"Clara, magpabook ka ng flight. Dun muna kayo Clarence sa Cebu, magbakasyon kayo dun sa parents mo." Sabi ni Dad kay Mama.
"Ano bang problema niyo?" Pabalang kong sabi kay Dad. "Hindi! Hindi ako sasama. Hindi ako magre-resign!"
"Ikaw! Ikaw ang problema ko!" Tapos ay tinuro pa ko ni Dad.
Tinapik ni Mama ang kamay ni Dad.
"Lawrence, ano ba?!"
"Ako? Bakit? Ano bang ginawa ko?" Nangingilid na ang luha ko. Hindi ko maintindihan. Bakit parang nilalayo nila ako. Parang nilalayo ako ni Dad kay Rockie.
"Nakita ka ni Kuya Renzo mo habang harutan kayo nang harutan ng Rockie na yun!"
Natahimik ako. Di ko alam ang sasabihin. Gusto kong magbiro na, hindi ba pwedeng close lang? Ganun? Pero hindi ko magawa. Wala akong lakas ng loob dahil hindi naman kami ganun ka-close ni Daddy. Palibhasa, si Kuya Renzo yung paborito niya.
Tumakbo ako papunta sa kwarto ni Kuya Renzo.
Pagbukas ko ng pinto, nakita ko siyang naka harap sa computer niya.
"Sana tinanong mo muna ako bago ka nagsumbong kay Dad. Sipsip!" Lakas loob kong sinabi.
"Bakla!"
Hinubad ko ang bagpack ko at binato ko sa mukha niya. Alam kong hahabulin niya ko para gantihan kaya tumakbo na kaagad ako sa kwarto ko at ni-lock ito.
Inayos ko ang gamit ko. Siguro, dun muna ako kay Rockie.
Bago ko pa mabuksan ang pinto palabas ng bahay, narinig ko ang sinabi ni Dad. "Pag lumabas ka sa pintong yan, huwag ka ng babalik!"
Hindi ko pinansin ang sinabing yun ni Dad pero dinadamdam ko iyon.
At lakas loob na lumabas ng pintong ito. Ng bahay na ito. Hindi ko alam pero sobrang nasasaktan ako. Ganun lang? Ganun lang kadali para kay Dad na tanggalin ako sa pamilya? Wala ba talaga akong halaga sa kanila?
Itutuloy ...
A/N: Thanks for adding this story to your library. I appreciate! Labyu guys. 💕
BINABASA MO ANG
Diary of a Closet Bisexual
RomanceFeeling ni rence, mag isa na lang siya sa buhay simula nung umalis ang ate niya para magtrabaho sa ibang bansa; dahil wala na siyang mapagsabihan ng kanyang nararamdaman patungkol sa kanyang tunay na kasarian at pagmamahal sa bestfriend niyang umali...