Chapter 4

2.5K 88 0
                                    

Sumali ako sa isang group ng closet bisexuals sa isang social media. Doon lang ako nagka-idea na hindi pala talaga normal. Natawa nalang ako. Anong magagawa ko? E, sa ganito yung nararamdaman ko. Hindi ko naman to ginusto, naramdaman ko lang.

Pinipilit ko parin ang sarili kong ipakita sa tao ang dapat nilang makita. Sa kilos at galaw ko. Sa pananamit ko. Maging sa paglalakad ko. Umiiwas kase ako sa anumang issue o kung ano pa man. Mahirap yun ah?! Artista. Hahaha

Restday ni mokong kaya tahimik ang mundo ko ng araw na iyon pero paglabas ko, parang gusto ko ulit pumasok.

"Hi Clarence!" Ngiting aso si Rockie.

Tumalikod ako sa kanya at akmang papasok ulit.

"Ops ops Opsss!" Hinila niya ang bagpack ko kaya napatigil ako.

"Bakit ba?!" Pabalang kong sabi.

"Napaka arte mo. Manuod tayong sine!"

"Ayoko! Kailangan ko ng umuwi."

"Ano? Teenager?"

"O, bakit?"

"Isa!"

"Dalawa. Tatlo. Anong palagay mo sakin, hindi marunong magbilang?" Sagot ko.

Tawa nang tawa ang mokong.

"Akin na yung bag mo, ako na magsusuot." Sa di ko malamang dahilan, binigay ko naman ang bag ko. Ewan ko. Parang nag-automatic yung kamay ko sa pagtanggal ng bagpack ko at binigay ito sa kanya.

Sabay kaming naglalakad papuntang cinema. Nag uusap ng kung anu ano, tawanan, asaran.

"Gusto ko barilan." Sabi niya.

"Horror nalang." Suggestion ko.

Tiningnan niya lang ko na nakakunot ang noo.

"What's wrong with that?"

Dumiretso siya sa ticket booth at pumunta na kami sa nasabing cinema.

Tutok na tutok ako sa panunuod. Pagtingin ko sa kanya, ang mokong, ayun! Tulog na tulog! Hinayaan ko lang siyang matulog hanggang natapos na ang movie.

"Gising na. Tapos na!" Yugyog ko sa balikat niya hanggang sa magising siya.

"Sorry Rence, ang boring kasi nung palabas e. Di ko napansin." Paliwanag niya. Pero hindi ako kumbinsido dahil alam kong pagod siya at marahil ay kulang siya sa tulog.

"Gusto mo kumaen?" Tanong ko.

"Ah, sige."

Ramdam kong antok na antok pa siya kaya nasabi kong, "umuwi ka nalang kaya?"

"Ayoko. Gusto pa kita makasama." Napatunganga ako sa sinabi niyang yun. "I mean, ililibre mo pa ko ng dinner diba?" tapos ay tapik niya sa noo ko.

Napahawak naman ako sa masakit na parte ng noo ko gawa ng pagpitik niya pero sa kamay niya pala ako napahawak.

Napatitig lang ako sa kanya at ganun din siya sa akin. Siguro ay mga walong segundo kaming ganun nang ma-realize kong namumula na ata ang mukha ko at ang awkward na.

Nauna siyang tumayo at lumabas na kami.

Dumiretso kami sa isang fast food at kumaen. Magkaharap. Tahimik lang kame pareho. Hindi ko malaman kung anong tumatakbo sa isip niya pero pagtumitingin ako sa kanya, ngumingiti lang siya at napapangiti na din ako.

"Kamusta kayo ni Charmaine?" Tanong ko.

Bigla siyang napatigil. Napatingin sakin at tumingin sa malayo.

"Wala na kami." Tapos ay tumingin siya ng diretso sa mata ko. "May iba na 'kong mahal."

Hindi ko alam ang magiging reaction ko. Kung anu-anong pumapasok sa utak ko. Pero alam ko namang hindi mangyayari yung iniisip ko. Nasabi ko nalang, "sorry Rockie."

Nagpahinga lang kami saglit tapos ay tumayo na 'ko. "Uwi na tayo. Napapagod na ko."

Tumayo narin siya kasunod ko.

Naglalakad kami pareho papuntang terminal. Walang kumikibo. Tahimik lang.

"Dito kana pala sasakay. Akin na yung bag ko. Feel na feel mo yan masyado." Sabi ko tapos ay nilahad ang palad ko. Pero hinawakan niya ko sa pulso at hinila pasakay ng jeep.

Nakaupo na kami at umandar na ang jeep. Pero hindi ito ang jeep papunta sa destinasyon ko. Sarap niyang batukan!

Sinimangutan ko nalang siya. Magkaharap kami sa jeep na ito nang nginitian niya lang ako. Ewan ko. Hindi ko mapigilan. Umiwas ako ng tingin sa mga mata niya at hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa nararamdaman kong parang lumilipad sa tiyan ko. Ni hindi ko mabura sa isip ko ang ngiti niya. Ang mapuputi at pantay na pantay niyang ngipin, ang dimple sa kanang pisngi niya, ang mapupungay niyang mga mata. Hindi pa niya ako binabato, pero tinamaan na niya na ako.

20 minutes narin siguro ng magpara siya.

Nauna akong bumaba kasunod siya pero pinauna ko siyang maglakad since siya ang nakatira dito.

Sa isang subdivision kami pumasok. Tahimik. Kami lang naglalakad. Siguro dahil ay alas nueve na ng gabi.

Pumasok siya sa isang unit, in-unlocked ang doorknob gamit ang susing kinuha niya sa bulsa niya habang suot suot niya parin ang bag ko.

Binuksan niya ang ilaw. Bumungad sakin ang sala, sa dulo ay kusina. Sa taas ata ang bedroom.

Pagpasok ko ay sinarado niya ang pinto, napasandal ako gawa ng sobrang lapit niya at konti nalang ay magkakayakap na ata kami. Narinig ko ang paglock niya ng doorknob kasabay ng mainit niyang halik sa labi ko.

Itutuloy..

Diary of a Closet BisexualTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon