Chapter 13

1.9K 67 2
                                    

Gusto kong bumalik papunta kay Ardee. Takbo lang ako nang takbo.

Napahinto ako nang biglang pumasok sa isip ko.

Ano ba tong ginagawa ko?

Naaawa ako sa sarili ko.

Mali 'to.

Si Rockie na ang kaagapay ko ngayon. Mali ang pumunta ako kay Ardee dahil lang nasaktan ako ng pisikal ni Rockie.

Nagdesisyon akong bumalik ng bahay ni Rockie.

Nadatnan ko ang magulo at nagkalat ang mga basag na gamit doon.

Sa isang sulok, nakita ko si Rockie. Umiiyak siya. Yakap yakap ang tuhod niya.

Lumapit ako at niyakap siya.

Nagulat siya nang makita ako. "I'm sorry rence. Hindi ko talaga sinasadya na saktan ka. Patawarin mo ko."

Hinagod hagod ko ang likod niya. "Shh. Tahan na." I looked into his eyes and caress his cheek.

Niyakap niya ko nang mahigpit.

"Mahal na mahal kita." Saad niya.

Hindi kaagad ako nakapagsalita. Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayong bumalik ang dating hinintay ko ng pagkatagal tagal.

Nagtulungan kaming ayusin at linisin ang buong bahay ni Rockie.

Masaya akong makitang ngumingiti na ulit siya.

"Sabi ni sir. Magreport kana daw para makapasok kana." Napatingin ako nang magsalita siya, nadatnan ko siya dining area at ngumiti lang ako bilang pagtugon sa sinabi niya.

Parang ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit! Hindi ko alam kung ano. Kung paano naging ganito.

Nagpatuloy ang buhay namin ni rockie, our lives back pero ba't ganito yung nararamdaman ko. Parang may kulang. Parang may mali. Parang hindi ako lubusang masaya. Hindi ako masaya.

Sabay kaming umuwi ni rockie galing trabaho. Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinatak pasakay ng bus.

"Sa'n tayo pupunta?" tanong ko habang naghahanap kame ng mauupuan.

Nakaupo kami magkatabi sa medyo kaduluhan ng bus.

"Camarines sur." sabi niya.

Napatayo ako sa kinauupuan ko sa pagkagulat. "Ano?" Sabay tingin ko sa kanya.

Hinawakan niya ko sa braso at pinaupo at tumingin sa mata ko. "Mahal kita. Magbakasyon tayo." tapos ay ngumiti siya.

"Beb, ayoko." napayuko pa ko.

Nauna siyang bumaba ng bus. Nawala siya sa mood.

Hindi niya ko kinikibo. Hindi ko narin siya kinulit. Tahimik lang kame hanggang makauwi ng bahay.

Nauna siyang pumasok at ako ang nagsarado ng pinto.

"Mahal mo paba ako?"

Mahal ko pa nga ba siya? Mahal niya ko, alam ko pero mahal ko pa nga ba... Siya?

Itutuloy ...

Diary of a Closet BisexualTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon