Chapter 14

1.9K 68 8
                                    

"Mahal mo paba ako?" Tanong ni rockie sakin.

Napatigil ako. Nakahawak pa ko sa doorknob at napayuko sa baba ng pinto.

"Tapatin mo nga ko rence! Mahal mo paba ko?!" umaliwangwang ang tanong na yun sa loob ng bahay na ito.

Hindi ko alam, naiyak ako bigla.

Hindi ako sumagot. Ayokong magsalita. Natatakot ako sa pwede kong masabi na pagsisisihan ko.

Pinunasan ko ang pisngi kong basang basa ng luha at dumiretso ng kusina. "Gusto mong kumaen?" tanong ko ng hindi tumitingin sa kanya.

Hinawakan niya ko sa braso at hiniharap sa kanya at hinalikan nang bigla.

Sa pagkabigla ko, natampal ko siya.

Hindi ko sinasadya pero parang nabastos ako sa ginawa niya.

Nakita ko ang luhang umaagos sa pisngi niya.

Niyakap ko siya.

"Rence naman, kung hindi mo na ko mahal, sabihin mo. Ang sakit kase, hindi mo sinasabe pero nararamdaman ko. Hindi 'to madali sakin! HIRAP. NA. HIRAP. NA. KO!" nasabi niya sa pagitan ng pagsinghal.

Mas lalong hindi ako makapagsalita. Nadudurog ang puso ko sa mga oras na ito.

"Hindi kita iiwan Rockie... Wala kang ibang ginawa kundi mahalin ako. Hindi kita iiwan!" Halos humagulgol na din ako sa pag-iyak.

Kumalas siya sa pagkakayakap ko.

"Rence, palayain mo nalang ako please?" lumuhod pa siya sa harap ko.

"Hindi! Rockie ano ba?" tinulungan ko siya tumayo dahil paran hinang hina siya.

"Ang selfish mo rence. Gusto mong mag-stay pero niloloko mo naman ako!"

"Hindi kita niloloko."

"Mahal mo lang ako kase alam mong mahal kita!"

Natahimik ako sa tinuran niya. Walang lumalabas na salita sa bibig ko.

"Tigilan na natin to rence. Ayoko na!" tinalikuran niya ko at pumuntang kwarto.

Sinundan ko siya pero hindi niya ko pinapansin. Iyak lang ako nang iyak dahil hindi ko maintindihan kung bakit nagkakaganito si Rockie dahil okay naman kami.

Niyakap ko siya mula sa likod. "Rockie, ayoko. 'Wag naman ganito!" humahagulgol na ko.

Hinarap niya ko at niyakap ng mahigpit na mahigpit. He caress my cheeks and say, "I want you to be happy and I'm setting you free." Ngumiti siya ng pilit, hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi.

Si rockie na yata ang isa sa pinaka dakilang lalaki na nakilala ko.

"Kung si Ardee ang mahal mo, ihahatid kita sa kanya. Masigurado ko lang na aalagaan ka niya kase pag hindi niya ginawa yun, papatayin ko siya."

Nasapok ko siya sa balikat. "Bad!" tapos ay nagtawanan kame.

Tok tok tok.

Pareho kaming pumunta sa pinto. Siya ang nagbukas.

"Ardee?" Ngumiti sakin si ardee at tumingin ako kay rockie. Naguguluhan ako.

"Nag usap na kami." si rockie.

"Tara na rence." sabi ni ardee na nakatayo sa labas, sa harap ng pinto.

Tumingin ako kay rockie. Nakangiti siya sakin at sinabing "Sige na rence."

Naiyak ako. Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit. "Thank you!"

"I'll be fine, don't worry." Mahinang sabi ni rockie pero may ngiti sa kanyang mga labi.

Pumunta na ko kay ardee at nginitian ulit siya.

"Take care of my rence!" madiin na sabi niya kay ardee.

"HE'S MINE!" Ardee corrected.

Natawa ako. Suplado talaga tong ugok na to!

Bago ako sumakay ng kotse ni ardee ay nginitian ko ulit sa huling pagkakataon si rockie.

Agad na pinaandar ito ni ardee.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Sa family mo." tapos ay hinawakan niya ang kamay ko, halos balutin naman ako kaba.

Itutuloy...

Diary of a Closet BisexualTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon