Chapter 1

4.7K 97 6
                                    

So guys, this new story is my second entry of  my original piece of writing a boyxboy story. This time try ko naman mag tag-lish ang ating story, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa at ito na ang chapter 1.

____________________________________________________

Chapter 1

Once upon a time there was a young man who named Jackson, he was a cute son of Jaqueline and Sonny. One day, their son turned to be different; he is cursed to be a man into a girl. He found a magic lamp one day and was granted a 3 wishes, and then the first wish he demanded is to be one of the richest people in the world. Second, to have his lover and the last one is to be a permanent girl forever...and the genie said...."Your wish is my command" and then in just a glimpse....

Gumising na lang ako bigla ng marinig ko ang aking alarm clock sa tabi ng aking kama, ay pakshet panaginip lang pala ang lahat. Bumangon na lang ako at diretso na sa banyo para mag-shower, kailangan ko pala maghanap ng trabaho ngayon.

 "Hi, I'm Jackson Chance 21 years old and willing to be the secretary of the president of this company" nagpakilala ako sa panlima kong inaplyan sa araw na ito. Ito na ang huli kong aaplyan ngayon at masisira na ang beauty ko este kapogiaan ko pala. "Your records are good and we will call you as we review it well" sabi ng HR na nag-iinterview sa akin.

Tinawag na ang susunod na aplikante at ako ay diretso na sa elevator, matagal-tagal pa naman ang sinakyan ko pataas papunta dito tapos agad din akong bababa pagkatapos ng interview ko na malabo naman na matanggap. Kahit tapos ka na sa pag-aaral ngayon mahirap ng maghanap ng trabaho.

 Pumasok na ako ng elevator at pinindot ang letter G para makababa na sa ground floor ng biglang "Wait, open the elevator for me!" Err may sumigaw ba, binuksan ko ulit ang elevator at tama nga ako may isang lalaki na naghahabol ng kanyang hininga ang nagmamading pumasok ng elevator. 

 "I'll be there in a minute" sabi niya sa kausap niya sa cellphone, hindi man lang nagpasalamat sa akin sa pagbukas ko sa kanya ng elevator. Gwapo na sana siya kaso mukhang mayabang itong lalaking ito. Sa ground floor din ang baba niya, pagkababa ko dumiretso muna akong comfort room.

 Swerte naman ako at may isang gwapo na naman akong nakita, pumapatol kaya siya sa katulad kong bayot. Joke lang, I'm not gay that is girly, I'm the gay acts like a man, pero malay mo madaan ko sa kindat.

 Teka lang may kausap din siya sa cellphone niya habang nakaharap sa salamin. "Pare, I need a computer expert for my presentation baka naman may ire-recommend ka sa akin?" Tanong niya sa kausap niya.

 Ting! Nakakita ako ng way para magkausap kami nitong pogi na ito. Di na ako nagdawalang isip na kausapin siya, lakas kaya ng confident ko sa sarili ko. "Ah, excuse me Sir" humarap siya sa akin at humingi ng ilang minuto sa kausap niya cp niya. "Yes, what is it?" Natanong niya agad sa akin at in-fairness maganda ang accent ng english. "Narinig ko po kasi kayong naghahanap ng computer expert, and I think I can do the job" tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, aba’t kasama ba katawan ko sa requirements, di ba dapat itanong niya background profile ko. Pero kinausap niya uli yung kausap niya sa cp at binaba na niya phone niya.

 "You think, you are sure about the job I'm looking for?" Panigurado niyang tanong, tapos inabot ko yung sobrang resume ko at chineck niya agad. "What do you think Sir?" Tinanong ko na siya at hinawakan pa niya ang jaw line niya when he's checking my profile. "Okay, you're in. I'm in a hurry, so let's go" sumunod na ako sa kanya palabas ng kompanya and may naghihintay sa kanya sa labas. Wait siya yung kasabayan ko sa elevator.

 "Who is he?" "I found him in the comfort room" sagot ni crush ko sa kanya, ay teka lang di niya alam na crush ko siya ah. Sumakay na kami sa iisang sasakyan na porchsce ata saka nag-explain na si crush dun sa pogi na mataray.

 Saan naman kaya ang punta namin neto, habang nasa biyahe eh binigay ni crush ko (crush ko agad ang tawag ko sa kanya since hindi ko pa siya kilala) yung laptop niya at pinaayos niya yung presentation mula dun sa usb niyang inabot din sa akin. Madali lang pala itong pinapagawa nila eh, may mga make-over lang na ire-revise. Dumating kami sa isang venue at tapos na yung ginagawa ko sa takdang oras.

 Sa isang conference meeting pala ang pinuntahan namin, bale kausap nila ay through screen lang parang skype lang ang peg. Inaayos ko na ang kailangan habang nage-explain si crush ko. Tinitigan ko lang siya sa kalahating oras niyang presentation at echos lang si pogi na mataray sa tabi. Ano naman ang role niya dito eh hindi man lamang umiimik sa kanyang upuan, nabigla na lamang ako ng ipakilala siya ni crush

 "This guy beside me is the president of the Kingz Company" what?! (*0_0*) tameme lang ako, siya pala yung presidente na inaplyan ko bilang secretary niya. OMG! Taray pala ng boss ko kung saka-sakali. Malamang hindi ako tatanggapin nitong masungit na ito.

 Bat hindi na lang kasi si crush ko yung presidente ng kompanya, malamang tanggapin pa ako. Mukhang pasado kasi ako kanina sa personal interview niya, at hindi lang sure dahil rush lang kaya niya ako tinignan, asumera na lang hehe. Nakita naman siguro nila ang effort ko para mapaganda ang presentation sa pamamagitan lamang ng ilang minuto.

 "It's worth the presentation" narinig ko na lang at nagsipag-close deal na silang lahat. Tuwang-tuwa naman si crush ko sa akin, joke lang what I mean sa succesful ng kanyang presentation.

 "I think we have to celebrate pare, and you" tinuro niya ako "You will come with us". "What?!" Sigaw ni pogi na mataray "We should thank him for his job well done" pamuri ni crush sa akin, at ayun muntik na akong mahimatay sa kilig much niyang sinabi tungkol sa akin. <(0~*)>

 Hindi na nakatanggi pa si pogi na mataray at kumain na kami sa isang resto bar, tahimik lang ako at kapag tinatanong ako dun lang ako nagsasalita. Natanong na nila name ko at sa wakas kilala ko na din sila.

 Si pogi na mataray na una kong nakilala at nakasalubong kanina sa elevator at mukhang hindi niya ako nakilala kanina sa elevator eh si Mr. Pres. Izeik Kingz ang may ari ng kompanyang inaplyan ko. Si crush ko naman ay ang Vice President naman niya, siya si Tyler Creed. Para lang silang magkapatid pero mag-pinsan naman daw sila, parehong may lahing foreign basta lahat ng description niyo sa kagwapuhan eh nasa kanila lang. May diperensa nga lang. Mataray si Mr. kingz at mabait naman si Mr. Creed na crush ko.

 Nang matapos na kaming kumain eh, nagpaalam na ako sa kanilang dalawa. Inabutan ako ng card ni Mr. Creed para sa sweldo ko at kukunin ko ito bukas sa kompanya nila, he patted me on the head before I get inside the taxi.

 Dumating ako ng bahay at binati ako ang mama ko na nagluluto sa kusina, napansin niya akong masaya at nagtanong kung nakahanap na daw ako ng trabaho. Sabi ko naman wala pa at maghahanap uli bukas. Sinabi ko na din sa kanyan na nakakain na ako at nauna na ako sa kwarto ko. Dali-dali kong binuksan ang facebook page ko at nag-post na.

Wall

 Good evening guys, lima ang pinuntahan kong trabaho ngayon at sana may tumawag sa akin bukas, nga pala may nakilala akong dalawang stranger kanina. Si pogi na mataray at si crush ko, pareho silang cute di nga lang sa ugali. Don’t want to tell you the names guys but I think it will be fun kung magkakatagpo pa kami.

#Cutenicrushko :)

Click Post

__________________________________________________

secretauthor014 daw!

Chapter 1 to 3 eh medyo maiinip pa kayo, pero eto muna ang mababasa nyo sa ngayon. Syempre kailangan ko yung comments and feedbacks nitong bago kong istorya, kapag maganda ang feedback syempre gagandahan ko ang mga back-up ko haha...

comment and vote na agad :))


Just Us &quot;Post It&quot; (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon