa nalang kame ni papa at nagsimula na kaming kumaen.

Tok tok tok.

Tumayo si mama para buksan ang pinto.

"Oh hijo?"

"Anjan po ba si rence?" boses ni rockie ang narinig ko kaya napatayo ako.

Pinapasok ni mama si rockie, nakita ko ang sama ng tingin ni papa gayun din ni kuya. Pinandilatan sila ni mama tapos ay ngumiti. Natawa nalang ako.

"Good afternoon po." bati ni rockie kay papa at kuya tapos ay patungo sa akin. "Rence, can we talk? In private." bulong niya.

"Ma, pa, kuya, wait lang may kukunin lang kame sa kwarto." tapos ay hinila ko na siya.

Pagpasok namin ay nilock niya ang pinto. "Hala?" nasabi ko.

"Alam mo ba na aalis si ardee?"

Ardee na naman? Nasabi ko sa isip ko.

"Oo. Sinabi niya sakin."

"Rence, hindi ako ang mahal mo kundi si ardee."

"Anong pinagsasabe mo?!" nagagalit na ko.

Naghalungkat siya ng kung anu ano sa loob ng kwarto ko hanggang sa nakuha niya ang notebook na hawak ko kanina.

"Ito! Basahin mo yan?!" abot niya saken. Nagtaka ako.

"Diary? Hindi naman ata to saken. Hindi naman ako naggaganito."

"Basahin mo!" galit na din siya. It's a tie!

Nagsimula akong buklatin ito.


November 21, 2013

I miss ardee so much. He was always my strength pero ngayong iniwan niya ko, nahihirapan akong patatagin ang sarili ko. 


March 15, 2014

Ang supladong mokong na yun! Namimiss ko na siya. Mahal na mahal ko siya. Siya ang taong nagparamdam sakin na i deserved to be loved no matter what or who i am.


January 28, 2015

Sana naman bumalik na siya. Mag iisang taon na. Pero hanggang ngayon nasasaktan parin ako. Halos gabi gabi, umiiyak ako. Wala akong makausap, nagwork na abroad si ate. Nahihirapan na ako.


June 5, 2015

Natatakot ako. Hindi matutuwa si papa when he find out na im not the son he used to be. He gave me the name Clarance, combination of my moms name, clara and his name, lawrence. Natatakot ako, baka hindi niya ko matanggap. Anong gagawin ko? Nalilito na ko. Help me.



Naluha ako hindi ko na ito tinapos. Parang nagflashback lahat lahat ng memories na nakalimutan ko sa utak ko.

"Thanks rockie." sabi ko at nagpunas ng luha. "Si ar .. ardee? Si ardee, nasan na?"

"2PM ang flight niya papuntang america." nagsimula ng maglaglagan ang tubig sa mata ko.

Tumingin ako sa wrist watch ko. 1PM na, nagsimula akong mataranta. Hiniram ko ang susi sa kotse ni papa at tumungo sa airport. Hindi na ko nakapagpaalam sa kanila, dali dali kong pinaandar ng mabilis ang sasakyan. Kailangan kong mapigilan si ardee. Ayoko ng mamatay ulit pag iniwan niya ko.

Putang ina. Traffic pa!

Iyak ako ng iyak habang nagmamaneho. "Ardee, hintayin mo ko! Ardeeeeee."

Itutuloy ...

#413 11/25/2017

Diary of a Closet BisexualTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon